NAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila. Nakapiit na himpilan ng pulis-ya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, …
Read More »Masonry Layout
4,600 Pinoy kailangan ng SoKor
NAGPAPASALAMAT si Labor Secreetary Rosalinda Baldoz sa pamahalaan ng South Korea dahil sa pagbibigay nang malaking oportunidad sa Filipino workers na magtrabaho roon. Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraan bigyan nang malaking alokasyon ang Filipinas na magpadala ng maraming mga manggagawa. Ngayong 2015, ang Ministry of Employment and Labor (MOEL) ng South Korea ay naglaan ng 4,600 slots para sa …
Read More »Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog
DOBLENG dagok para sa mga kaanak ang nangyari sa magpinsang binatilyo na makaraan masunugan ay kinuyog ng isang grupo ng mga kabataan nang mapagkamalan silang mga kalaban kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Naa malubhang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Redentor Manliclic, 19; sanhi ng palo ng dos por dos sa ulo, at Jerome Castillo, 17, …
Read More »Pang-unawa hiling ni Pnoy sa Fallen 44 (Hindi ‘sorry’ sa namatayan)
HUMINGI ng pang-unawa si Pangulong Benigno Aquino III sa gitna ng kontrobersyang nilikha ng sagupaan sa Mamasapano. Sa huling pagsasalita ng Pangulo ukol sa Mamasapano, inilatag niya ang kanyang “punto de vista” sa nalalaman at basehan ng mga desisyon. Nilinaw ng Pangulo na kung alam niyang delikado ang isang misyon, hindi niya hahayaang tumulak ang isang tropa. “Pero sa ipinakita …
Read More »Agusan Norte gov ligtas sa ambush
BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte sa pananambang sa convoy ni Governor Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba dakong 11:30 a.m. kahapon na nagresulta sa pagkasugat ng isa niyang police escort. Kinilala ang biktimang si PO1 Vincent Salvador, miyembro ng Provincial Public Safety Company ng Provincial Police Office, tinamaan sa kanyang kaliwang braso. …
Read More »P60-M halaga ng pananim sa Cotabato napinsala ng tag-init
PUMALO sa mahigit P60 milyon ang napinsala sa agrikultura sa Cotabato dahil sa tag-init. Apektado nang pagtaas ng temperatura ang mahigit 4,000 ektarya ng taniman ng bigas, mais at saging. Aabot sa 4, 539 magsasaka mula sa mga bayan ng Alamada, Banisilan, M’lang, Pigcawayan, Antipas, Kidapawan at Matalam, ang apektado ng dry spell. Ayon kay Cotabato provincial agriculturist Engr. Eliseo …
Read More »VIP security officer dedo sa kabaro
PATAY ang isang VIP security officer makaraan barilin ng kanyang kasamahan na sinita dahil hindi sumasagot habang tinatawagan sa radyo kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Adventist Hospital ang biktimang si Nicky Albert Arevalo, 34, ng Block 54, Lot 22, F2, Dagat-Dagatan, Caloocan City, sanhi ng ilang tama ng bala sa kaliwang dibdib, kanang …
Read More »Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas
NAGLABAS ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na agarang magsagawa ng isang joint investigation matapos makatanggap ng ulat ng pananakit sa mga bombero habang nagseserbisyo. “These are individuals who put their own lives on the line in the name of …
Read More »Ulo ng binatilyo sabog sa Russian roulette
CAUAYAN CITY, Isabela – Sabog ang ulo ng isang binatilyo na naglaro ng Russian roulette sa bayang ito kamakalawa. Ang nag-iisang bala na pinaikot sa de bolang baril ay pumutok at tumama sa ulo ni Melvin Evangelista, 17, nag-aalaga ng itik at residente ng Minagbag, Quezon, Isabela. Sa imbestigasyon ng Roxas Police Station, dakong 9 p.m. kamakalawa, nag-iinoman sa Matusalem, …
Read More »MPD off’l, pulis sinibak sa ikinadenang inmates
SINIBAK ang isang jail official at isang pulis sa Manila Police District (MPD) na itinurong responsable sa pagkakadena sa apat na akusado na nasipat ng HATAW photojournalist habang ibinababa sa headquarters para ilipat sa Manila City Jail nitong Martes ng hapon. Ayon kay MPD Director C/Supt. Rolando Nana, ini-relieve niya si Integrated Jail chief PCInsp. Danilo Soriano at ang jailer …
Read More »PNoy takot mag-sorry — Miriam (Dahil sa nagbabantang kaso)
NANINIWALA Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagmamatigas na humingi nang paumanhin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) makaraan mapatay ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero 25. Ayon kay Santiago, umiiwas at takot si Aquino na mag-sorry upang maiwasan ang …
Read More »First air cargo inspection portal pinasinayaan ng CEB at Cargohaus (Sa NAIA T3)
PINASINAYAAN ng Philippine leading carrier, Cebu Pacific (PSE: CEB), katuwang ang Cargohaus, ang Smiths Detection CIP-300 air cargo inspection portal, sa NAIA Terminal 3, kahapon. Ang air cargo inspection portal ay kauna-unahan na ini-lagay sa airport sa Asia. Ito ay priority use ng Cebu Pacific Air para sa lahat ng transhipment cargoes na ikinakarga sa international flights patungo at mula …
Read More »Aguinaldo bagong CoA chairman
ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon si Atty. Michael Aguinaldo bilang bagong chairman ng Commission on Audit (CoA) kapalit nang nagretirong si Grace Pulido-Tan. Si Aguinaldo ay nagsilbing deputy executive secretary for legal affairs mula noong Abril 2011. Kabilang sa mga naging trabaho niya sa Palasyo ang pagrepaso sa mga panukalang batas sa Kongreso at kasong administratibo na iniapela …
Read More »MILF report malaking kalokohan — Sen. Alan
BINATIKOS ni Senador Alan Peter Cayetano ang isinumiteng report ng Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng madugong sagupaan sa Mamasapano. Tinawag ng senador na kalokohan ang naturang report at maraming butas. “Pinalaki lang ho ako na bawal magmura kaya hindi ako magmumura sa report na ‘to, pero napakalaking kalokohan po kasi unang-una gobyerno pa may kasalanan at sila pa magko-complain,” …
Read More »17 konsehal, 100+ staff ng Makati ‘di makasasahod ngayong Marso
HINDI makasasahod ang 17 konsehal ng Makati City at 120 staff nila nga-yong katapusan ng Marso dahil sa isyu ng pagkakaroon ng dalawang alkalde ng lungsod. Ayon kay Councilor Mayeth Casal-Uy, hindi pinirmahan ni acting Ma-yor Romulo “Kid” Peña ang tseke para sa kanilang sahod dahil iginigiit na siya ang acting ma-yor ng lungsod. Sa bise alkalde nakaatas ang pag-awtorisa …
Read More »Walang Pinoy sa bumagsak na German plane sa France — DFA
WALANG Pilipino sa 150 pasahero at crew na pinangangambahang namatay sa pagbagsak ng German plane sa France. Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada ng Filipinas sa Paris, walang Filipino sa listahan ng mga pasahero ng Lufthansa Germanwings flight 4U 9525. Una nang naiulat na 144 pasahero at anim na crew ang sakay ng …
Read More »18-anyos dalagita nakatakas sa manyak na kidnaper
NAKATAKAS ang isang 18-anyos dalagita sa isang manyakis na dumukot sa kanya sa Marikina City kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO3 Vanessa de Guzman ng Marikina PNP Women’s and Children’s Desk, itinago ang biktima sa pangalang Lorna, 18-anyos. Kwento ng biktima, dakong 8 p.m. naglalakad siya sa Gil Fernando Avenue, Sto. Niño sa lungsod nang huminto sa tapat niya ang …
Read More »8 manyak pila-balde sa dalagita
MAAGANG napariwara ang puri ng isang 15-anyos dalagita makaraan halinhinang gahasain ng walong kabataan sa isang abandonadong kubo sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Agad naaresto ng pulisya ang mga suspek na sina Jaymark Alfonte, 18; Ariel Cierva, 22; Albert Cierva, 21; Rowell Capistrano, 21; Resty Talangan, 20; Delfin Beraquit, 19; at dalawang menor de edad …
Read More »3 drug pusher tiklo sa shabu at baril
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga elemento ng Anti-illegal Drug Force ng San Fernando Police, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) ang isang lalaki at dalawang babaeng hinihinalang notoryus na drug pusher sa buy-bust operation sa Brgy. Quebiawan, City of San Fernando. Sa ulat ni Supt. Rechie Duldulao, hepe ng San Fernando Police, sa tanggapan ni Senior …
Read More »Jeepney bumaliktad 2 patay, 10 sugatan (Sa Zamboanga City)
ZAMBOANGA CITY – Dalawang pasahero ang namatay habang hindi bababa sa 10 ang sugatan makaraan bumangga sa poste ng koryente ang isang public utility jeepney (PUJ) hanggang bumaliktad sa highway ng Brgy. Pasobolong sa Zamboanga City kahapon. Ayon kay Supt. Ariel Huesca, hepe ng Zamboanga City Public Safety Company (ZCPSC), papunta sa sentro ng lungsod ang naturang sasakyan dakong 8 …
Read More »Iniwan ng GF binatilyo nagbigti
KALIBO, Aklan – Dinamdam ng isang 17-anyos binatilyo ang pakikipaghiwalay ng kanyang girlfriend kaya nagbigti sa puno ng mangga sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Brgy. Polocate, Banga, Aklan kamakalawa. Ayon sa mga kaanak ng biktima, nitong mga huling araw ay kalimitang nakatingin sa malayo at bakas ang kalungkutan sa mukha ng biktimang hindi muna pinangalanan, residente ng naturang …
Read More »54-anyos mister sinaksak ng 65-anyos misis (Tumangging magmasahe)
LA UNION – Sugatan ang isang lalaki makaraan saksakin ng kanyang misis nang tumanggi ang biktima na masahiin ang suspek kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, lungsod ng San Fernando. Kinilala ang biktimang si Edwin Obra, 54, habang ang salarin ay mismong misis niyang si Isabelita, 65-anyos. Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago matulog ang mag-asawa kamakalawa ng gabi, hiniling …
Read More »PH ex-Ambassador sa Nigeria guilty sa malversation
HINATULANG guilty ng Sandiganbayan si dating Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa para sa tatlong counts ng kasong malversation of public funds. Ito’y kaugnay ng maanomalyang paggamit ng dating opisyal sa US$ 80,478.80 o P3,749,948.98 na Assistance to Nationals stand-by funds. Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, 10 hanggang 17 taon makukulong si Umpa kaakibat ang habambuhay na diskwalipikasyon sa pagbabalik-gobyerno. …
Read More »Jeane Napoles nagpiyansa sa P17.8-M tax evasion case
NAGLAGAK ng piyansa sa kasong tax evasion si Jeane Catherine Napoles, anak ng itinuturong utak ng bilyong-pisong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Oktubre 2013 nang kasuhan ng tax evasion si Jeane ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bunsod nang hindi pagbabayad ng buwis para sa mga ari-arian sa loob at labas ng bansa. Setyembre 2014 nang aprubahan ng …
Read More »‘Barbie’ sumalang sa witness stand vs Pemberton
SA ikalawang araw ng murder trial ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, tumestigo si alyas Barbie, itinuturing na star witness ng prosekusyon. Akusado si Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong Oktubre 2014. Kaugnay nito, kontento ang pamilya Laude sa pagsalang ni Mark Clarence Gelviro alyas Barbie sa witness stand, na itinuro …
Read More »