Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Rights concern dalhin sa tama at ukol na forum

SA kabila ng mga paalala ng mga kaalyado at bantang pagbawi sa foreign assistance, muling nagpakawala nang maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa US, United Nations (UN) at European Union (EU). Sinabi ni Pangulong Duterte, akala mo kung sino, lalo na ang US, na makapag-lecture kaugnay sa human rights. Ayon kay Pangulong Duterte, dapat dalhin sa tamang …

Read More »

Mark Anthony inilipat sa Angeles District Jail

INILIPAT na ng kulungan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez habang dinidinig ang kanyang kaso sa Pampanga kaugnay sa pagkaaresto sa kanya ng mga pulis dahil sa nakuhang marijuana sa kanyang sasakyan. Umaga nitong Sabado nang ilabas si Mark Anthony sa Station 6 ng Angeles City-Police para ilipat sa District Jail ng nabanggit na bayan. Ang paglilipat ay ginawa …

Read More »

Rosanna Roces kakasuhan sa sex trade

Rosanna Roces

IPINAUUBAYA ni House committee on justice chairman Rep. Reynaldo Umali sa ibang lupon kung magsasagawa rin ng ibang imbestigasyon sa nabunyag na paghahakot ng prostitutes ng actress na si Rosanna Roces sa New Bilibid Prisons (NBP). Una rito, inamin ni Roces na kumikita siya ng P25,000 sa tuwing magdadala siya ng mga babae para sa high profile inmates. Para kay …

Read More »

Jaybee Sebastian tiyak na dadalo sa House inquiry

TINIYAK ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagdalo sa Lunes, Oktubre 10, ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa pagpapatuloy nang pagdinig ng Kamara hinggil bentahan ng droga sa National Bilibid Prison (NBP). Sinabi ng kalihim, wala nang magiging sagabal para sa pagdalo ni Sebastian. Ipinagtanggol niya na kaya hindi nakadalo si Sebastian noong …

Read More »

67-anyos taxi driver kinatay, binigti ng 2 holdaper

PATAY ang isang 67-anyos taxi driver makaraan pagsasaksakin at ibigti ng dalawang holdaper sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang biktimang si Wenceslao Alcantara, biyudo ng 201 Mabuhay Compound, Sauyo, Quezon City. Ayon kay SPO2 Rey Bragado, dakong 2:40 am, naghihintay ng pasahero ang tricycle driver na si Laurence …

Read More »

Flood alert nakataas sa Zambales

NAKATAAS ang initial flood alert sa Zambales dahil sa malakas na buhos ng ulan na nararanasan. Ayon sa ulat ng Pagasa, itinaas nila ang yellow rainfall alert dahil kahapon ng umaga pa nakapagtala nang malakas na ulan sa nasabing  lalawigan, pati na sa karatig na mga lugar. Apektado rin ng thunderstorm ang ilang parte ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite …

Read More »

5 inmates pumuga sa Koronadal

KORONADAL CITY – Puspusan ang paghahanap ng mga awtoridad sa limang bilanggo na pawang may kasong ilegal na droga makaraan makatakas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Koronadal City dakong 2:05 am kahapon. Kinilala ang inmates na nakatakas na sina Christoper Punzalan Manalang, 38; Roel Gubatonm Austria, 45; Federico Sarayon Abaygar, 48; Edgar Mariano Tiad, 42, at Rosilito …

Read More »

Kill plot vs Duterte itinanggi ng US

AMINADO si Defense Sec. Delfin Lorenzana, wala siyang pinanghahawakang impormasyon ukol sa sinasabing balak na pagpatay ng Central Intelligence Agency (CIA) kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang naging pahayag ni Lorenzana, kasunod nang pag-uusap nila ng ilang opisyal ng Estados Unidos. Kabilang sa mga nakaharap ng DND chief si US Ambassador to Philippines Philip Goldberg, na todo tanggi sa isyung …

Read More »

4th MPD Press Corps Horse Racing Cup

ISASAGAWA ngayong araw ng Linggo, Oktubre ang 4th Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na gaganapin sa Philippine Racing Club sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Ang pakarera ay isang charity race na sponsor ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng regular na feeding  mission sa mga kapos-palad at mga …

Read More »

Mag-asawang sangkot sa droga utas sa ambush

PATAY ang isang mag-asawa na hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Tribiana, dakong 2:00 am nagpapahinga si Randy David, 38, at misis niyang si Marnele Casido, 28, sa kanilang bahay sa Blk. 12-B, Lot 5, Sulib Street, Brgy. …

Read More »

3 dedbol sa ambush sa Malabon

PATAY ang tatlo katao makaraan pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng L300 van sa Gov. Pascual Avenue, Malabon City dakong tanghali kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Rick Pablo, Ronaldo Sarquin at Carlo Rodriguez. Sa salaysay ng mga testigo, gumamit ang mga suspek ng sub-machine gun at cal. 45 sa pagpaslang sa mga biktima. Lumabas sa berepikasyon …

Read More »

2 holdaper, pusher todas sa shootout

DALAWANG hinihinalang holdaper at isang drug pusher ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, napatay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) sa pangunguna …

Read More »

2 drug user patay sa buy-bust ops

PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang gumagamit ng illegal na droga makaraan lumaban sa buy-bust operation ng mga pulis sa Quiapo, Maynila dakong 10:30 am kahapon. Kinilala ang mga napatay sa alyas na Jerome at Jun Tausug, kapwa residente ng Concepcion Aguila St., Quiapo. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), …

Read More »

Mag-amang ASG arestado sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang mag-ama na hinihinalang mga kasapi ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) at wanted kidnapper, sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa sa Brgy. Sta. Barbara sa Zamboanga City. Kinilala ni Police Regional Office (PRO9) director, Chief Supt. Billy Beltran, ang mag-amang suspek na si Abdul-latip Talanghati Suwaling, alyas Latip Sihata at Tatang, 64, at …

Read More »

2 kelot todas sa vigilante

PATAY ang dalawang lalaking sinasabing napagkamalan na sangkot sa illegal na droga, makaraan pagbabarilin ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Dakong 3:00 pm nasa loob ng kanilang bahay si Richard Panganiban, 38-anyos, ng 1610 Ilang-Ilang St., Camarin, nang pasukin ng apat lalaki at siya ay pinagbabaril. Habang patay rin …

Read More »

3 estudyante patay sa motorsiklo vs mini dump truck

BUTUAN CITY – Patay ang tatlong high school student makaraan salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang mini dump truck sa Sitio Bioborjan, Brgy. Rizal kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang estudyanteng lalaking driver ng motorsiklo na si Lito Estrada Makapinig, 15, residente ng Brgy. Lipata, habang dinala sa Caraga Regional Hospital ang tatlong mga kasamahan ngunit namatay rin ang …

Read More »

Import ban ng China mula sa PH inalis na

INALIS na ang ipinatupad na suspensiyon ng China sa pag-aangkat ng mga produktong nagmumula sa Filipinas. Ito ang inanunsiyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol, makaraan silang makatanggap ng abiso mula sa mga opisyal ng naturang bansa. Magugunitang nagpataw ng ban sa importasyon ng mga prutas ang China mula sa Filipinas dahil sa inihaing kaso ng ating bansa sa Arbitral Tribunal …

Read More »

Batangas niyanig ng 4.1 magnitude quake

NIYANIG ng 4.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Batangas at mga karatig na lugar. Naitala ito dakong 3:32 pm kahapon. Natukoy ang epicenter sa 21 km timog kanluran ng Calatagan, Batangas. May lalim itong 103 km at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang intensity III sa Lubang Island, Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Calatagan, Batangas. Habang …

Read More »

Sumuko sa Tokhang, dedo sa tandem

BINAWIAN ng buhay ang isang tricycle driver na kabilang drug watch list ng Barangay Anti-Drug Council makaraan pagbabarilin ng apat hindi kilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mauricio Recto, 59, ng C-4 Road, Brgy. Tañong, ng lungsod, ayon sa pulisya ay sumuko na kamakailan sa …

Read More »

86-anyos lola patay sa sunog

CEBU CITY – Hindi nakalabas nang buhay ang isang 86-anyos lola nang ma-trap sa loob ng kanyang nasusunog na bahay sa Brgy. Malolos, bayan ng Barili kahapon. Ayon kay FO1 Dennis Villa sa Barili Fire Station, nagluluto ang biktimang si Dionisia Empinado nang mangyari ang insidente. Sinasabing napansin na lang ng mga kapitbahay ng biktima na lumiyab ang bahay ng …

Read More »

Tserman, 6 pa patay sa Quiapo drug raid (263 kalalakihan inaresto)

PATAY ang pito katao, kabilang ang barangay chairman, makaraan ang inilunsad na anti-illegal drug operation sa Quiapo, Maynila kahapon. Kabilang sa mga napatay sina Barangay 648 Chairman Nohg Faiz Macabato, may P1 milyon patong sa ulo, Kagawad Malic Bayantol, Gaus Macabato, at apat hindi pa nakikilalang kalalakihan, isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ngunit pawang idineklarang dead on …

Read More »

3 suspek sa Davao bombing arestado

ARESTADO ang tatlong miyembro ng Maute terrorist group na hinihinalang nasa likod nang madugong pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 70 biktima. Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, naaresto ang tatlong suspek noong Oktubre 4 sa Cotabato City sa isinagawang checkpoint operation. Aniya, may nakuha silang matibay na ebidensiya na nagpapatunay na ang nabanggit …

Read More »

Duterte very satisfactory sa militante

VERY satisfactory o gradong 8 ang ibinigay ng mga militanteng grupo sa Southern Mindanao sa  unang 100 araw ng administrasyong Duterte. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Southern Mindanao Region  (Bayan-SMR), pa-sado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi-litanteng grupo sa Davao City kung pag-uusapan ang mga nasimulang gawin, ginagawa at gagawin pa. Ngayong ika-100 araw ng Pangulo sa Palasyo, binigyan ni …

Read More »

Chinese telcos papasukin sa PH — Duterte (Nabuwisit sa bagal ng telcos sa bansa)

DAVAO CITY – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommunication companies (telcos) sa bansa gaya ng Smart, PLDT, Globe at Sun Cellular, na ayusin ang serbisyo kung ayaw nilang makatikim sa kanya. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa National Banana Congress sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte, nagtitiis lamang siya ngayon at nagpapasensiya sa mabagal na serbisyo ng telcos. …

Read More »