ZAMBOANGA CITY- Arestado ang isang negosyanteng Chinese national makaraan molestiyahin ang 17-anyos niyang tindera sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte. Kinilala ng Sindangan municipal police station ang suspek na si Yanhuang Zhang Xie alyas Jumong, 23, residente ng Fujien, Xiamen, China, at pansamantalang nakatira sa inuupahan nilang bahay sa Brgy. Disud sa nasabing bayan. Mismong ang tiyahin ng dalagitang …
Read More »Masonry Layout
Call center agent natagpuang patay sa gusali ng Makati
MAKARAAN ang tatlong araw, natagpuang patay ang isang call center agent sa 5th level basement ng isang gusali sa Hernandez Street, San Lorenzo Village sa Makati City dakong 3 p.m. nitong Lunes. Sa imbestigasyon ng Makati PNP, lumalabas na 9:30 p.m. noong Hunyo 24 ay namataan ng anak ng caretaker ng gusali na si Regine Dioleste, na pumasok nang walang …
Read More »Mag-ina ng heneral tostado sa sunog
PATAY ang mag-ina ni police retired Gen. Ismael Rafanan makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa ulat kay Sr. Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, hindi na makilala ang bangkay ng asawa ni Rafanan na si Merilyn, 61, at kanilang anak na si Stara, 27, nang matagpuan sa loob ng kanilang naabong …
Read More »Populasyon kokontrolin ni Duterte (Walang paki sa Simbahan)
ISUSULONG ni incoming President Rodrigo Duterte ang three-child policy upang makontrol ang paglobo ng populasyon. Sa kanyang talumpati sa huling flag-raising ceremony bilang alkalde ng Davao City kahapon, sinabi ni Duterte, muli niyang ipatutupad ang family planning sa kabila nang pagtutol ng Simbahang Katoliko. “I will reinstall the program of family planning. Tatlo tama na ‘yan so social workers must …
Read More »Ginang suspek sa pagpatay sa 74-anyos ina
HINIHINALANG mismong ang 48-anyos ginang na anak ng 74-anyos matandang babaeng natagpuang tadtad ng saksak, ang salarin sa insidente sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Natagpuang wala nang buhay ang biktimang si Teresita Oliquino, 74, residente ng 22 Pineapple St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Roger Gonzales at PO2 Roldan Angeles, dakong 9 p.m. nang matagpuan …
Read More »Ina ni Padaca nabagok, patay
CAUAYAN CITY, Isabela – Nagluluksa ang pamilya ni dating Comelec Commissioner at dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa pagpanaw ng kanilang ina na isang retiradong guro. Si Amelia Padaca ay sumakabilang buhay sa edad 81-anyos. Sinabi ni Carlos Bernardo Padaca, accountant at panganay na anak, malakas pa ang kanilang ina at hindi nila inaasahan ang biglang pagpanaw. Sinabi ni …
Read More »Serial rapist utas sa kuyog ng taongbayan
KALIBO, AKLAN – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki na sinasabing serial rapist, nang pagtulungan siyang bugbugin, tagain at pagbabarilin ng taong bayan sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Alas-as, Madalag, Aklan kamakalawa. Idineklarang patay sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Abonjo Niñofranco, 46, hiwalay sa asawa, at residente ng Sitio Nailong, Brgy. Mamba sa nasabing bayan. Batay …
Read More »Pacman, De Lima absent sa Senate orientation
HINDI nakadalo ang ilang baguhang senador sa ‘orientation’ kahapon sa Senado. Kabilang sa hindi nakadalo sina Senators-elect Leila de Lima at Manny Pacquiao. Sinasabing may prior commitment ang dalawang opisyal kaya hindi nakarating sa mahalagang aktibidad sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Habang humarap sa aktibidad sina Senators-elect Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva. Kasama rin nila ang kani-kanilang …
Read More »6 patay, 9 sugatan sa pagbangga ng jeep sa truck
COTABATO CITY – Patay ang anim katao habang siyam ang malubhang nasugatan makaraan bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa isang nakaparadang dump truck sa Maguindanao kamakalawa. Batay sa impormasyon mula sa pulisya, ang mga biktimang lulan ng pampasaherong jeepney (MWB-489) ay mula sa Tacurong City at patungo sa lungsod ng Cotabato. Pagsapit sa Brgy. Baka at hangganan ng Brgy. …
Read More »Barangay officials sabit sa droga – Guanzon (Eleksiyon dapat ituloy)
IGINIIT ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, dapat nang ituloy ang halalang pambarangay ngayong taon. Ang pag-alma ni Guanzon ay kasunod nang panukala ni Comelec Chairman Andres Bautista na dapat ipagpaliban ang halalan dahil katatapos lamang ng national elections. Una nang sinabi ni Bautista, nagkawatak-watak ang bansa dahil lamang sa halalan kaya kailangan nang panahon upang paghilumin ang mga sugat na …
Read More »Inagurasyon ni Duterte simple pero seryoso
IBABAON na lamang sa limot ang mararangyang okasyon sa Malacañang dahil simula Hunyo 30, itatakda ng administrasyong Duterte na maging simple ang mga magiging pagtitipon sa Palasyo. Mismong si incoming President Rodrigo Duterte ang humirit na gawing taimtim at simple ang kanyang inagurasyon alinsunod sa ipinangako niyang “tunay na pagbabago.” Sinabi ni incoming Communications Secretary Martin Andanar, ang pagsasaluhan ng …
Read More »7 probinsiya storm signal no. 1 sa bagyong Ambo
INAASAHANG magla-landfall ngayong araw sa Aurora province ang bagyong Ambo. Una rito, inianunsiyo ng Pagasa, ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) at isa na itong tropical depression na namataan sa silangan ng Borongan City. Ayon sa Pagasa, namataan ang bagyong Ambo sa layong 182 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 …
Read More »7 Indonesians hawak na ng ASG sa Sulu
TUKOY na ng militar sa Western Mindanao kung sino at anong grupo ang may hawak sa panibagong bihag na pitong Indonesian nationals. Batay sa intelligence report ng AFP, ang Muktadil brothers na sina Nickson, Brown, Badung at Dadis ang dumukot sa pito mula sa 13 crew ng isang Indonesian tug boat at saka ibinigay sa grupo ni Abu Sayyaf sub-leader …
Read More »5 sugatan sa natumbang kotse sa Benguet
BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang lima- kataong nasugatan makaraan matumba ang sinasakyan nilang kotse na may plakang XFG 458, sa Km. 12, Guyad, Tadiangan, Tuba, Benguet kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Cyrus Ulalan Secillano, 38, driver ng kotse at residente ng Bakakeng, Baguio City; Marichu Banyaga Secillano; Andrei Agana Namoro; Jean Claire Sagun Bugnay; at …
Read More »Kargang cement bulk ng barkong sumadsad sa Cebu kinuwestiyon ng NGO
KINUWESTIYON ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang sobrang pananahimik ni Cement Manufacturing Association of the Philippines (CeMAP) president Ernesto Ordonez sa sumadsad na Panamanian-registered cargo vessel kamakailan sa pamosong dive spot Monad Shoal sa Cebu na sumira sa tatlong ektaryang coral reefs. Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, pinalabas ng Philippine Coast Guard na cement clinker ang …
Read More »3-anyos paslit kinatay ng ina
PINAGSASAKSAK ng isang 26-anyos ina ang 3-anyos anak niyang paslit habang bangag sa droga kahapon ng madaling-araw sa Navotas City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Centre and biktimang si Alexa Rain Aviso, tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Jin Pelayo, nakatira sa KCC Venterdeck …
Read More »Political prisoners ‘di palalayain nang sabay-sabay
INILINAW ni incoming President Rodrigo Duterte, wala siyang balak magsagawa ng ‘mass release’ sa political prisoners sa bansa. Ginawa ni Duterte ang paliwanag makaraan lumabas sa isang pahayagan na balak daw niyang magpalaya ng NPA leaders na nakakulong bago pa man maipasa ang amnestiya sa Kongreso. Sinabi ni Duterte, bilang abogado at dating piskal, hindi niya magagawa ang sinasabi sa …
Read More »Pinay pinalaya ng ASG (Negosasyon ni Duterte para sa Norwegian tuloy)
PINALAYA na ng grupong Abu Sayyaf ang Filipina hostage na si Marites Flor. Ayon kay President-elect Rodrigo Duterte kahapon, nakipagnegosasyon siya sa Abu Sayyaf para sa pagpapalaya kay Marites Flor. Sinabi ni Duterte, nakipagnegosasyon din siya para sa paglaya ng isa pang Abu Sayyaf hostage na si Norwegian Kjartan Sekkingstad, ngunit hindi ito natuloy dahil sa ilang problema. “Kidnapping must …
Read More »Mag-resign na kayo! (Ultimatum ni Duterte sa 3 heneral)
MAY isang linggo pa ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa illegal drugs at iba pang illegal na gawain para magpaalam sa serbisyo. Sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa oath-taking ceremony ni Sen. Manny Pacquiao kamakalawa sa Saranggani province, kapag hindi kusang nagretiro ang tatlong PNP general ay papangalanan niya sa kanyang speech. …
Read More »Duterte inauguration off limits pa rin sa private media
NANANATILING ‘off-limits’ sa private media ang inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte sa loob ng Rizal Hall sa Palasyo ng Malacañang. Una rito, lumabas sa mga balitang pumayag na ang organizers at si Duterte na ma-cover nang lahat ng media ang kanyang inagurasyon sa Hunyo 30. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar, papayagan ang siyam broadcast networks …
Read More »PNoy handa nang umalis sa Palasyo (Nakaimpake na)
NAKA-IMPAKE na at handa nang umalis sa Palasyo si Pangulong Benigno Aquino III, ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. “Ang batid ko ay matagal nang naumpisahan ito at handang-handa na siyang lumisan sa araw ng Huwebes, Hunyo 30, sa susunod na linggo,” ani Coloma. Isang linggo na lang ay papalitan na ni President-elect Rodrigo Duterte si Aquino sa isang …
Read More »Malversation, graft vs LWUA executives
INAPRUBAHAN na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pormal na paghahain nang kasong katiwalian sa Sandiganbayan laban kay dating Local Water Utilities Administration (LWUA) chief Lorenzo Jamora at iba pa. Si Jamora at mga co-accused na mga opisyal ng LWUA ay nahaharap sa maraming bilang ng ‘malversation of public funds through falsification’ at paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 …
Read More »16 pupils, guro nalason sa arozcaldo (Sa Ifugao)
BAGUIO CITY – Nananatili sa pagamutan ang 16 mag-aaral at isang guro ng Central Elementary School sa Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao dahil sa pagkalason sa kinaing arozcaldo. Ayon sa Alfonso Lista PNP, kumain kamakalawa ang mga biktima ng arozcaldo na ibinebenta sa school canteen habang naka-recess. Gayonman, pagkalipas ng ilang oras ay nagsimulang maramdaman ng mga biktima ang pagsakit …
Read More »Cybersex hub sa Bulacan sinalakay, 20 arestado
SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang hinihinalang cybersex hub sa Brgy. San Martin, Sapang Palay, Bulacan kamakalawa. Arestado sa mga tauhan ng PNP-ACG ang 20 telemarketers o chat operators ng Jaila Online Marketing Services na mala-call center ang set up. Kompiskado ang higit 30 computers, hard drives, operating system, servers, at iba pang …
Read More »Spotter ng Ozamis-Colango robbery group timbog
ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 41-anyos babaeng sinasabing nagsisilbing ‘spotter’ ng kinaanibang Ozamis-Colango robbery group, at top most wanted person ng pulisya, habang namimili sa isang malaking supermarket sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ni Officer-in-Charge, Supt. Emerey Abating, ng MPD-Binondo Police Station 11, kinilala ang suspek na si Jocelyn Hernandez, …
Read More »