Friday , November 15 2024

Masonry Layout

4 Pinoy dinukot sa oil field sa Libya

APAT na Filipino ang kabilang sa mga dinukot ng armadong grupo makaraan atakehin ang oil field sa Libya. Ito ang kinompirma kahapon ni Department of Foreign Affairs spokesman Charles Jose. Ayon kay Jose, dinukot ang naturang Filipino workers kasama ang limang iba pa noong Marso 6. Sa ngayon ayon kay Jose, wala pang umaako ng responsibilidad sa pagdukot sa mga …

Read More »

Kelot nahati sa tren (Nag-antanda ng krus saka tumalon sa riles)

NAHATI ang katawan ng isang lalaki makaraan magpasagasa sa rumaragasang tren sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang may edad 30 hanggang 35-anyos, at nakasuot ng t-shirt at maong pants. Sa ulat ni Supt. Jose Villanueva, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 6 p.m. nang naganap ang insidente sa riles ng …

Read More »

Empleyado todas sa hit and run sa EDSA

PATAY ang isang empleyado makaraan ma-hit and run ng isang van habang tumatawid sa kahabaan ng EDSA Avenue, Makati City kahapon ng madaling araw. Namatay noon din ang biktimang si Gary Damayo, nasa hustong gulang, isang sales employee sa hindi binanggit na mall. Base sa ulat ng Makati City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa south bound …

Read More »

Coconut Levy Trust Fund Bill isinulong ni Villar (Para sa magsasaka at sa industriya

TINIYAK ni Sen. Cynthia Villar na makatutulong ang panukalang batas sa pagbuo ng coconut levy trust fund para tiyakin ang pagpapatupad ng mga programa kung saan may 3.5 milyong coconut farmers sa bansa ang makikinabang.   Isinusulong ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ang committee report sa Coconut Farmers and Industry Development Act of 2015 o Senate Bill No. …

Read More »

Trillanes nanguna kontra K-12 ng DepEd

PINANGUNAHAN ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, ang pambihirang pagkakaisa sa isang pagkakataon ng mga guro, iba’t ibang samahan sa akademiya at mga kawani sa sektor ng edukasyon, katumbas ng pagkakaisa ng mga magulang, mga unyon at iba pang kasapi ng organisadong sektor ng paggawa, upang tumayong mukha ng lumulobong panawagan sa pagpapaliban ng implementasyon ng K-12 program ng …

Read More »

Smartmatic ‘cheating machines’ ikinakasa sa ‘16 polls (Pro-admin solons protektor – C3E)

KOMBINSIDO ang isang election watchdog na ikinakasa na ng pro-adminsitration lawmakers ang mekanismo upang masiguro ang pagkapanalo ng presidential bet ni Pangulong Aquino para sa 2016 polls gamit ang patuloy na serbisyo ng Smartmatic para sa darating na halalan. Ito rin marahil ang mabigat na dahilan kung bakit ang mga pangunahing lider ng mga mambabatas na kampi sa administrasyon ay …

Read More »

MMDA constable inutas sa inoman  

PATAY ang isang constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraan pagbabarilin habang nakikipag-inoman sa kanyang mga kapitbahay sa Pasig City kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Alvin Marcos y Caparas, nasa hustong gulang, at nakatira sa Blk. 09 Lot 22, Mangga-II, Centennial 1 ng lungsod. Habang arestado ang suspek na si Urpe Tadia, 36, merchandizer, ng Blk. 10, Lot …

Read More »

 ‘Shopholic’ binalaan ng PNP vs ‘Besfren gang’

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko partikular sa shoppers na mahilig mamili sa mga open-air markets at bargain malls kaugnay sa modus operandi ng “Besfren Gang.” Paalala ng PNP, mag-ingat sa nasabing gang dahil ang modus nila ay kunin ang ilang valuable items mula sa isang stall gaya ng relo, alahas, mobile phones, at electronic gadgets. …

Read More »

Magnitude 4.7 quake yumanig sa Albay

NIYANIG ng magnitude 4.7 na lindol ang Albay nitong Linggo. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, dakong 6:53 a.m. nang naitala ang sentro ng lindol sa layong 41 kilometro silangan ng Legaspi City; sa lalim lamang na anim na kilometro. Sa tala ng Phivolcs, nadama ang pagyanig sa Albay at mga kalapit na lugar:  Intensity 4 sa Legaspi City, Albay; …

Read More »

2 turista patay, 6 sugatan sa sumalpok na van

DAGUPAN CITY – Humantong sa trahedya ang masaya sanang pamamasyal ng mga turista mula sa Quezon City sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City sa Pangasinan nang mamatay ang dalawa sa kanilang kasamahan makaraan sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa bayan ng Mangatarem. Ayon kay Chief Inspector Rex Infante, hepe ng Mangatarem Police Station, namatay sina Dennis Espejo at …

Read More »

4 BIFF fighters patay sa militar

APAT pang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa magkasunod na opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Shariff Saydona, Maguindanao simula nitong Sabado ng gabi. Ayon kay Lt. Col Willy Manalang, Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team 8, dakong 10 p.m. nang makasagupa nila ang grupo ng teroristang si Basit Usman sa Pusao …

Read More »

3 anak ini-hostage ng ama (Dahil sa selos)

GENERAL SANTOS CITY – Nasagip ng pulisya ang tatlong bata makaraan i-hostage ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay sa Tindalu St. Balite, Brgy. Lagao sa lungsod na ito kahapon. Kinilala ang suspek na si Benito Marfori Cruz, 47-anyos, isang fishcar driver. Nangyari ang hostage-taking incident nang mag-away ang suspek at kinakasama niyang si Alma Cabanlit Lim. Nagcheck-in sa …

Read More »

Taiwanese vessel naglaho sa South Atlantic Ocean (13 Pinoy pasahero)

NANGANGALAP pa ng dagdag na impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa ulat na kabilang ang 13 Filipino sa lulan ng nawawalang Taiwanese vessel sa remote area ng South Atlantic Ocean. Batay sa impormasyon, kabilang sa mga nawawala ang Taiwanese skipper at chief engineer, 11 Chinese national, 21 Indonesian, 13 Filipino, at dalawang Vietnamese sailors. Una rito, ayon …

Read More »

Pagpili ng bagong PNP Chief ‘wag madaliin ng Malacañang

DAPAT masusing pag-aralan ng Malakanyang at huwag magpadalos-dalos ng desisyon sa pagpili ng susunod na hepe ng pambasang pulisya upang hindi na muling maulit ang mga kapalpakan at anomalya sa institution ng Philippine National Police. Ito ang panawagan ng mga opisyal ng PNP sa napipintong pagpili ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng ipapalit sa nagretirong si PNP chief na …

Read More »

Anak 5 taon sex slave ng ama

GENERAL SANTOS CITY – Kalaboso ang isang ama nang mabunyag na limang taon niyang ginagahasa ang sariling anak na babae. Ayon kay SPO1 Mae Villa ng Malungon PNP, ang suspek ay kinilalang si alyas Rolly, ng Nagpan, Malungon, Sarangani Province. Sinabi ni Villa, 8-anyos pa lamang ang biktima nang simulang gahasain ng suspek hanggang maging 13-anyos. Nabulgar ang pang-aabuso ng …

Read More »

Titser sinaksak sa ari ng rapist (Sa Negros Occidental)

BACOLOD CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang public school teacher sa bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental makaraan saksakin ng lalaking tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa. Ang biktima ay 25-anyos ginang at may dalawang anak. Ayon sa asawa ng biktima, nakalimutan ng kanyang misis na isara ang pintuan ng kanilang bahay habang nagpapatulog ng kanilang anak …

Read More »

14 BIFF patay 9 sundalo sugatan sa Maguindanao

COTABATO CITY – Magdamag na nagpalitan ng putok ang puwersa ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao. Pinasok ng Philippine Marines at Philippine Army ang kuta ng BIFF sa bayan ng Datu Piang, Datu Salibo at Datu Saudi Ampatuan Maguindanao. Dahil sa dami ng mga rebelde, gumamit ang militar ng dalawang M520 attack helicopters, 2 …

Read More »

P10 flag down rollback iaapela ng taxi drivers

IAAPELA ng isang grupo ng mga tsuper ang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ng P10 ang flag down rate sa mga taxi sa buong bansa. Sinabi ni Drivers Unite for Mass Progress Equality and Reality (DUMPER) President Fermin Octobre, bagama’t hindi masyadong umaaray ang mga taxi driver sa Metro Manila, maraming tsuper sa mga lalawigan …

Read More »

Higit 80% ng kongresista kontra BBL (Kung walang pagbabago)

HINDI aaprubahan ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law (BBL) nang walang pagbabago sa nilalaman nito. Ikinatwiran ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat, miyembro ng House Ad Hoc Committee on the BBL, naniniwala ang karamihan ng mga kongresista na labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng panukala.  “As is na walang bago, siguro mga 80% to 90% ng congressman ay hindi …

Read More »

Pink Bus aarangkada sa Lunes

AARANGKADA na sa Lunes ang ‘Pink Bus’ para sa mga kababaihan, menor de edad, nakatatanda at may kapansanan, kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan.  Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Winston Ginez, mayroong rutang Cainta, Rizal papuntang Quiapo, Maynila ang Pink Bus ng RRCG Transport. Bibiyahe araw-araw ang Pink Bus mula 4 a.m. hanggang …

Read More »

Kasong criminal at administratibo vs pulis na nagpuslit kay Sen. Bong

INIREKOMENDA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) investigating team ang kasong administratibo at kriminal laban sa PNP officers na sangkot sa pagpuslit kay Sen. Bong Revilla Jr. para dumalo sa kaarawan ng kapwa senador na si Juan Ponce Enrile. Batay sa lumabas na resulta ng imbestigasyon, na pirmado ni CIDG Chief, Dir. Benjamin Magalong, nagkaroon ng sabwatan ang duty …

Read More »

Pagtatalaga sa key posts idinepensa ng Palasyo

NAGPALIWANAG ang Malacanang kung bakit natatagalan ang pagtatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mahahalagang bakanteng puwesto sa gobyerno. Kabilang sa ilang buwan hindi pa napupunan ang Commission on Elections (Comelec), Commission on Audit (CoA), Civil Service Commission (CSC) at PNP. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maituturing kasing high-level appointments ang mga posisyon kaya maingat dito ang …

Read More »

PCJ nababahala sa pandarahas sa Bulacan (Dahil sa recall election)

NAALARMA ang Philippine Crusader for Justice (PCJ) dahil sa patuloy na pagkilos ng nakaupong gobernador ng Bulacan para pigilang matuloy ang recall election na nadesisyonan na ng Commission on Elections (COMELEC).  Ayon kay Joe Villanueva, convenor ng PCJ, isang grupong nagsusulong ng hustisya, nakababahala ang umano’y paggamit ng Lingkod Lingap sa Nayon (LNN) at mga barangay health workers para pagbantaan ang …

Read More »

Breath analyzer vs drunk driving gagamitin ng LTFRB sa March 12  

GAGAMIT na ng mga breath analyzer ang Land Transportation Office (LTO) simula sa Huwebes para sa pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Ang breath analyzer ang tutukoy sa level ng alkohol na nainom ng isang driver.  Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, aarangkada ang paggamit sa breath analyzer makaraan ang re-training mula sa Marso 10 hanggang 12 …

Read More »

Huling pag-asa ng Pinay sa death row (Judicial review ng Indonesian SC)

HULING pag-asa ng isang Filipina para makaligtas sa hatol na kamatayan sa Indonesia ang judicial review ng Supreme Court (SC) doon. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, ito’y dahil una nang tinanggihan ni Indonesia President Joko Widodo ang hirit na clemency ng Filipinas para sa kababayang nahulihan ng droga. Ani Jose, kahit pa magbago ang desisyon …

Read More »