Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Abaya desperado sa Mrt shutdown

ITINURING ng Riles Network na isang “desperate move” ni Transportation and Sec. Jun Abaya ang planong pansamantalang ipahinto ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT). Ayon kay Riles Network Spokesperson Sammy Malunes, hindi naiiba sa transport strike ang nais ikasa ni Abaya dahil mahigit 500,000 commuters ang mawawalan ng pampublikong sasakyan. “First time na mangyayari [ito] sa kasaysayan ng railway …

Read More »

30 int’l cargo vessel stranded sa Manila Bay

NAKAPILA pa rin sa mga pier ng Maynila ang 30 international cargo vessels para makapagbaba ng kanilang kargamento. Ayon kay Mary Zapata, pangulo ng truckers group na Aduana Business Club, Inc. (ABCI), nagangahulugan itong hindi pa rin normal ang operasyon sa pier dahil sa mahabang pilang dinaranas dito. “Ang nakapila ho nating barko kahapon (Huwebes, Oktubre 9) ay 30 pa.” …

Read More »

Arestadong 3 bombers, bomb threats iniimbestigahan

BINIBERIPIKA ng intelligence and investigation unit ng pambansang pulisya kung may kinalaman sa napaulat na bomb threats sa dalawang paaralan sa Maynila at Quezon City ang pagkakaaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa tatlong suspek na nakompiskahan ng hand grenades at iba pang paraphernalia. Ayon kay PNP PIO chief, Senior Supt. Wilben Mayor, kumikilos na ang intelligence and investigation …

Read More »

Kinompiskang paintings ipinasosoli ni Imelda  

UMAPELA sa Sandiganbayan si Rep. Imelda Marcos kaugnay ng pagkakompiska sa mamahaling paintings ng kanyang pamilya. Partikular na kinuwestyon ng mambabatas ang seizure order ng anti-graft court sa mahigit 100 paintings na koleksyon ng pamilya Marcos na sinasabing bahagi ng ill-gotten wealth. Kinondena rin ni Rep. Marcos ang aniya’y pananakot ng mga awtoridad sa kanilang pamilya sa pagpapatupad ng kautusan …

Read More »

3 passenger car ng SM MOA ferris wheel nasunog

NASUNOG ang tatlong passenger car ng SM MOA Eye Ferris Wheel sa Seaside Boulevard, Pasay City dakong 10 a.m. kahapon. Ayon kay Pasay Fire Marshall Chief Inspector Douglas Guiab, napansin ng operator ang usok sa wiring na nagsusuplay ng koryente sa ferris wheel habang nagsasagawa ng test run. Walang sakay na pasahero ang ferris wheel nang mangyari ang sunog at …

Read More »

7 naospital sa condo fire

ISINUGOD sa pagamutan ang pito katao makaraan masunog ang isang condominium unit kahapon sa Lungsod Quezon. Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, District Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City, nagsimula ang sunog bandang 12:32 p.m. sa basement ng Prince David Condo sa 305 Katipunan Avenue, Quezon City. Kasalukuyang inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima. …

Read More »

1 patay, 6 sugatan sa Cavite ambush

  ISA ang patay habang anim ang sugatan sa naganap na ambush sa Imus, Cavite dakong 5:30 p.m. kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Isnahaya “Durian” Pangandapon. Kasama siya sa grupo ng konsehal ng barangay na si Bami Adjihasis na lulan ng isang Toyota Innova (WQD-945). Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel, Huwebes ng madaling araw nang magkasa sila ng …

Read More »

11-anyos pandesal vendor hinoldap sa Caloocan  

HINDI pinatawad ng holdaper maging ang isang 11-anyos batang nagtitinda ng pandesal kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Hindi makausap nang maayos at nanginginig sa takot ang batang si Mark Christian “Kokey” Santos, sa pagnanais na makatulong sa pamilya ay nagtinda ng pandesal sa kanilang lugar. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 7:30 p.m. nang maganap ang insidente malapit …

Read More »

3 preso pumuga sa Tanauan jail

TACLOBAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong presong nakatakas mula sa Tanauan Jail kamakalawa. Kinilala ang mga puganteng sina Jerry Igilos, 36, at Luciano Cinco, 26, parehong mga residente ng Brgy. Canramos, Tanauan Leyte, at nahaharap sa kasong pagkalabag sa RA 9165; at Nino Porillo, 30, tubong Talalora Samar, may kasong estafa. Ayon kay Senior Insp. …

Read More »

DepEd kukuha ng 39K teachers sa 2015

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd), tatanggap sila nang mahigit 39,000 guro para sa 2015-2016 na pinaglaanan nang malaking bahagi ng P365 billion budget ng ahensiya sa susunod na taon. Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, ang DepEd ay kukuha ng kabuuang “39,066 new teachers in 2015 with a budget of about Php 9.5 billion.” Kabilang sa hiring program ang …

Read More »

PNoy tiwala sa awtoridad vs terorista

KOMPIYANSA si Pangulong Benigno Aquino III sa kakayahan ng mga awtoridad na pangalagaan ang publiko laban sa ano mang banta sa seguridad. Ito ang inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nang mapaulat ang sinasabing planong pag-atake ng mga terorista sa Metro Manila, makaraan maaresto sa Quezon City kamakalawa ang tatlong mga kasapi ng Raja Sulayman Group. “The President …

Read More »

Pork cases lalakas sa AMLAC findings

KOMPIYANSA ang Malacañang na hindi nagkulang ang Department of Justice (DoJ) sa kanilang pangangalap ng ebidensya noon laban sa mga sangkot sa pork barrel scam. Partikular dito ang kasong plunder laban kina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Reaksyon ito ng Malacañang sa pagkakatugma ng findings ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at testimonya ni Benhur Luy laban kay …

Read More »

1 patay, 10K residente apektado ng baha sa Maguindanao

KORONADAL CITY – Isa ang namatay nang malunod sa baha sa lalawigan ng Maguindanao dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kamakalawa. Ayon kay Buldon Mayor Abolaiz Manalao, dalawang tulay sa kanilang bayan ang nasira nang umapaw ang tubig baha at dahil na rin sa sobrang lakas ng agos. Habang umabot sa 10 barangay ang binaha sa bayan …

Read More »

DBM Sec. Abad kinalampag ng PNU studs, faculty (Sa kakarampot na budget)

SINUGOD ng mga guro at estudyante ng Philippine Normal University (PNU) ang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) at kinalampag si Budget Secretary Florencio Abad kahapon ng tanghali. Naglunsad ng noise barrage ang mga estudyante at guro bilang protesta sa kakarampot na budget na inilaan sa kanilang unibersidad para sa susunod na taon. Nabatid na sa lahat ng …

Read More »

Makati studs wagi sa 13th PH Robotics Olympiad (Lalaban sa Russia Robot Olympiad)

ANG tatlong Robotics team na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Makati ang nanguna sa ginanap na 13th Philippine Robotics Olympiad sa SM North Annex sa Quezon City, at sila ang magiging kinatawan ng bansa para sa 11th World Robot Olympiad sa Sochi, Russia sa Nobyembre. Sinabi ni Dr. Dominico Idanan, DepEd Makati superintendent, ang team mula sa …

Read More »

Guro naatrasan ng Hummer ni PacMan

GENERAL SANTOS CITY – Isinugod sa pagamutan ang isang guro makaraan naatrasan ng sasakyan ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa harap ng municipal hall sa Glan, Sarangani province kamakalawa. Ayon kay PO3 George Guerrero ng Glan PNP, aalamin pa ang pangalan ng naturang guro na mabilis na isinakay ng ambulansiya at dinala sa pagamutan sa GenSan makaraan ang pangyayari. Aniya, …

Read More »

Bomb plot sa metro ibinabala ng US emba (US citizens pinag-iingat)

BINALAAN ng Embahada ng Estados Unidos ang kanilang mamamayan sa Filipinas na mag-ingat kaugnay ng planong pagpapasabog sa Metro Manila. Sa ipinalabas na alerto ng US Embassy, binanggit kung paanong naaresto noong Oktubre 7 sa Quezon City ang tatlong terorista na dapat sana’y magsasagawa ng planong pambobomba. Payo ng embahada sa US citizens, manatiling mapagmatyag. Huwag din anilang galawin ang …

Read More »

  40 bebot ‘nasagip’ sa hi-end bar(Naibubugaw hanggang P.1-M)

 MAHIGIT 40 kababaihan, kabilang ang 20 Chinese national, ang nasagip ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division sa isang high-end entertainment club sa Remedios St., Malate, Maynila kamakalawa ng madaling araw. (ALEX MENDOZA) MAHIGIT 40 kababaihan, kabilang ang 20 Chinese national, ang nasagip ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division sa isang high-end entertainment club sa Remedios St., …

Read More »

4 PNP directors sinibak ni Roxas

TINANGGAL at pinalitan ni Interior Secretary Manuel Roxas II ang apat sa limang District Director ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila. Kabilang sa tinanggal sa pwesto, ang pinuno ng Quezon City Police District. Sa layuning mapahusay ang kampanya laban sa kriminalidad, inaprubahan ni Roxas ang rekomendasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na alisin sa pwesto ang …

Read More »

Purisima, 11 pa iniimbestigahan ng Ombudsman (Sa maanomalyang PNP contract)

NAGBUO ang Office of the Ombudsman kahapon ng panel na mag-iimbestiga kay Philippine National Police chief, Director General Alan Purisima, ngunit hindi kaugnay sa kanyang mansiyon sa Nueva Ecija kundi sa maanomalyang kontrata na pinasok ng PNP sa courier service noong 2011. Bukod kay Purisima, 11 iba pang ranking police officials ang iimbestigahan ng Ombudsman’s special panel, kabilang si Police …

Read More »

Aquino admin bagsak vs kahirapan, presyo ng bilihin (Sa Pulse Asia survey)

PARA sa mga Filipino, bagsak ang administrasyong Aquino sa trabaho para kontrolin ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at para maibsan ang kahirapan at pagtataas sa sweldo ng mga manggagawa. Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 8 hanggang 15. Para sa karamihan ng mga Filipino, inflation (50%) ang nangungunang problemang …

Read More »

Lahat ng pananaw sa Bangsamoro Law pakikinggan ng Senado (Tiniyak ni Senador Marcos)

COTABATO CITY – Tiniyak ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate committee on local governments, sa stakeholders sa isinagawang unang ‘out-of-town public hearing’ para sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na pakikinggan ng Senado ang lahat ng mga pananaw at rekomendasyon na may kaugnayan at magiging resulta ng detalyadong talakayan hinggil sa makasaysayang panukala. “We are now getting …

Read More »

Ex-radio anchor todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang dating radio anchor at ngayo’y administrative officer ng Abra Prosecutor’s Office makaraan pagbabarilin sa Zone 5, Bangued, Abra kamakalawa ng gabi . Kinilala ang biktimang si Jack Porqueza, dating anchorman ng DZPA sa Abra. Ayon kay Abra Provincial Director Sr. Supt. Virgilio Laya, sakay ang biktima ng motorsiklo nang tambangan ng hindi nakikilalang mga suspek …

Read More »

3 kasapi ng Indian KFR group timbog

KALABOSO ang tatlo katao kabilang ang isang Filipina mula sa siyam miyembro ng Indian kidnap for ransom group makaraan mabigo sa tangkang pagdukot sa kanilang kababayan na vice president ng Indian Shiek Temple sa United Nation Avenue, Paco, Maynila, kamakalawa. Kinasuhan ng attempted kidnapping sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek na sina Joginder Singh, 42, gym instructor, residente ng …

Read More »

Yolanda victims tangkang itago kay Pope Francis

PINAGPAPALIWANAG ng Malacañang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa napabalitang tangkang pagtago sa tunay na kalagayan ng Yolanda victims para sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Pope Francis. Una rito, napaulat na balak ilipat ang mga biktima ng kalamidad ng hanggang limang kilometro para hindi makita ng Santo …

Read More »