MAKATATANGGAP nang umento sa sahod ang mga sundalo simula sa susunod na buwan at palalakasin pa ang kanilang depensa bilang paghahanda sa ano mang magiging kaganapan sa bansa. “Starting next month may increase na ang suweldo ng mga sundalo,” pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa Fort Magsaysay, Laur, Nueva Ecija. Pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming …
Read More »Masonry Layout
Ninja cop utas sa drug raid sa QC (QCPD official)
PATAY ang isang opisyal ng PNP nang lumaban sa mga kasamahang pulis sa anti-drug operation sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue laban kay S/Insp. Ramon Castillo, aktibong miyembro ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drug Unit, aarestohin sana makaraan makabili ang nagpanggap na buyer ngunit lumaban. Nakakuha ng limang pakete ng shabu …
Read More »P10-M shabu iniwan sa jeepney
ISINUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang jeepney driver ang dalawang kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P10 milyon, iniwan sa kanyang sasakyan ng hindi nakilalang pasahero noong Hulyo 23 sa Bacoor, Cavite. Iniharap ni NBI-AIDD chief, Atty. Joel Tovera sa mga mamamahayag ang jeepney driver na si alyas Joel. “Nakatulog ‘yung lalaking pasahero, tapos nang makarating kami sa …
Read More »12 barkong ‘shabu lab’ negatibo
VIGAN CITY – Negatibo ang resulta nang isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad sa mga nakatenggang barko sa Brgy. Pantay Tamurong, Caoayan, Ilocos Sur, na pinagkamalang shabu laboratory. Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang hindi pa nakapagsasagawa ng ‘dredging operation’ ang Keenpeak company na pinagtratrabahuhan ng Chinese nationals dahil inaayos pa ang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau kahit mayroon …
Read More »9 Pinoy na lumusob sa Sabah kulong habambuhay
KUALA LUMPUR – Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte sa Malaysia ang siyam na Filipino kaugnay sa paglusob sa Sabah noong 2013. Habang walong iba pa na kinabibilangan ng tatlong Malaysians ang kulong ng 10 hanggang 18 taon. Sinabi ng abogado ng depensa na si N Sivananthan, maaari sanang hatulan ng kamatayan ang nasabing mga Filipino ngunit binabaan ng …
Read More »Biker todas sa away-trapiko sa Quiapo
PATAY ang isang lalaking sakay ng bisikleta makaraan barilin ng driver ng kotse na nakaaway niya dahil sa trapiko sa Quiapo, Maynila kamakalawa. Kitang-kita sa CCTV kung paanong sinugod ng isang lalaking sakay ng Hyundai EON ang isa pang lalaki na nakasakay sa bisikleta. Nagpalitan ng suntok ang dalawa ngunit nagkaayos din makaraan ang ilang minuto. Nagkamayan pa ang dalawa …
Read More »Curfew sa Maynila, Navotas at Kyusi pinigil ng SC
IKINATUWA ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) laban sa ipinatutupad na curfew o ordinansa ng ilang lungsod sa Metro Manila partikular sa Maynila, Navotas at Quezon City na nagbabawal sa mga menor-de-edad na pagala-gala sa kalye sa dis-oras ng gabi. Una rito, naghain nitong Biyernes ng Petition for …
Read More »CHED, hinikayat ng KWF: Bagong batas sa filipino ipatupad
SA liham na may petsang 21 Hulyo 2016, ipinaabot ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa pamamagitan ni Tagapangulong Virgilio S. Almario, kay Tagapangulong Patricia Licuanan ng CHED ang pasasalamat sa pag-uutos nitó noong 18 Hulyo 2016 ng pagpapanatili ng pagtuturò ng anim hanggang siyam na yunit ng Filipino sa mga institusyon para sa mas mataas na edukasyon (higher education institutions) …
Read More »Kartel sa cement industry hiniling buwagin
Nanawagan ang advocacy group na Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) sa administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte na durugin na ang kartel na Cement Manufacturers of the Philippines (CeMAP) sa ilalim ni dating Department of Trade and Industry undersecretary Ernesto Ordonez na nakikinabang sa kanyang kampanya laban sa mga importer ng semento kung saan kontrolado ng grupo ang presyo ng …
Read More »18 katao patay sa buy bust ops, 30,704 drug surrenderees — PNP Bicol
LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 30,704 drug personalities ang boluntaryong sumuko sa rehiyon ng Bicol. Sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) Regional Office-5, 29,166 sa bilang na ito ang drug users habang 1,538 ang drug pushers. Kaugnay nito, 18 na ang napatay sa isinagawang buy-bust operations habang 168 ang naaresto ng mga pulis. Sa kabilang dako, sa …
Read More »1 patay, 9 sugatan sa bus at truck sa Quezon Province
NAGA CITY – Patay ang isang babae sa banggaan ng trailer truck at pampasaherong bus sa Brgy. Santa Catalina, Atimonan, Quezon kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Marry Shaine Oas, 22-anyos, residente ng Minalabac, Camarines Sur. Ayon sa ulat, habang binabaybay ng truck na minamaneho ni Ruperto Santos II, 31-anyos, ang pababang kalsada sa nasabing lugar nang mawalan ito ng …
Read More »Pagkatapos ng FOI bilang EO… Ceasefire sa CPP-NPA idineklara (3 anak bawat pamilya isusulong nang todo)
NAGDEKLARA si Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral ceasefire sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Inihayag ito ni Duterte bago ang joint session ng Kongreso sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). “I am announcing a unilateral ceasefire with the CPP-NPA-NDF effective immediately,” aniya. Dagdag niya, “I expect and call on our fellow Filipinos …
Read More »Federalismo kapag naitatag Duterte sibat agad
NAGPAHAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte nang kahandaang bumaba sa puwesto kapag naipasa ang federal at parliamentary form of government sa pamamagitan ng constitutional amendments sa kanyang ikaapat o ikalimang taon sa posisyon. Aniya, dapat mayroong pangulo na mamumuno sa parliamentary and federal government. Gayonman, sinabi niyang ang mamumuno ay dapat na hindi siya. “I can commit today to the Republic …
Read More »Koko Senate president, Alvarez new House speaker
HINIRANG na bagong pangulo ng Senado si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, sa ginanap na botohan kahapon ng umaga kasabay ng pagbubukas ng 17th Congress. Nakalaban ni Pimentel sa Senate presidency si Sen. Ralph Recto. Nakakuha si Pimentel ng 20 boto habang 3 boto si Recto. Si Sen. Pimentel ang lider ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido …
Read More »Militante nakalapit sa Batasan
SA unang pagkakataon, nakalapit ang ilang militanteng grupo para sa kauna-unahang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Quezon City Police District, mismong ang pangulo ang nag-utos sa kanila na hayaang makalapit ang mga militante sa Batasang Pambansa. Pasado 8:00 am nang makalampas ang grupong militante sa Ever-Commonwealth mall habang si Bayan secretary-general Renato “Nato” …
Read More »Mayor Sara naospital (Hindi nakadalo sa SONA)
HINDI nakadalo si presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag ni Jefry M. Tupas, Davao City Information Officer, pagdating ni Sara sa Maynila kahapon ng umaga ay nagtungo siya sa St. Luke’s Hospital para sa medical check-up ngunit hindi na …
Read More »UNA president Rep. Toby Tiangco nagbitiw sa partido
NAGBITIW na sa pwesto ang mismong presidente ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Navotas Rep. Tobias “Toby” Tiangco. Sinabi ni Tiangco, kamakalawa pa niya ginawa ang pagbibitiw ngunit hindi ito agad tinanggap ni dating vice president Jejomar Binay. Kaya si dating Makati mayor Junjun Binay na lang ang kanyang naging instrumento upang ipaliwanag sa dating pangalawang pangulo ang rason …
Read More »Low pressure sa West PH Sea magiging bagyo
INALERTO ng Pagasa ang publiko sa posibilidad na maging bagong bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea. Ayon sa weather bureau, maaaring lumakas ang naturang namumuong sama ng panahon dahil nasa loob ng intertropical convergence zone (ITCZ). Huling namataan ang LPA sa layong 350 km sa kanluran hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.Kung ganap na …
Read More »7-anyos, 2 pa patay, sanggol, 13 pa sugatan sa 2 banggaan sa Quezon
NAGA CITY – Patay ang tatlo katao kabilang ang 7-anyos batang babae habang sugatan ang 14 iba pa sa dalawang insidente ng banggaan ng mga sasakyan sa Candelaria, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Jayfy Bautista, 48, at si Marvic Malehano, 7-anyos. Binabaybay ng jeep na minamaneho ni Diomedes Petallano, 48, ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. …
Read More »2 itinumba sa Naga ng Bicol vigilante
NAGA CITY – Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng dalawang tao sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Naga, pinaniniwalaang salvage victims ng grupong Bicol Vigilante. Unang natagpuan ang bangkay ng biktimang si Mike Reyes sa bahagi ng Brgy. Pacol na nakagapos ang kamay at may packaging tape. Si Reyes ay may tama ng bala ng baril sa …
Read More »Bebot utas sa onsehan sa droga
PATAY ang babaeng hinihinalang tulak ng droga nang pagbabarilin ng kapwa niya drug pusher makaraan magka-onsehan sa shabu sa Paranaque City kamakalawa ng gabi. Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang edad 25-anyos. Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya para sa agarang pag-aresto sa suspek na kinilala sa pangalang alyas Bilo, sinasabing isang notoryus na drug pusher. Napag-alaman, naganap ang …
Read More »Karnaper tigbak sa parak
BINAWIAN ng buhay ang isang hinihinalaang karnaper makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin habang sakay ng motorsiklong walang plaka sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Johnson Almazan, dakong 1:50 am habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng North Extension Office (NEO) Anti-Carnapping Unit sa pangunguna ni PO3 Renen Malonzo, sa kahabaan …
Read More »Info EO pirmado na ni Digong
PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) on Freedom of Information (FOI) nitong Sabado ng gabi, pagkompirma ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kahapon. “It just so happened that the EO was finalized on Saturday night,” pahayag ni Andanar. Nilinaw ni Andanar, walang kaugnayan sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang pagpirma sa Executive Order …
Read More »Pagpirma ni Duterte sa FOI EO welcome sa NUJP
WELCOME sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order on Freedom of Information. Ayon sa grupo, ang mabilis na pagtupad ni Duterte sa kanyang pangako sa panahon ng kanyang pangangampanya ay hindi lamang mahalaga sa media kundi sa lahat ng mga naniniwalang ang “transparency and accountability” ay kailangan sa mabuting …
Read More »Speech ni Digong makabagbag damdamin (Sa kauna-unahang SONA)
ASAHAN na magiging makabagbag damdamin ang speech ni President Rodrigo Duterte ngayong sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA). Sa press briefing sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang SONA ni Pangulong Duterte ay tiyak na pupukaw sa pagiging makabayan ng bawat Filipino. “The address of the President, will …
Read More »