NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) at RA 9711 (Food and Drug Administration Act) ang isang Pakistani national at misis niyang Filipina sa Parañaque City. Dinakip kamakalawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang mag-asawa dahil sa illegal na pagdi-distribute …
Read More »Masonry Layout
No permit, no rally sa APEC Summit
NO permit, no rally policy pa rin ang ipatutupad na patakaran ng administrasyong Aquino para sa mga militanteng grupong nais maglunsad ng kilos-protesta kasabay nang pagdaraos sa bansa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre 17-20. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang pipigilang grupo na magsasagawa nang malayang pamamahayag. Ang kailangan lang aniya ay kumuha ang ano …
Read More »2016 nat’l budget ipapasa sa Disyembre
KOMPIYANSA si Senate President Franklin Drilon na maipapasa ang 2016 proposed national budget sa unang linggo ng Disyembre at agarang maisusumite kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, isang linggo bago sumapit ang 2016, para mapirmahan at maging ganap na batas. Ayon kay Drilon, kanyang kakausapin si Senate Committee on Finnace Chairman Senadora Loren Legarda na kanyang i-sponsor ang 2016 proposed …
Read More »APEC delegates protektado vs tanim-bala (Tiniyak ng Palasyo)
TINIYAK ng Palasyo na hindi mabibiktima ng tanim-bala scam sa NAIA ang 10,000 delegado na dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa Filipinas sa Nobyembre 17-20. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may ipinatutupad na sistema ang Department of Transportation and Communications (DoTC) para matuldukan na ang tanim-bala sa NAIA. Binigyang diin niya na hindi papapayagan …
Read More »Obrero kritikal sa stepson
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang obrero makaraang pagsasaksakin ng anak ng kanyang kinakasama dahil inaalila sa kanilang bahay at sa pinapasukan nilang construction site sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Nova District Hospital ang biktimang si Lemuel Umugtong, 40, ng Phase 2, Block 2, Lot 22, Green Ville Subd. Brgy. 171, Bagumbong ng nasabing lungsod, sanhi …
Read More »Dalagita tumalon mula 5F ng mall (Pinagalitan ng magulang)
DAVAO CITY – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 15-anyos dalagita nang tumalon mula sa ikalimang palapag ng The Peak sa Gaisano Mall sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Maria Ellah Faith Kataria, estudyante at residente ng Phase 5, El rio Vista Bacaca sa nasabing lungsod. Ayon sa security guard ng mall, bandang 7:45 …
Read More »Sanggol dedbol sa bumagsak na aparador
NAGA CITY – Binawian ng buhay ang isang buwan gulang na sanggol makaraang mabagsakan ng natumbang aparador kamakalawa sa kanilang bahay sa Brgy. IV, Daet, Camarines Norte. Napag-alaman, iniwan ni Marilyn Caliso, ina ng biktima, sa kanilang inuupahang bahay ang sanggol kasama ang dalawa pang mga anak na may gulang na 2-anyos at 4-anyos, upang maglaba. Ngunit sa hindi inaasahang …
Read More »Nagnakaw ng bigas kritikal sa taga ng may-ari
NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang lalaki makaraang tagain ng may-ari ng ninakawan niyang bodega ng bigas sa Brgy. San Vicente, Baao, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Agosto Pilitina, 33-anyos. Napag-alaman, nagising ang may-ari ng bodega na si Dolores Badong nang makarinig ng kaluskos. Agad ginising ng ginang ang kanyang dalawang anak na sina Alberto …
Read More »Ina patay, anak kritikal sa atake ng kasambahay
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang ina habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang bunsong anak makaraan silang pagsasaksakin ng suspek na pinaniniwalaang kanilang sariling katiwala sa bahay. Naganap ang krimen dakong 9 a.m. kahapon sa bahay ng mga biktima sa Purok 3, Guinatan, Lungsod ng Ilagan. Agad binawian ng buhay si Emily habang naisugod sa ospital ang 15-anyos …
Read More »Maniobra sa kalaban itinanggi ng Palasyo (Sa 2016 polls)
WALANG isinasagawang maniobrang legal ang Palasyo para walisin ang malalakas na makakalaban ng manok ng administrasyon na si Mar Roxas sa 2016 presidential election Ito ang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kaugnay sa mga paratang na gumagamit ang administrasyon ng koneksyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan partikular na sa Korte Suprema, Senate Electoral Tribunal (SET), Commission on …
Read More »Leni Robredo: Feeding Program, Anti-Poverty Initiative dapat magkasama
INILATAG ni Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, ang kanyang magkatuwang na programa ukol sa kahirapan, bilang tugon sa report ng Social Weather Stations (SWS) ukol sa bahagyang pagtaas ng poverty level ng bansa. Nakapagbalangkas na si Robredo ng plano para agarang tugunan ang kagutuman sa pamamagitan ng isang national feeding program na sasabayan ng pagpapalakas sa mga …
Read More »11-anyos dalagita pinagparausan ng pinsan
SARIAYA, Quezon – Duguan ang kaselanan ng isang 11-anyos dalagita nang magsumbong sa kanyang ina makaraang gahasain ng kanyang pinsan sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa. Ang biktimang itinago sa pangalang Anna Lisa, residente ng nasabing lugar, ay agad isinugod ng ina sa malapit na pagamutan upang malapatan ng lunas. Habang mabilis na tumakas ang suspek na si alyas …
Read More »Concerned group umapela sa PNP Chief (Sa pagtupad ng tungkulin)
UMAPELA kahapon ang ilang grupo ng concerned citizen sa lalawigan ng Guimaras kay PNP Chief Ricardo Marquez na mahigpit na ipatupad ang tawag ng tungkulin sa provision ng PNP sa mga opisyal ng pulisya. Hiniling din ng grupong Guimaras Concerned Citizens Group (GCCG) na pinamumunuan ni Atty. Felixberto Humabon ang usapin kay Sr. Supt. Ricardo dela Paz, Guimaras Provincial Commander …
Read More »PH dapat managot sa ‘di maresolbang journalists killing — IFJ
INIHAYAG ng Brussels-based International Federation of Journalists (IFJ), global organization na kumakatawan sa 300,000 journalist sa buong mundo, ang kanilang annual campaign, kasama ng iba pang freedom of expression networks, ay naglalayong panagutin ang pamahalaan at mga awtoridad sa impunity records ng krimen na ang mga journalist ang pinupuntirya. “Murder is the highest form of these crimes but all attacks …
Read More »Protesta ikakasa kontra insurance monopoly sa LTO
NAKATAKDANG hili-ngin ng Bukluran ng mga Manggagawa sa Industriya ng Seguro (BMIS) sa hukuman na ipatigil ang pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng Reformed CTPL (Compulsory Third Party Liability) Project. Sa programang Lapid Fire sa DZRJ-Radyo Bandido (810 KhZ) kahapon ng umaga, sinabi ni Salvador “Buddy” Navidad, national president ng BMIS, na kapag natuloy ang nasabing proyekto ay magreresulta …
Read More »Abaya, Honrado kinasuhan sa ‘tanim-bala’ controversy
NAGHAIN ng reklamo sa Office of the Ombudsman sina Sen. Alan Peter Cayetano at anti-crime advocate Dante Jimenez laban sa government officials na kabilang sa sinasabing ‘tanim-bala’ extortion scheme sa NAIA. Ang respondents sa ginawang joint complaint nina Cayetano at Jimenez ay sina Transportation and Communications Secretary Jose Emilio Abaya, at Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado. …
Read More »PDEA operatives pa kontra ilegal na droga — BBM
SINABI ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na kailangang dagdagan ang mga field operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para mapaigting ang kampanya laban sa panganib ng ilegal na droga. “Kung kulang ang mga operatiba ng PDEA na umiikot sa mga komunidad malabong magtagumpay ang ating kampanya laban sa ilegal na droga,” ani Marcos. Nauna rito naalarma …
Read More »Malaysian nat’l tiklo sa buy-bust sa Marikina
ARESTADO sa buy-bust operation ang isang 21-anyos Malaysian national at kanyang kasama sa operasyon ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAIDSOTG) sa Marikina City kahapon. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang nadakip na si Thevan Elamlathir, 21, estudyante tubong 3060 Blk-G, Pangsapuri Seri Matahari, Kuala Lumpur Malaysia, at ang kanyang kasama na …
Read More »2 miyembro ng robbery gang itinumba ng lider
PATAY ang dalawang miyembro ng notoryus na grupo ng mga magnanakaw makaraang pagbabarilin ng kanilang lider at iba pang mga tauhan sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay si Buenaventura Velasquez, alyas Jong-Jong, 26, ng 69 Doña Aurora St., Area D, Brgy.177, Camarin, habang hindi na umabot nang buhay sa Tala Hospital si Rolando Querol, alyas …
Read More »P626-M unlawful bonuses sa GOCCs ipinababalik ng CoA
NAISUMITE na ng Commission on Audit (COA) ang 479-page 2014 Annual Financial Report (AFR) na nakapaloob ang hindi awtorisadong P626 million bonuses, allowances at incentives ng mga opisyal at empleyado ng 28 government-owned and controlled corporations (GOCCs). Sa nasabing report, nabatid na nilabag ng GOCCs ang patakaran kaugnay sa sahod, allowance, at bonuses ng kanilang mga opisyal at empleyado. Magugunitang …
Read More »61-anyos lola huli sa maraming armas
TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possesion of firearms ang isang lola nang mahulihan ng mga armas sa “Oplan Kalag-Kalag” ng mga awtoridad sa Pingang Ferry Terminal sa Isabel, Leyte kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Corazon Barola, re-sidente ng San Jose Prosperidad, Agusan del Sur. Ayon kay Chief Insp. Randy Jongco, hepe ng …
Read More »79-anyos lolo tigok sa hataw ng delivery boy
PATAY ang isang 79-anyos lolo makaraang hatawin nang matigas na bagay sa ulo ng delivery boy sa Makati City kahapon. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Alfredo Peña Sr., ng 6198 Gabaldon St., Brgy. Poblacion ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo. Habang nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si Moises …
Read More »Leni Robredo suportado pagbura sa PDAF
SUPORTADO ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo ang pagbuwag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), sa pagsasabing ang pork barrel system ay bukas sa pag-abuso sa diskresiyon na ibinigay sa mga mambabatas. ”Iyong PDAF, grabeng discretion ang ibinigay. Iyong discretion ang nakatutukso na maabuso kaya naman tinanggal na iyon,” wika ni Leni Robredo. “Mas mabuti na ang lahat …
Read More »KINUKUHA ng mga residente ang mga bagay na maaari pa nilang mapakinabangan mula sa nasunog nilang mga bahay sa PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan City. (RIC ROLDAN)
Read More »TONE-TONELADANG basura ang naipon ng mga tauhan ng Department of Public Service (DPS) ng Manila City Hall makaraan ang paggunita sa Undas sa Manila North Cementery. (BONG SON)
Read More »