IPINAPAKITA ni Rep. Mark Villar ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa muling pagtakbo bilang congressman ng Las Piñas sa ilalim ng Nacionalist Party. (BONG SON)
Read More »Masonry Layout
IPINAKIKITA ni Pasay City Mayor Antonino Calixto ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) na kanyang inihain sa Pasay Comelec para sa kanyang muling pagtakbong alkalde sa 2016. (JERRY SABINO)
Read More »PAGBABALIK NI ‘DIRTY HARRY’ RAMDAM NA
Inihain ng Liberal Party ng Maynila ang kanilang kandidatura sa Comelec Aroceros sa pangunguna ni Mayor Alfredo “Fred” Lim bilang mayoralty candidate ng partido kasama ang kanyang vice mayor na si 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilio. Naniniwala si LIM na laban ito ng Maynila para maibalik ang libreng serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon para sa mga nangangailangang residente ng lungsod. …
Read More »Lucifer, 7 pa tatakbong presidente
WALONG aspirante, kabilang si “Archangel Lucifer,” na sinasabing mga pampagulo, ang naghain ng kandidatura bilang pangulo ng bansa sa 2016 elections. Ang walo ay kinabibilangan nina Marita Arilla, Cornelio Sadsad Jr., Alfredo Tindugan, Bertrand Winstanley, Romeo John Ygonia, Virgilio Yeban, Benjamin Rivera at Juanito Luna. Sa ikalawang araw ng paghahain ng COC kahapon, kauna-unahang naghain ng CoC ang isang nagpakilalang dating magsasaka …
Read More »‘Dirty Harry’ babalik para linisin ang Maynila
NAGHAIN na ng kandidatura bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila si dating Mayor Alfredo Lim kahapon ng umaga. Isinumite ni Lim ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa local na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros St., Ermita kasama ang kanyang vice mayoralty candidate na si Manila First District Representative Benjamin “Atong” Asilo. Ang 85-anyos dating senador at …
Read More »Sen. Miriam nagdeklarang tatakbo
NAGDEKLARANG tatakbo bilang pangulo sa 2016 elections si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Ito ay kasabay ng book signing ng senadora para sa kanyang bagong libro. Sinabi ni Santiago, maghahain siya ng certificate of candidacy (CoC) sa darating na mga araw. Ayon kay Santiago, mayroon na siyang runningmate bagama’t tumangging pangalanan ito. Ngunit nakadeklara na aniya ng kandidatura ang kanyang runningmate. Maalala, …
Read More »Pacman tatakbong senador sa PDP-Laban
IBINUNYAG ni Manny Pacquiao kahapon na tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban bilang senador makaraang muling linawin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente. Ginawa ni Pacman ang pahayag habang siya ay nasa New York para tanggapin ang 2015 Asia Game Changer of the Year award. Ayon kay Manny, ang PDP-Laban ay walang kandidatong presidente …
Read More »Sabwatang Palasyo Ombudsman vs VP Binay itinanggi
HINDI nakikipagsabwatan ang Palasyo sa Ombudsman para gipitin si Vice President Jejomar Binay at sirain ang kanyang 2016 presidential bid. Sinabi ni Communications Secretary herminio Coloma Jr., walang hurisdiksyon ang Malacanang sa Office of the Ombudsman na isang independeng constitutional body. Binigyang diin pa niya na ang administrasyong Aquino ay tumatalima sa rule of law. “The Office of the Ombudsman …
Read More »Hot spots, areas of concern ilalabas next week
NAKATAKDANG ianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga listahan ng lugar na isasailalim sa hot spot at areas of concern sa darating na 2016 presidential election. Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, tatapusin muna nila ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) bago ilabas ang mga lugar na kailangan bantayan ng mga kinauukulan. Ayon kay Bautista, …
Read More »‘House Independent Bloc Leader’ pasok sa senatorial race
PORMAL na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa main office ng Commission on Elections (Comelec) para pagka-senador si House Independent Bloc leader at 1st District Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kahapon ng umaga. Bitbit ang bandila ng Lakas-CMD bilang presidente ng partido, ginawa ni Romualdez ang pormal niyang pagsabak sa ‘senatorial race’ sa tanggapan ng Comelec kasama ang …
Read More »Dinukot na sanggol natagpuang patay sa kanal
NAGCARLAN, Laguna – Patay na nang matagpuan kamakalawa ang isang taon gulang na sanggol makaraang dukutin ng hindi nakilalang suspek nitong Linggo habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Malaya, Nagcarlan, Laguna. Sa report na ipinadala ni Chief Inspector Leopoldo Ferrer, hepe ng Nagcarlan Police, kay Acting Laguna PNP provincial director, Senior Supt. Florendo Saligao, kinilala ang biktimang …
Read More »Kinidnap na mayor ng Naga, Zambo Sibugay pinalaya
PINALAYA na ang dinukot na alkalde ng Naga, Zamboanga Sibugay na si Mayor Gemma Adana, nitong Martes ng umaga. Ito ang kinompirma ng Joint Task Group Zambasulta ng Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Captain Roy Vincent Trinidad, dinala si Adana sa mismong bahay ni Sulu Governor Abdul Sakur Tan bago mag-alas syete ng umaga kahapon. Agad sumailalim sa …
Read More »4-anyos paslit sinakmal ng asong ulol
DAGUPAN CITY – Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa samples ng asong ulol na sumakmal sa 4-anyos lalaking paslit sa lungsod ng Dagupan kamakalawa. Nagpapagaling pa ang biktima mula sa sugat sa kanyang likod, balikat at braso na sinakmal ng hinihinalang asong ulol. Kuwento ng biktima, naglalakad siya sa gilid ng kalsada nang bigla na lamang lapitan ng aso. …
Read More »Bagyong Lando papasok sa PAR ngayong gabi
POSIBLENG pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lando Miyerkoles ng gabi o umaga ng Huwebes. Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 2535 km Silangan ng Luzon. May lakas ito na 45 kph, habang gumagalaw pa-Kanluran Hilagang Kanluran na may bilis na 25 …
Read More »3 bata nalunod sa ilog sa Iloilo
ILOILO CITY – Nalunod ang dalawang Grade 6 at isang Grade 2 pupils nang maligo sa ilog sa Navais, Mandurriao, Iloilo City kamakalawa. Ayon kay Brgy. Kagawad Jimmy Capilihan, nagkayayaan ang mga biktimang sina Dion Salmillo at Ramy Monsale, parehong 12-anyos at Grade 6 pupil sa Mandurriao Elementary School, na maligo sa ilog kasama ang apat na iba pang kaklase …
Read More »Magkalaguyo tiklo sa buy-bust
KORONADAL CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang magkalaguyong naaresto sa drug buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Banga PNP at 4th Manuever Company ng RPSB 12 sa Prk.6, Brgy. San Vicente, Banga, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ni Senior Insp. Senen Balayon, ang hepe ng Banga PNP, ang mga suspek …
Read More »Bagatsing Mayor na tatakbuhin sa 2016
BITBIT ang battle cry na “Ang Bagong Maynila” pormal na inihain kahapon ni 5th District Congressman Amado S. Bagatsing ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (COMELEC) upang tumakbo bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2016 elections. Nasa kanyang ika-tatlong termino, dumalo muna ang kongresista sa isang misa sa San Agustin Church sa Intramuros …
Read More »2016 candidates todo-gimik sa CoC filing (Binay, Honasan naghain ng kandidatura)
INUNAHAN nina Ely Pamatong, Ninoy Definio at Augusto “Buboy” Syjuco ang iba pang malalaking pangalan sa politika. Nabatid na bago pa nagbukas ang opisina ng Commission on Elections (Comelec) ay gumawa na ng eksena sa labas ang ilan sa kanila. Si Pamatong ay nagsunog ng bandila ng China dahil daw sa pag-angkin ng naturang bansa sa mga isla ng Filipinas …
Read More »Lim maghahain ng CoC ngayon
MAGHAHAIN ngayong araw (Oktubre 13) ng certificate of candidacy (COC) si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim para sa muling pagtakbo sa mayoral race, bilang official candidate sa ilalim ng Liberal Party. Si Lim ay muling nagpasya tumakbo dahil marami sa Manilenyo ang komombinse sa kanya na muling ibalik ang nawalang mga libreng serbisyo tulad ng anim na ospital na dating walang …
Read More »Leni Robredo: LP senatorial slate subok at maaasahan
“ISANG malaking kara-ngalan ang makasama ang labindalawang senatoriables ng partido sa darating na halalan.” Ito ang deklarasyon ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo kasunod sa pag-anunsiyo sa 12 pambato ng partido bilang senador sa 2016 elections. Kabilang sa senatorial slate ng LP sina Senate President Franklin Drilon, senador Teofisto “TG” Guingona III at Ralph Recto, dating senador …
Read More »LP candidate sa Antipolo sugatan sa ambush (Sa bisperas ng CoC filing)
NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang 44-anyos Liberal Party councilor candidate sa 2016 election, makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng gabi habang patungo sa local party meeting sa Antipolo City. Kinilala ni Supt. Godfredo Kinhude Tul-O, chief of police, ang biktimang si Macario Semilla y Paraiso, 44, nakatira sa Villa Leyva, Compound, Brgy. Sta. Cruz ng lungsod. Dakong …
Read More »Sekyu nanaksak katagay patay (Binuskang ‘under’ ni misis)
PATAY ang isang 23-anyos lalaki makaraang saksakin sa leeg ng kanyang kainomang security guard na tinukso niyang ‘under’ ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Binawian ng habang dinadala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Reymalon Azuelo, 23, ng 225 Gate 10, Area B, Parola Compound, Tondo. Habang tinutugis ng mga tauhan ng Delpan …
Read More »Income tax cut batas na sana – Chiz (Kung gobyernong may puso ang nakaupo)
Binatikos ni vice presidential frontrunner Chiz Escudero ngayong Linggo ang “kondisyonal at nakataling paninindigan” ng administrasyon sa reporma sa pagbubuwis na hanggang ngayon ay nakapako pa rin sa antas noong 1997 kasabay ng tahasang pagsabing kung ang kasalukuyang pamunuan ay nabigong isabatas ang panukalang magpapababa ng income tax, ito ang unang ipapasang batas sa pamunuan ni Sen. Grace poe. “Mariin …
Read More »Ikukulong nila ako bago ang halalan – Binay
IBINUNYAG ni Vice President Jejomar Binay, nakatanggap siya ng text messages mula sa hindi kilalang sender na siya raw ay ipapaaresto bago ang halalan sa taon 2016. Ginawa ni Binay ang pahayag ilang araw makaraang ilabas ng Office of the Ombudsman ang kapasyahan na tuluyang pagtanggal sa kanyang anak na si Junjun Binay bilang alkalde ng lungsod ng Makati. Bagama’t …
Read More »Poe papayagang maghain ng COC (Ayon sa Comelec)
TATANGGAPIN pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang ihahaing certificate of candidacy (COC) ni Sen. Grace Poe para sa pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016. Ito’y sa kabila nang tumatakbong kaso ng senadora sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay ng kanyang citizenship. Sinabi ni Comelec chairman Andres Bautista, puwedeng maghain ng kandidatura si Poe simula ngayong araw, Oktubre 12. …
Read More »