Friday , November 15 2024

Masonry Layout

3 doktor ni Jolo 4 sekyu kakasuhan ng Munti police

SASAMPAHAN ng kaso ng Muntinlupa police ang ilang security guards at tatlong doctors ng Asian Hospital, kaugnay sa aksidenteng pagkakabaril sa sarili ng aktor at Cavite vice governor na si Jolo Revilla noong Pebrero 28. Sinabi ni Muntinlupa police chief, Senior Supt. Allan Nobleza, tatlong mga guwardiya ng Asian Hospital at isang security guard ng Ayala Alabang ang sasampahan nila …

Read More »

49 solons sa PDAF, DAP scam magpaliwanag — Palasyo

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang 49 kongresista na sinasabing sangkot sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Program (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP), batay sa Commission on Audit (COA) report. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi natitinag ang kampanya ng administrasyong Aquino sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan. “Hindi natitinag ang paninindigan ng pamahalaan laban sa tiwaling paggamit …

Read More »

DoE Asec Mapandi sinibak ng Ombudsman

SINIBAK sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang assistant secretary ng Department of Energy (DeE) dahil sa sinasabing panghihingi ng pera sa isang construction firm kapalit ng paggawad ng proyekto. Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo kay Energy Assistant Secretary Matanog Mapandi, wala na rin siyang matatanggap na kahit anong benepisyo at bawal na rin humawak ng ano mang posisyon …

Read More »

Dingdong Dantes walang interes sa politika

INAMIN ng actor na si Dingdong Dantes na wala siyang balak o planong tumakbo sa ano mang posisyon sa 2016 election. Ayon kay Dantes, mas nais niyang bigyang pansin ang kanyang papel at mga programa ng National Youth Commission (NYC) na siya ang pinuno, partikular sa papel ng mga kabataan sa pagtugon sa ano mang uri ng kalamidad sa bansa. …

Read More »

Pacman panalo vs Floyd — US website

NAGLABAS ng punch statistics ang isang website sa Amerika upang ipakita na suwerte lamang si U.S. undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr., na nakalusot kay 8 division boxing champion Manny Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision. Ang nasabing website ay ni-review nang mabuti ang video noong Mayo 2 at dahan-dahan nilang binilang ang bawat suntok ng dalawang boksingero. Isinagawa ito …

Read More »

13-anyos nene hinalay ni tatay

NAGA CITY – Nahaharap sa kasong rape ang isang padre de pamilya makaraan halayin nang ilang beses ang sariling anak sa Tiaong, Quezon. Nabatid na habang nagtutulog ang 13-anyos dalagita nang biglang maalimpungatan dahil sa kamay na humahaplos sa kanyang katawan. Pagdilat ng mata ng dalagita, nakita niya ang sariling ama na kinilala lamang sa pangalang Pable, 42-anyos, habang nakapatong …

Read More »

 ‘Snatcher’ sugatan nang mabundol ng biktima

SUGATAN ang isang hinihinalang snatcher makaraan mabundol ng kanyang biktima sa kanto ng E. Rodriguez at Tomas Morato sa Quezon City kamakalawa. Kuwento ni Delia Leung, lulan siya ng kanilang sasakyan nang hablutin ng naka-motorsiklong suspek na si alyas Ben ang kanyang mamahaling bag na may lamang pera at mga alahas.  Batay sa paunang imbestigasyon, hindi pa nakalalayo si Ben …

Read More »

Usad ng pasahero sa LRT bumagal sa new ticket system

BUMAGAL ang pasok ng mga pasahero sa Light Rail Transit (LRT) dahil sa bagong ticket system nito.  Inamin ni LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, naiipon ang mga pasahero dahil kalahati lamang ng ticketing gates ang nagagamit.  Paliwanag ng opisyal, kung sa bawat istasyon ng LRT ay may 10 ticketing gate, lima lamang ngayon ang nagagamit dahil pinalitan na ito ng …

Read More »

Uncle ni PNoy pumanaw sa aneurysm

PUMANAW na si Tarlac First District Rep. Enrique Cojuangco nitong Martes. Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II, si Cojuangco, 74, ay binawian ng buhay dakong umaga nitong Martes bunsod ng aneurysm. Kinompirma ito ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. “We’re sorry about his untimely demise,” pahayag ni Belmonte. Si Cojuangco ay nakababatang kapatid ng business magnate na si Eduardo …

Read More »

3 sugatan, kabahayan nawasak sa baha

TATLONG babae ang nasugatan nang rumagasa ang baha dulot nang malakas na ulan na ikinasira ng kanilang mga bahay sanhi ng ginagawang road construction project kamakalawa ng hapon sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City. Sa ulat ng pulisya ng Muntinlupa, ang mga nasugatan ay kinilalang sina Liezl Deguchi, 36; Conchita Santiago, 28; at Jemmalen Cachuela, nasa hustong gulang, pawang nakatira sa Aguila …

Read More »

Akusasyon ng kampo ni VP Binay binalewala  ng Palasyo (Sa AMLC report)

BINALEWALA ng Palasyo ang pahayag ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na gagamitin ng Liberal Party (LP) laban sa kanila ang sinasabing report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa bank accounts ng bise-presidente. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang natatanggap na impormasyon ang Malacañang hinggil sa nasabing isyu kaya walang batayan para gumawa ng ano mang pahayag …

Read More »

3-M pamilyang Pinoy nakaranas ng gutom (Pinakamababa sa 10 taon)

BUMABA sa 3 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng gutom nitong unang quarter ng 2015. Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Marso 20 hanggang 23 sa 1,200 respondents. Katumbas ito ng 13.5% national hunger rate na mas mababa ng 3.7 percentage points kompara sa 17.2% o 3.8 milyong pamil-ya noong Disyembre 2014, at pinakamababa …

Read More »

50 container vans ng basura ‘di ibabalik sa Canada

WALANG plano ang administrasyong Aquino na ibalik sa Canada ang nakalalasong basura na ipinasok sa Filipinas. Sa panayam sa media na kasama sa kanyang state visit sa Canada, sinabi ng Pangulo na batay sa rekomendasyon ng interagency Technical Working Group (TWG) na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR),  didispatsahin ang nasabing basura sa pamamagitan ng pagsesemento o …

Read More »

Oxalic acid sa milk tea ‘pumatay’ sa 2 biktima

NATUKOY ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na postibo sa  kemikal  na  oxalic acid ang milk tea na ininom ng tatlong biktima na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawa sa kanila sa Sampaloc, Maynila. Kung maaalala, namatay ang biktimang si Suzaine Dagohoy nang bumili at uminom ng milktea sa Ergo Cha Milk Tea house makaraan sumuka, gayondin ang may-ari …

Read More »

K-12 program idedepensa ng Palasyo sa SC

IDEDEPENSA ng Palasyo sa Korte Suprema ang K to 12 program ng Department of Education (DepEd). Sinabi Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, pinahalagahan sa pagbalangkas ng programa ang kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro. Ayon kay Deputy Presidential Spokespersom Abigail Valte, tungo sa tamang direksyon para sa de-kalidad na edukasyon ang K to 12 program. Sa ilalim ng K …

Read More »

15-anyos dalagita niluray ng 2 chainsaw operator (BF tumakbo)

TACLOBAN CITY – Isang 15-anyos dalagita ang nabiktima ng rape habang pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Santa Cruz Jaro, Leyte kamakalawa. Ayon sa pahayag ng kasintahan ng biktima, pauwi na sila mula sa sayawan nang bigla silang hinabol ng dalawang hindi nakilalang lalaki at tinutukan ng patalim sabay banta na kung hindi siya aalis ay agad na papata-yin. Pinili …

Read More »

Villar SIPAG naglunsad ng chorale festival Para kay San Ezekiel Moreno

Healing and Faith. Ito ang tema ng contest piece ng mga chorale  groups na lumahok sa Choral Festival competition na itinataguyod ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance)  sa paggunita sa 167th birthday ng “healing saint” na si  San Ezekiel Moreno nitong Abril 23. May kabuuang P150,000 cash ang premyong ibinigay sa mga nanalo sa singing competition. Tumanggap …

Read More »

Mag-ama patay sa hagupit ni Dodong (Sa Aparri, Cagayan)

KINOMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa ang namatay sa paghagupit ng bagyong Dodong. Sa press briefing ng ahensiya nitong Lunes ng umaga, inihayag nila na namatay ang mag-ama nang makoryente habang nag-aayos ng bubungan nila sa Cagayan nitong Linggo. Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio Paa, 74-anyos, at si Neil Paa, 46, mga residente …

Read More »

Ginang utas sa 2 kelot (Hinahanap inamin na kakilala)

PATAY ang isang 59-anyos ginang makaraan barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki matapos aminin na kilala niya ang hinahanap ng mga suspek kamakalawa sa Tondo, Maynila. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Gat Andes Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktimang si Carmelita Salac, ng Wagas Street, Tondo. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 8 p.m. nang maganap ang insidente sa …

Read More »

Anak akusado sa kasong murder isinuko ng amang vice mayor (Sa Ilocos Norte)

LAOAG CITY – Mismong si Ding-ras, Ilocos Norte, Vice Mayor Joeffrey Saguid ang nagsuko sa kanyang anak na si Barangay Chairman Melcon Saguid na nahaharap sa kasong murder. Ayon sa bise alkalde, ito’y makaraan nagpakita sa kanya ang anak para dumalo sa kanyang birthday celebration kahapon. Aniya, kinausap niyang maigi ang kanyang anak na kaila-ngang harapin ang kaso upang patunayan …

Read More »

3 katao niratrat sa tricycle patay

KORONADAL CITY – Tatlo ang patay sa pananambang sa Brgy. Estado, Matalam, North Cotabato, bandang 6:30 p.m. kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Joey Delloso, 31-anyos, may asawa, driver at residente ng Poblacion, Matalam; Ramel Quijano, residente ng Brgy. Estado, Matalam; at Geofrey Lauria, may asawa, bankero ng larong toss coin o hantak, at residente ng Carmen, North Cotabato. Ayon …

Read More »

Parents, teachers solid vs K-12

MATAGUMPAY na inilunsad ng mga guro, magulang, at estudyante ang kanilang kilos protesta sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado upang tutulan ang K-12 Program ng pamahalaan. Ang pagkilos na tinawag na Suspend K-12 Family Day at inorganisa ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV at ng Suspend K to 12 Coalition, ay dinaluhan ng pamilya ng mga guro at empleyado ng …

Read More »

Belmonte 2016, bukas sa blokeng Makabayan

NAKATAKDANG pag-usapan ng Makaba-yan Bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na suportahan si House Speaker Feliciano Belmonte sakaling sumabak sa Eleksiyon 2016 bilang susunod na Pangulo ng bansa. Ito ang pahayag ni Anakpawis Party-list Rep. Fernando ‘Ka Pando’ Hicap makaraang makarating sa kaniyang kaalaman ang impormasyon na malaki ang posibilidad na kabilang si Belmonte sa 2016 Presidential Candidates. …

Read More »

2016 polls kapos na sa panahon – Bautista

AMINADO si Comelec Chairman Andres Bautista na pinapaspasan nila ang mga trabaho ngayon sa poll body dahil kinakapos na sila sa election preparation. Ayon kay Bautista, may mga ginagawa silang konsultasyon para matiyak na matutuloy ang halalan kahit naibasura ang Comelec-Smartmatic deal para sa repairs ng PCOS machines. Sinabi ng opisyal, malaking hamon ang paghawak niya ng tungkulin sa komisyon …

Read More »

Illegal recruiter wanted

HINAHANTING ng mga pulis ang isang 57-anyos suspek sa illegal recruitment na ilang araw pa lamang nakalalaya makaraan magpiyansa, dahil sa paglutang ng panibagong biktima na natangayan niya ng P70,000 halaga sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ng suspek na si Mauro San Buenaventura, 57,  manager ng MCSB Manpower and Shipping Services, sa MBR building Room 709, 7th floor, Plaza Sta. …

Read More »