Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Pari, Santo Olio ibinawal ni Garin sa MERS-CoV patients

WALANG ‘anointing of the sick’ sa mga biktima ng MERs-COV. Ito ang babala ni Acting Health Secretary Janet Garin at pinayuhan ang mga pari na iwasan magbigay ng sakramentong ito upang makaiwas na mahawa ng virus. “Ministering of the sick requires them to face and make direct contact with the patient, they are strictly prohibited from doing it for the …

Read More »

Oil price hike dapat tanggapin ng publiko — Palasyo  

DAPAT ay tanggap na ng publiko ang realidad na pagtaas at pagbaba  ng  presyo ng produktong petrolyo dahil dalawang dekada nang umiiral ang ganitong uri ng sistema, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi na dapat nakararamdam ng pag-aalala o pamomroblema  ang mga motorista at transport group sa tuwing may nakaambang pagtaas sa presyo ng langis at produktong …

Read More »

P.2-M reward vs killer ng brodkaster

CEBU CITY – Naglaan ang Bohol provincial government at LGU-Tagbilaran City ng reward money sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa gunman na pumatay sa isang brodkaster nitong umaga ng Sabado. Si Bohol Gov. Edgar Chatto ay nagpalabas ng P100,000 habang P50,000 mula sa city officials at may private sector na magbibigay para sa karagdagang halaga. Layunin ng pagbibigay ng …

Read More »

Babala ni Duterte minaliit ng Palasyo

MINALIIT ng Malacañang ang babala ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dapat umaksiyon agad si Pangulong Benigno Aquino III para pigilan ang inaasahang kaguluhan sa Central Mindanao bunsod nang pagkaunsyami ng Bangsamoro Basic law (BBL). Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng operasyon ng militar at pulisya ay nasa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ng Pangulo bilang commander …

Read More »

14-anyos dalagita pinatay saka itinapon ng rapist sa damuhan

NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita na unang iniulat na nawawala makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa Marilao, Bulacan. Sa ulat na nakalap sa Marilao police, kinilala ang biktimang si Analyn de Guzman, 15-anyos, out of school youth, at residente ng Brgy. Lambakin, sa naturang bayan. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa madamong bahagi sa nabanggit …

Read More »

P11-B Pacman-Floyd mega fight tuloy na

UMAABOT ng halos P11 bilyon ang premyo sa mega fight nina eight division world champion Manny Pacquiao at undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. Ayon sa source ng telegraph.co.uk na malapit sa Filipino ring icon, nagkasundo na sina Pacman at Mayweather sa $250 million mega fight na maaaring mangyayari sa Mayo 2, 2015. Katunayan, sinasabing nakalagda na si Pacman sa kontrata …

Read More »

Mison sinupalpal ng DOJ

SINUPALPAL ni Justice Secretary Leila de Lima ang kahilingan ni Bureau of Immigration Commissioner Siegfred B. Mison na mabigyan ng awtoridad sa paghahain ng administratibong kaso at imbestigahan ang mga empleyado ng BI. Nauna rito, hiniling ni Mison sa kalihim na mabigyan ng exclusive authority “to file or initiate administrative cases against BI employees, conduct preliminary investigation and formal investigation.” …

Read More »

Shabu lab sa Masbate supplier din sa Luzon

LEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang hindi lamang mga lugar sa Bicol region ang sinusuplayan ng shabu laboratory na ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Masbate. Ayon kay Major Roque Merdejia, tagapagsalita ng joint operation, base sa volume ng mga narekober na kagamitan sa loob ng laboratoryo, posibleng …

Read More »

Pagpaslang sa brodkaster kinondena ng Palasyo

NAKIISA ang Palasyo sa pagkondena sa pagpaslang sa isang radio commentator ng DYRD sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa. Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma Jr., kumikilos na ang mga awtoridad para madakip at mapanagot ang pumatay sa broadcaster na si Maurito Lim. “Kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa ating lipunan kung kaya patuloy itong nakikipagtulungan sa …

Read More »

Malamig na panahon patapos na – PAG-ASA

KINOMPIRMA ng Pagasa na papasok na ang tag-init sa mga darating na linggo, kasabay ng paghupa ng malamig na temperaturang dala ng northeast monsoon o hanging amihan. Ayon sa ulat ng Pagasa, nagsisimula nang maramdaman ang easterlies na naghahatid ng mainit na hangin. Ito ay inaasahang mamamayani sa buong summer season. Samantala, patuloy ang paglapit ng low pressure area (LPA) …

Read More »

Indoor air pollution mas matindi kaysa outdoor

MAS matindi ang air pollution kaysa outdoor air, ito ay ayon sa artikulo ng The Green Magazine, ang science publication sa Estador Unidos. Tinukoy ang resulta ng pagsasaliksik ng US Environmental Protection Agency (EPA), sinabi ni Helke Ferrie, isang science writer, ang isang sanhi ng indoor air toxity ay ang gas appliances na nagpoprodyus ng carbon gayondin ng nitrogen monoxide, …

Read More »

Recall election laban sa Puerto Princesa mayor kinuwestiyon sa SC

ISANG petisyon ang isinampa sa Supreme Court na humihiling ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa recall election bid kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron. Ayon sa petisyon, labis na umabuso sa poder ang Commission on Elections (Comelec) nang aprubahan ang petisyon para sa recall election kahit marami itong depekto. “Bahagi ang recall elections ng ating …

Read More »

HOOQ, Asia’s video-on-demand service,  inilunsad sa Pinas (Kapartner Ang Globe )

INILUNSAD na sa Pilipinas ang HOOQ, ang Asia’s video-on-demand service,  sa pakikipagtambalan sa Globe Telecom. Magkakaloob ang HOOQ, isang start-up joint venture sa pagitan ng Singtel, Sony Pictures Television at Warner Bros. Entertainment, sa mga customer ng Globe Telecom ng unlimited online streaming access at offline viewing option para sa Hollywood at Filipino movie at television content, sa pamamagitan ng …

Read More »

31 pamilya inilikas dahil sa sinkhole

INILIKAS ang 31 pamilya mula sa Purok Tinago, Dadiangas South, General Santos City dahil sa hinihinalang sinkhole malapit sa dalampasigan. Kwento ng mga residente, bandang 5 a.m. nitong Linggo nang biglang dumausdos ang buhangin sa dagat. Unti-unti na ring nilalamon ng tubig-dagat ang buhanging kinatitirikan ng haligi ng ilang bahay. Pansamantalang mananatili sa covered court ng Irineo Santiago National High …

Read More »

Cleanfuel expands to the north

Cleanfuel, the country’s leading supplier of environment-friendly LPG Autogas, heads off to a great start this 2015 with more gas stations to serve you! With their recent expansion in the south, they are now heading up north to plant more Green Gas stations in Villasis, Urdaneta, Pangasinan and La Trinidad, Benguet Province! Strengthening their commitment in providing environment-friendly fuel at …

Read More »

Brodkaster todas sa ambush (Niratrat sa harap ng radio station)

BINAWIAN ng buhay ang anchorman ng DRYD-AM station na nakabase sa Tagbilaran City, Bohol makaraan barilin sa harapan ng himpilan dakong 10:45 a.m. kahapon. Iniulat ni Supt. Renato Dugan, spokesman ng PNP Region-7, may isang suspek ang lumapit kay Engr. Maurito Lim at siya ay binaril. Agad isinugod si Lim sa ospital sa siyudad ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan …

Read More »

Conjugal rooms sa Ilocos jail  kukulangin sa Valentine’s

LAOAG CITY – Aminado si provincial jail warden Dario Estavillo na siguradong kukulangin ang conjugal rooms ng Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ) sa mismong Valentine’s Day ngayong araw. Ito ay dahil sa posibleng pagdayo ng mga asawa at karelasyon ng mga preso ng INPJ na bibisita sa kanila upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso sa loob mismo ng kulungan. …

Read More »

‘Wag magtago sa Executive Privilege — Solon (Hamon kay PNoy)

HINAMON ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na huwag magtago sa likod ng executive privilege at ihayag sa Kongreso at sa mamamayan ang buong katotohanan kaugnay sa Mamasapano incident. Ayon sa mambabatas, mas makabubuti para kay Aquino na dumalo sa pagdinig ng Kongreso ukol sa pangyayari at akuin ang responsibilidad sa nangyaring malagim na …

Read More »

Uploader ng Mamasapano video tinutugis na (NBI humingi ng tulong sa FBI)

TUKOY na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga naunang nag-upload sa Internet ng Mamasapano video na mapapanood ang malapitang pagbaril sa sugatan ngunit buhay pang trooper ng PNP Special Action Force (SAF). Ayon kay NBI Cybercrime Division chief Ronald Aguto, umapela na sila ng tulong mula sa US Federal Bureau of Investigation (FBI) para matunton ang mga naglagay …

Read More »

Pagbali sa chain of command alam ni Aquino — Marcos

KOMBINSIDO si Senador Bongbong Marcos na alam ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagbali sa chain of command sa Mamasapano incident. Ayon kay Marcos, naging maliwanag sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes na alam ni Aquino ang pagtatago ng operasyon kina DILG Sec. Roxas at PNP OIC Chief Leonardo Espina. Enero 9 nang naganap ang naturang pulong nina Aquino, …

Read More »

3 Ilonggo, 2 pa positibo sa MERS-CoV (Nakasabay rin ng Pinay nurse)

  ILOILO CITY – Hinihintay na ng Department of Health (DoH) Region 6 ang resulta ng swab test sa tatlong Ilonggo na nakasabay sa eroplano ng Filipina nurse na nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV). Ayon kay Dr. Glen Alonsabe, regional epidemiologist ng DoH Reg. 6, lima lahat ang taga Rehiyon 6 na nakasabay sa eroplano ng Filipina …

Read More »

Kelot napraning sa shabu kasera ini-hostage

  BUNSOD ng paggamit ng ipinagbabawal na droga, napraning ang isang 30-anyos lalaki at ini-hostage ang may-ari ng boarding house na kanyang inuupahan kamakalawa sa Muntinlupa City. Kinilala ni Chief Insp. Johnny Gaspar, hepe ng Station Investigation Division ng Muntinlupa Police, ang suspek na si Rodrigo De Vera, alyas Drigor, walang hanapbuhay, at nakatira sa Phase 3, Block 16, Lot …

Read More »

6-anyos sugatan sa inihagis na trolley ng guro

GENERAL SANTOS CITY – Nais imbestigahan ng sangguniang panlungsod ang sinasabing pang-aapi ng isang guro sa kanyang 6-anyos mag-aaral na nasugatan sa pisngi makaraan batuhin ng trolly bag. Inabisuhan ni City Councilor Elizabeth Bagunoc si Rene Odi, ang school principal, para kunin ang sagot ni Elaine Malalay, Grade 1 teacher makaraan magsumbong ang lolo ng bata. Ayon kay Konsehal Bagunoc, …

Read More »

Mass wedding sa Butuan City iniliban (No. 44, Friday 13th iniwasan)

BUTUAN CITY – Bunsod ng pangamba na madamay sa malas na hatid ng “Fallen 44” ng PNP-Special Action Force (SAF) na namatay sa labanan sa Mamasapano, Maguindanao, mas pinili ng pang-44 na pares sa libreng mass civil wedding sa Butuan City, ang umatras sa seremonyas. Ayon kay Local Civil Registrar Judith Calo, imbes kahapon sana gagawin ang mass wedding, iniatras …

Read More »