Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Protocol itatakda sa imbestigasyon ng EJK sa ‘Pinas

SA sandaling nalinaw na ang susunod na magiging hakbang, alin man kung magpapadala ng imbitasyon ang DFA o Malacañang, kapag na-transmit na ito saka sisimulan ang consultation process, ayon kay foreign affairs assistant secretary at spokesperson Charles Jose ukol sa isasagawang imbestigasyon sa sinasabing mga extrajudicial killing (EJK) sa bansa. Wala umanong specific date kung kalian dadalaw ang mga kinatawan …

Read More »

Huwag makialam sa aming drug war (Babala sa UN at EU) — Yasay

PINAALALAHANAN ni foreign affairs secretary Perfecto Yasay ang United Nations (UN) na mayroong mandato si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa sambayanang Pilipino at ang daidig ay hindi dapat na ‘makialam’ sa kampanya nito laban sa krimen. Sa taunang U.N. General Assembly, sinabi ng kalihim na ang pamahalaang Duterte ay “determinadong palayain ang bansa mula sa korapsyon at iba pang masasamang …

Read More »

‘Wag makinig sa human rights sa war on drugs (Payo ni Duterte sa PNP)

  PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na huwag makikinig sa human rights (groups) sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sinabi ni Pangulong Duterte, ang human rights ay palagi namang kontra o anti-thesis ng gobyerno. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi nag-iimbestiga ang Human Rights Commission (CHR) kung pulis ang namamatay kahit araw-araw pa. Kanyang tinitiyak na siya ang bahala …

Read More »

Armas ng ASG narekober sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Narekober ng militar ang  matataas na kalibre ng mga baril, bala at mga eksplosibo sa kamakalawa sa Brgy. Katipunan, Tuburan sa lalawigan ng Basilan. Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), pag-aari ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang nakuhang mga kagamitan. Kabilang sa mga narekober ang isang unit ng M14 rifle na may walong magazines at 39 …

Read More »

‘Hitler’ remarks ipinaliwanag ng Palasyo (Yasay Itinanggi)

KINIKILALA ng Filipinas ang mahalagang ambag ng karanasan ng mga Hudyo, lalo na ang masaklap at mapait nilang kasaysayan. Sa kalatas ng Palasyo kahapon, binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi minaliit ni Pangulong Duterte ang pagbubuwis ng buhay ng anim na milyong Hudyo noong Holocaust ng World War II. Giit ni Abella, ang pagtukoy ni Pangulong Duterte sa pagkatay …

Read More »

Chikungunya outbreak idineklara sa Indang

IDINEKLARA ang chikungunya outbreak sa Indang, Cavite. Ayon sa ulat, mahigit 400 kaso ng chikungunya ang naitala sa nasabing lalawigan ngayong taon, karamihan ay naganap sa Indang. Ayon sa nakaraang panayam kay Department of Health (DoH) Spokesperson Eric Tayag, magkakaparehong tipo ng lamok ang nagdudulot ng chikungunya, dengue at zika viruses. Aniya, ang kampanya laban sa zika ay kampanya rin …

Read More »

7 patay sa ratrat sa Caloocan

PITO katao ang patay, kabilang ang live-in partner, sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Caloocan City Police deputy for administration, Supt. Ferdinand del Rosario, dakong 12:37 am kahapon, nasa loob ng bahay sa 2130 Saint Benedict St., Admin Site, Brgy. 186, Tala ang live-in partners na sina Rosario …

Read More »

3 dedo sa Manila drug ops

PATAY ang tatlong katao sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Parola Compound, Binondo, Maynila kahapon. Ayon kay Chief Insp. Leandro Gutierrez, team leader ng raiding team, isinagawa ang raid makaraan silang makatanggap ng impormasyon na ginagawang drug den ang lugar. Kinilala ang mga napatay na sina Edmond Morales, 35; Jomar Danao Mariano, 40, at Ernesto Francisco, 45, pawang residente ng …

Read More »

2 pusher utas sa parak

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Novaliches ng nasabing lungsod Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang mga napatay ay sina ErlindoTorres at Wilfredo Dela Cruz, kapwa residente ng Rockville 1, Brgy. San Bartolome, Novaliches. Ayon …

Read More »

Trike driver itinumba ng tandem

PATAY ang isang tricycle driver makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Namatay noon din ang biktimang si Jasani A. Hutalla, ng 2011 Ricare St., Brgy. South Cembo ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jason David, nangyari ang insidente dakong 3:50 am sa panulukan ng Luzon at Aklan Streets, Brgy. Pitogo ng …

Read More »

8-anyos B’laan patay sa kalaro (Akala’y toy gun)

DAVAO CITY – Patay ang 8-anyos batang B’laan na naglalaro ng baril-barilan sa kamakalawa sa Datal Detas, Kolonsabak, Matanao, Davao del Sur. Kinilala ang biktimang si Joel Lasib, naninirahan sa nasabing lugar. Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 11:00 am. habang naglalaro ang biktima kasama ang kanyang mga kapatid, pinsan at mga kapitbahay. Ayon sa ulat, kumuha …

Read More »

16-anyos dalagita, ginahasa at pinatay ng 15-anyos binatilyo

GINAHASA at pinatay sa saksak sa loob ng bahay ang isang 16-anyos dalagita kamakalawa sa General Tinio, Nueva Ecija. Ang itinuturong nasa likod ng karumal-dumal na krimen, ang 15-anyos na manliligaw ng biktima. Ayon sa ulat, nakipag-inoman muna ang suspek bago gawin ang krimen. Batay sa pahayag ng kapitbahay ng biktima, may narinig silang ingay sa bahay at nakita ang …

Read More »

4 pusher todas sa drug bust sa Rizal

PATAY ang apat hinihinalang drug pusher sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Antipolo at bayan ng Cainta sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, dakong 9:00 pm napatay sa buy-bust operation si Cris Samoy at tatlong hindi pa nakilalang suspek sa …

Read More »

Bagyong Igme nasa PH na

PUMASOK na sa loob ng Philippine area of responsibility ang bagong bagyong Igme. Huling natukoy ng Pagasa ang bagyo sa layong 1,380 km east ng Casiguran, Aurora. Lumakas pa si “Igme” na umaabot na sa 100 kph ang lakas ng hangin malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin sa 125 kph. Kumikilos ito sa direksiyon na northwest sa bilis …

Read More »

Jaybee Sebastian, 2 drug lord mananatili sa Bilibid

MANANATILI ang high-profile convicts  na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan naganap ang pag-atake sa kanila nitong Miyerkoles. Sinabi ni Rolando Asuncion, officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor), ang Building 14 ang pinakaligtas na lugar sa tatlo na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital makaraan ang nasabing pag-atake sa …

Read More »

40 arestado sa anti-crime ops sa Malate

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 40 katao sa anti-crime operation sa Malate, Maynila kahapon. Ayon kay Supt. Romeo Odrada, hepe ng Manila Police District Station 9, ang 40 indibidwal ay inaresto bunsod nang paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Brgys. 704, 705 at 718. Sinabi ni Odrada, kasalukuyang isinasailalim sa proseso ang mga nadakip upang …

Read More »

P216-B kita ng drug lords kada taon

AABOT sa P216 bilyon kada taon ang nasasayang na pera sa bansa dahil napupupunta sa bulsa ng drug lord imbes gastahin ng pamilyang Filipino para sa mga batayang pangangailangan. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press conference sa Davao City Airport nang dumating mula sa state visit sa Vietnam kahapon ng madaling araw. Aniya isang bilyonaryong negosyante na …

Read More »

3-M drug addicts kaya kong ipamasaker — Duterte

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan niyang magpaka-Hitler laban sa mga kriminal sa bansa. Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdating mula sa Vietnam kahapon ng madaling araw. Sinabi ni Pangulong Duterte, minasaker ni Hitler ang tatlong milyong Hudyo at ikatutuwa niyang patayin din lahat ng mga adik sa bansa. “Hitler massacred 3 million Jews. There are 3 …

Read More »

Sebastian maghain ng affidavit (Himok ng DoJ)

HINIMOK ng Department of Justice (DoJ) ang kampo ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian na maghain ng sinumpaang salaysay o affidavit makaraan tanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit niyang makausap ang punong ehekutibo para isiwalat ang nalalaman kaugnay sa sinasabing paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP). Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, …

Read More »

Hiling na ilipat si Sebastian sa penal colony ikokonsidera

MAAARING ikonsidera ng Department of Justice (DoJ) ang hiling ng kampo ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian na mailipat siya ng penal colony. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kung talagang nanganganib si Sebastian sa New Bilibid Prisons (NBP) ay posible nilang pagbigyan ang kahilingan ng abogado ni Sebastian. Ngunit muling nanindigan si Aguirre na kahit wala ang …

Read More »

Unilateral ceasefire sa CPP-NPA gagawing permanente

TARGET ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (NDF-CPP-NPA) na malagdaan ang final peace agreement bago matapos ang Hulyo 2017. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, chief ng government peace panel, ang unilateral ceasefire ay gagawin nang bilateral at permanent. Ito’y para wakasan ang “hostility” sa pagitan ng mga NPA at tropa ng pamahalaan. …

Read More »

Narco-politicians binubusisi ng DILG

NAGTUNGO na sa iba’t ibang probinsiya sa bansa ang probe team ng Department of Interior and Local Government (DILG) para umpisahan ang pag-iimbestiga sa sinasabing narco-politicians na kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang probe team ng DILG ay binubuo ng halos mga abogado mula sa Philippine National Police (PNP), National Police Commission (NAPOLCOM) at DILG.

Read More »

Inambus na judge kasama sa narco-list

PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang hukom na kasama sa kanyang narco list. Sa kanyang talumpati sa 9th National Biennial Summit on Women and Community Policing sa Apo View Hotel sa Davao City, binanggit ng Pangulo ang pangalan ni Judge Hector Salise. Si Judge Salise, presiding judge ng Bayugan City Regional Trial Court, ay sugatan sa pananambang noong Biyernes, …

Read More »

‘Igme’ papasok sa PH ngayon

KINOMPIRMA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagpasok ng panibagong bagyo sa bansa ngayong araw, Oktubre 1, may international name na Chiba. Ayon sa weather advisory na inilabas ng Pagasa, ang nasabing bagyo na tatawaging Igme ay namataan sa 1,500 kilometro Timog ng Southern Luzon. Ito ay may lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras …

Read More »