Thursday , June 4 2026

Bigtime lady shabu dealer sa Bulacan arestado (P.7-M droga kompiskado)

TINATAYANG aabot sa P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa isang bigtime drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr., chairman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nadakip na si Mona Salanggi, 27, ng Brgy. Muzon, sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, si Salanggi ay nasa watchlist ng drug personalities  ng PDEA Regional Office 3 simula Oktubre 2015, at kilala bilang bigtime supplier ng shabu sa lungsod.

Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA sa pamumuno ni Director Gladys Rosales, sa parking lot ng isang supermarket sa Brgy. Muzon na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek makaraang magbenta ng droga sa isang poseur buyer.

Nakapiit na si Salanggi sa PDEA RO3 jail facility at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), ng Article II ng Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …