BREYKTAYM NG MAG-UULING. Sa pamamagitan ng isang bote ng softdrink nakalasap ng ginhawa ang isang mag-uuling habang nagpapahinga sa pagbababa ng sako-sakong uling mula sa isang ten-wheeler truck sa isang palengke sa Quirino Highway sa Quezon City. Ang uling ay mula sa Abra, Cordillera Administrative Region (CAR), isang lugar na ang pag-uuling ay isang matandang hanapbuhay ng mga Filipino sa …
Read More »Masonry Layout
Samar, isa pang Waray island tinumbok ni Ruby
TINUTUMBOK ng Bagyong Ruby ang bahagi ng Northern at Eastern Samar. Sa mabagal nitong pagkilos sa 13 kph na bilis pa-kanluran hilagang-kanluran, inaaasahang Sabado ng gabi ito magla-landfall sa Eastern Samar-Northern Samar area. Dala nito ang malalakas na hangin at storm surge na aabot ng 4-5 metro at malakas hanggang matinding pag-ulan. Sa paglapit sa kalupaan ng 700-kilometrong lawak nito, …
Read More »Metro Manila tumbok ni Ruby — US Navy (Taliwas sa forecast ng PAGASA)
MAAARING humagupit sa Metro Manila ang sentro ng bagyong si Ruby, taliwas sa pagtaya ng PAGASA. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng US Navy, maaaring sa gabi ng Martes o Miyerkoles ng madaling araw tatama ang sentro ng bagyo sa Metro Manila. Sa pagtaya ng JTWC, sa Samar pa rin magla-landfall ang bagyo sa araw ng Sabado, tatahakin …
Read More »Maging responsable sa ‘Ruby’ reporting (PNoy sa media)
NANAWAGAN si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa media na maging responsable sa pagbabalita kaugnay sa bagyong Ruby. Una nang pinuna ni Pangulong Aquino ang banner story ng isang pahayagang nagsasabing kasing lakas ni “Yolanda” ang bagyong Ruby bagay na malayo aniya sa katotohanan. Sinabi ni Pangulong Aquino sa harapan ng media group, sana maging maingat at kalmado sa …
Read More »Pope Francis hinilingan ni Pnoy ng dasal vs typhoons
HIHILINGIN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Pope Francis na ipagdasal ang kaligtasan ng Filipinas mula sa malalakas na bagyo. Ginawa ng Pangulong Aquino ang pahayag sa Pulong Bulungan Christmas party. Si Pope Francis ay magsasagawa ng apostolic at state visit sa bansa sa Enero 15 hanggang 19 sa 2015. Sinabi ng Pangulong Aquino, hihilingin niya sa Santo Papa …
Read More »Panawagan ng CBCP: simbahan, paaralan buksan sa evacuees
HINIKAYAT ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang mga paaralan at simbahan na buksan nila ang kanilang pintuan para sa refugees na maapektuhan ng bagyong si Ruby. Ayon kay CBCP president Bishop Socrates Villegas, dapat laging bukas ang pintuan ng simbahan at mga paaralan para walang maging problema kung sakaling manalasa ang bagyong Ruby. Pinakiusapan din niya ang …
Read More »Anak na panganay 9 taon sex slave ng nabiyudong ama (Nang mamatay ang ina)
NATULDUKAN na ang siyam taon kalbaryo ng isang 21-anyos babae na ginawang parausan ng sariling ama makaraan tulungan ang biktima ng mag-asawang naawa sa kanya kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad inaresto ng mga opisyal ng Barangay 168 ang suspek na itinago sa pangalang Maeng makaraang isiwalat ng biktima na simula noong 12-anyos pa lamang siya ay ginagawa na …
Read More »PH bet, 2nd runner up sa Ms. Intercontinental 2014
NABIGO ang pambato ng Filipinas na si Kris Tiffany Janson na maiuwi ang korona sa Miss Intercontinental 2014 na ginanap sa Magdeburg, Germany kahapon ng ma-daling araw. Si Miss Thailand Patraporn Wang ang kinorona-han bilang Miss Intercontinental 2014 habang second runner-up si Janson at first runner-up ang pambato ng Cuba. Miss Intercontinental Europe ang pambato ng Portugal habang Miss Intercontinental …
Read More »Malacañang Press Corps hinarana ni PNoy
“HINARANA” ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga mamamahayag at kanilang mga pamilya sa ginanap na Malacañang Press Corps Christmas Party kamakalawa ng gabi sa Palasyo. Kabilang sa mga inawit ng Pangulo ang Roar at Fireworks na pinasikat ni Katty Perry, Rolling in the Deep ni Adele at Para sa Akin ni Sitti Navarro. Kilalang music lover si Pangulong …
Read More »Rapist/holdaper na taxi driver arestado (La Salle coed biktima rin)
KALABOSO ang isang 31-anyos taxi driver na pinaniniwalaang responsable sa serye ng panghoholdap at panggagahasa sa mga babaeng pasahero, nang matunton sa kanyang bahay sa Maharlika Village, Taguig City kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District-District Intelligence Division. Kinilala ni DID chief, Supt. Raymund Liguden, ang suspek na si Miguel Maranan, may-asawa, taxi driver, ng Maharlika Village, Taguig …
Read More »BPJ, PNP sa buy-bust; 3 babae tiklo
LUNGSOD NG MALOLOS – Naaresto ng mga opisyal ng Bulacan Provincial Jail at mga operatiba ng Malolos City ang tatlong babaeng inmate na dawit sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng locked up facility matapos silang mahuli sa akto na nagbebenta ng shabu sa kanilang selda sa isang buy bust operation noong Martes ng gabi. Kinilala ni Provincial …
Read More »Pedicab sinuwag ng motorsiklo mag-iina sugatan
SUGATAN ang isang ina gayondin ang kasama niyang tatlong mga anak makaraan mabangga ng motorsiklo ang sinasakyan nilang pedicab sa Brgy. San Rafael, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na si Susan Pangilinan, 32, at tatlo niyang mga anak na sina Rodelyn, 6; Ronalyn, 4; at 8-buwan gulang sanggol. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, papunta ang mag-iina …
Read More »Gunrunner na tulak bulagta sa pulis
PATAY ang isang sinasabing gun runner na tulak ng illegal makaraan makipagbarilan sa aarestong mga awtoridad sa operasyon ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad namatay sa insidente ang suspek na si Roderick Depaz, 34, alyas Odek, ng Phase 7A, Package 10, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang sugatan din ang mga purok leader ng Brgy. …
Read More »Govs, Mayors manguna sa Command Centers (Roxas sa LGUs)
ILIKAS ang inyong pamilya sa ligtas na lugar at huwag umalis sa mga command centers anuman ang mangyari. Ito ang ipinag-utos ni Interior Secretary Mar Roxas sa lahat ng lokal na opisyal at ‘first responder units’ sa 54 na probinsya na maaaring daanan ng Super Bagyong si Ruby. “Mahalaga na matiyak ng ating mga first responder units, kasama ang ating …
Read More »SC ‘natutulog’ sa DQ vs Erap (MAC desmayado)
NAGLAMAY ang grupo ng mga taga-Lungsod ng Maynila na Movements Against Corruption (MAC) sa harap ng Korte Suprema para ipakita ang kanilang pagkadesmaya sa Supreme Court sa patuloy na hindi pagtugon sa kanilang panawagan na desisyonan na ang disqualification case laban sa napatalsik na Pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada. Ang grupo ay nagkilos-protesta sa harap …
Read More »Purisima suspendido
IPINASUSUSPINDE ng Office of the Ombudsman si Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima. Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang anim buwan preventive suspension without pay laban sa PNP chief dahil sa pag-apruba sa sinasabing maanomalyang kontrata sa WERFAST Documentary Agency noong 2011. Bukod kay Purisima, ipinasususpinde rin ng Ombudsman si Police Director Gil Meneses, dating hepe ng Civil …
Read More »Super Typhoon Ruby lumakas Signal No.2 sa 8 areas
LALONG lumakas ngunit bumagal ang takbo ng super typhoon Ruby habang nagbabanta sa Eastern Visayas. Ayon kay Chris Perez ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 720 km silangan ng Surigao City (10.6°N, 132.0°E). Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot ng 205 kph at pagbugsong 240 kph. Kumikilos ito sa bilis na 15 kph …
Read More »Technician nag-amok tigok sa parak (Kinulam ng kaanak)
PATAY ang isang 27-anyos technician, pinaniniwalaang kinukulam ng kanyang mga kaanak sa probinsiya, nang barilin ng pulis makaraan manghalihaw ng saksak at tinangkang putulin ang kanyang ari kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz, Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, naganap ang insidente dakong 1 p.m. sa eskinita sa panulukan ng Kusang Loob at Mayhaligue Sts. Sta. Cruz, Maynila. Tatlong araw pa …
Read More »MPD headquarters tangkang sunugin arsonista tiklo
NAHARANG ng mga awtoridad ang isang lalaking sinasabing tangkang sunugin ang Manila Police District (MPD) headquarters kahapon. Naaktuhan ng mga gwardiyang pulis ng MPD ang suspek na sisindihan ang mitsa ng dala niyang dalawang bote ng molotov bomb. Itinanggi ng suspek na si Benjamin Maurillo, 34, ng Sta. Ana, electrician, na susunugin niya ang tanggapan. Ayon kay Maurillo, pan-self defense …
Read More »Mag-uutol arestado sa shabu
NAUNSIYAMI ang nakatakdang pot session ng magkakapatid nang maaresto sa operasyon ng mga awtoridad kamakalawa ng tanghali sa Malabon City. Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act) ang mga suspek na kinilalang sina Annaliza, 46, vendor; Ramil, 43; at Jonathan Almorado, 22, alyas Pepe, helper, pawang residente sa 53 Rimas Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod. Batay …
Read More »Ginang inutas habang tulog
INIIMBESTIGAHAN ng pulisya ang anggulong love triangle sa pagpaslang sa 37-anyos cigarette vendor na pinagbabaril ng isang hindi nakilalang salarin habang tulog sa harap ng tindahan kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City. Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Merlyn Basas, hiwalay sa asawa, at nakatira sa 91F, Interior, Purok 6, Bayanan, …
Read More »Areas na tatamaan ni Ruby tutukan (Atas ni PNoy sa gov’t agencies)
INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang kinauukulang mga ahensiya ng pamahalaan na tutukan ang mga lugar na maaaring tamaan ng pananalasa ng bagyong Ruby. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang direktiba ng Pangulo sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay alertuhin ang local risk reduction councils upang ganap na makapaglatag ng pangunahing paghahanda sa banta …
Read More »Yolanda survivors kabado kay Ruby
TACLOBAN CITY – Kabado ang ilang Yolanda survivors sa Tacloban City dahil sa paparating na bagyong Ruby. Una rito, may ilang mga pribadong kolehiyo na ang nagkansela ng klase simula kahapon bagama’t nasa labas pa ng teritoryo ng Filipinas ang panibagong bagyo na maaaring maging supertyphoon. Nabatid na isa ang Saint Scholastica’s College of Health Sciences na may campus sa …
Read More »10 power plants tigil-operasyon sa summer 2015
AABOT sa 10 planta ng koryente ang hihinto ang operasyon sa summer 2015 para sa nakaplanong maintenance shutdown. Sa interpelasyon para sa emergency power resolution, binanggit ni House energy committee chairman Reynaldo Umali, kabilang dito ang mga planta ng Ilihan, Limay 1 at 5, Angat 1, 2 at 4, Bacun 2, Casecnan 2, San Roque 2 at 3. Hindi pa …
Read More »2 sundalo dinukot ng NPA sa ComVal
DINUKOT ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalong nagbabantay sa isang plantasyon sa Brgy. San Roque, New Correll, Compostela Valley kamakalawa. Ayon kay Major Gen. Eduardo Año, kompirmadong mga miyembro ng 60th Infantry Battalion ng Philippine Army ang hindi pinangalanang mga sundalo. Sa imbestigasyon, nagbabantay ang dalawa sa airstrip ng kompanyang Sumifru nang biglang tutukan …
Read More »