Monday , October 2 2023
nbp bilibid

‘Bilibid boys’ na nalason umakyat sa 900 (Inmates posibleng sadyang nilason)

UMAKYAT na sa 900 ang bilang ng mga preso sa New Bilibid Prison na nabiktima ng food poisoning nitong Sabado, ayon kay Justice Vitaliano Aguirre II nitong Lunes.

“Noon pong Friday, mga 300 lang ang affected na inmates. Mayroon silang diarrhea… Pero noong Saturday, umabot na sa 900 inmates ang affected,” pahayag ni Aguirre.

“Doon po sa 900, ayon sa report, isa lang po ang kritikal. Parang naa-yos na naman nila nga-yon, nalapatan na ng pansamantalang lunas.”

Karamihan sa mga apektadong preso ay mula sa maximum security compound, ngunit walang high-profile inmates, ayon kay Aguirre.

Sa kabuuan, 109 preso ang naka-confine sa ospital habang ang iba ay nakabalik na sa kanilang selda. (JAJA GARCIA)

BILIBID INMATES
POSIBLENG
SADYANG NILASON

INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III nitong Lunes, iniim-bestigahan nila ang posibleng dahilan ng food poisoning na ikina-ospital ng 900 preso sa New Bilibid Prison nitong nakaraang linggo.

“I could not speculate. Mahirap mag-spe-culate pero…tinitignan po natin ‘yan,” pahayag ni Aguirre nang tanungin kung maaaring sinadyang nilason ang mga preso.

Bukod sa sabotahe, ang Bureau of Corrections (BuCor), ang nangangasiwa sa NBP, ay iniimbestigahan din kung ang ipinakain na paksiw na bangus sa loob ng piitan o konta-minadong tubig ang dahilan ng food poisoning.

Ayon sa BuCor, apek-tado ng food poisoning incident ang mga preso sa maximum, medium, at minimum security compounds.

“We have 69 admissions due to loose bowel movement at the NBP hospital and roughly 600 have been seen and attended to,” pahayag ni BuCor Director General Benjamin Delos Santos.

Habang isang matandang preso sa minimum security compound ang kritikal ang kondisyon, ayon kay Delos Santos.

Samantala, sinabi ni Aguirre, nagsasagawa ng pagsusuri ang Department of Health (DoH) upang mabatid kung ano ang sanhi ng insidente.

About Jaja Garcia

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *