Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Obrero pinatay sa harap ng katagay

CANDELARIA, Quezon – Patay ang isang obrero makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainoman kamakalawa sa Brgy. Masin Norte ng bayang ito. Sa report kay Quezon PNP provincial director, Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang biktimang si Reynate Dimaunahan Bayta, 40-anyos. Ayon sa ulat, dakong 10:30 pm, sa hindi malamang dahilan, biglang sumulpot ang …

Read More »

Resbak ng ‘ninja cops’ (Violent dispersal sa US Embassy)

INIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang anggulong buwelta ng sindikato ng ‘ninja cops’ ang madugong pagbuwag ng mga pulis sa kilos-protesta ng mga Moro at katutubo sa harap ng US Embassy kahapon na ikinasugat ng mahigit sa 120 rallyista at maraming iba ang nadakip. Isang source sa intelligence community, bineberipika nila ang impormasyon na sinasabotahe ng sindikato ng ninja cops ang administrasyong …

Read More »

Lawin signal no. 5

NADAGDAGAN pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone signal no. 5 dahil sa supertyphoon Lawin. Kabilang sa mga nasa signal no. 5 ang Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao. Habang signal no. 4 sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands. At signal no. 3 sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino …

Read More »

PH-China defense ties ‘di matatalakay

BEIJING, China – Nilinaw ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, walang pag-uusapang isyung pangdepensa o military alliance sa pagitan ng Filipinas at China sa State Visit ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng Philippine media delegation sa Beijing, sinabi ni Sec. Yasay, sesentro lamang sa trade and economic issues ang agenda ng State Visit ni Pangulong Duterte. Ayon kay Yasay, …

Read More »

1 pang killer ng ex-wife ni Kerwin, utas sa ambush

dead gun police

CEBU CITY – Wala pang 24 oras mula nang mapatay ang isa sa itinuturong nasa likod nang pagpatay sa dating misis ni Kerwin Espinosa na si Analou Llaguno, isa na naman sa tatlong itinuturong suspek ang bumulagta makaraan pagbabarilin. Ang suspek ay kinilalang si Richard Jungoy, residente sa Brgy. Duljo Fatima, Cebu City. Ayon sa mga saksi, lumabas ng bahay …

Read More »

Pagpanig ni Duterte sa China nagdulot ng kalituhan sa AFP

NALILITO ang Armed Forces of the Philippines dahil sa pabago-bagong defense policy ng bansa sa kasalukuyang administrasyon. Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, ang kalituhan sa AFP ay bunga nang inaasal ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyadong bansa kagaya ng Estado Unidos kapalit ang pagiging bukas at malapit sa China at Russia. Aniya, naiiba na ang takbo ng …

Read More »

Con-Ass sa amyenda sa Saligang Batas lusot sa House committee

congress kamara

APRUB na ng House Constitutional Amendment Committee ang resolusyon para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly sa panukalang pag-amyenda ng Saligang Batas. Ito ay makaraan 32 miyembro ng komite ang bumotong pabor na Con-Ass ang maging mode para sa Charter change, habang pito lamang ang tumutol at tatlo ang nag-abstain. Aprubado na rin na pag-isahin na lamang ang 29 Cha-cha …

Read More »

3 PNP prov’l head sinibak sa puwesto (Bigo sa anti-drug war)

ROXAS CITY – Mismong ang national headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang nagpalabas ng relieve order sa tatlong provincial director ng PNP sa Region 6. Kabilang dito sina Senior Supt. Roderick Alba, sinibak sa pagiging provincial director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), Senior Supt. Leo Irwin Agpangan, sinibak mula sa Guimaras Police Provincial Office (GPPO), at Senior Supt. …

Read More »

26-anyos estudyante nagbigti

HINIHINALANG problema sa pamilya ang nag-udyok sa 26-anyos estudyante para tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon sa Muntinlupa City. Namatay noon din ang biktimang si Julius Sarino, ng 35 Sampaguita Extension, Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng lungsod. ( JAJA GARCIA )

Read More »

Psychology student tumalon mula 4/F ng hotel, patay (Bumagsak sa licensure exam)

PATAY ang isang 23-anyos Psychology student makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng hotel na pinaglilingkuran ng kanyang ina kamakalawa ng hapon sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente makaraan bumagsak ang biktimang si Joanna Gaytona, ng 160 Guzman St., Quiapo, Maynila, sa licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC). Nabatid mula kay Supt. Albert Barot, station commander …

Read More »

400 preso nagsagawa ng noise barrage (Sa Navotas City Jail)

NAGSAGAWA nang pag-iingay kamakalawa ang mahigit 400 bilanggo sa Navotas City Jail upang i-protesta ang  pagbabawal sa mga preso na humawak ng pera sa loob ng bilangguan. Dakong 3:00 pm nang magsimula ang noise barrage ng mga preso na ikinaalarma, hindi lamang ng pulisya na ang tanggapan ay nasa harap lamang ng city jail, kundi maging ang mga opisyal at …

Read More »

Drug den maintainer positibong ASG

KOMPIRMADONG miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) ang naarestong drug den maintainer ng Quezon City Police District (QCPD) noong Setyembre 16, 2016 sa Culiat Salaam Compound, Tandang Sora ng nasabing lungsod. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guilermo Lorenzo T. Eleazar, si Juriad Sahiddun, gumagamit ng maraming alyas, ay kabilang sa 145 drug personalities na inaresto kamakailan ng mga operatiba …

Read More »

Misis at lover huli sa akto ni mister

SAN ANTONIO, Quezon – Kalaboso ang isang misis at kanyang lover makaraan mahuli sa akto ni mister habang nagtatalik sa isang motel sa bayang ito kamakalawa. Sa ipinadalang report ng San Antonio PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Antonio Candido Yarra, OIC Acting Provincial Director, dakong 10:30 pm nagsadya sa himpilan ng Pulisya ang biktimang nagngangalang …

Read More »

2 Tokhang surenderee itinumba sa Kyusi

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak na nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang ng Quezon City Police District (QCPD), makaraan pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lungsod. Sa ulat ng QCPD Batasan Police Station 6, dakong10 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo si Jobert Lozada, habang naglalakad sa Molave St., Brgy. Payatas Habang si Igmidio Fernandez, 44, …

Read More »

199 adik dadalhin sa rehab

AABOT sa 199 residenteng napatunayang lulong sa ilegal na droga na una nang sumuko sa pamahalaan sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ang ipare-rehabilitate at sasagutin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang gastos sa rehabilitasyon. Sinabi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, ipadadala ang 199 drug dependents sa Central Luzon Drug Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga.  Tatagal ang rehabilistasyon sa loob …

Read More »

Sampaguita vendor, 1 pa patay sa buy-bust

PATAY ang isang sampaguita vendor at kanyang live-in partner na hinihinalang tulak ng shabu, makaraan lumaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Zaldy Alvarez, 50, at Gloria de Guia, 40, kapwa residente ng Aleda Street, Brgy. 226, Zone 21, Tondo, Maynila. Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay kasama …

Read More »

Masahista itinumba

PATAY ang isang lalaking masahista makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Payatas, Quezon City. Malapitang pinagbabaril ang masahistang si Herman Cunanan ng mga suspek pasado 10:00 pm nitong Martes. Pauwi na sana si Cunanan mula sa trabaho kasama ang partner na si “Alfred” nang maganap ang insidente. Ayona kay Alfred, wala siyang alam …

Read More »

Kompirmado! Barangay elections kanselado

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na unang itinakda ngayong ika-31 ng Oktubre. Sa press briefing sa palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Ana Marie Banaag na hinihintay na lang nila ang kopya nang nalagdaang batas. Ito ang kauna-unahang Republic Act na pinirmahan ni Pangulong Duterte simula …

Read More »

Buang sa shabu delikado — Palasyo (QRF ng DoH gagastusin sa mental health)

NAALARMA ang Malacañang sa paglobo ng bilang ng mga nabuang dahil sa shabu kaya itinuturing ito ng administrasyong Duterte na emergency situation kaya ginamit ang Quick Response Funds ng Department of Health (DOH). “The fund is actually used for any public health emergency and the surrenderees that we have now is considered a public health emergency. It’s a mental health …

Read More »

Status quo ante order pinalawig (Sa Marcos burial)

MULING pinalawig ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order sa planong paghihimlay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay SC spokesperson, Atty. Theodore Te, nagpasya ang mga mahistrado na muling palawigin hanggang Nobyembre 8 ang status quo ante order para sa Marcos burial. Aniya, kamakalawa pa lamang umikot sa mga mahistrado …

Read More »

PH war on drugs nais gayahin ng karatig bansa sa Asya

NAIS gayahin ng mga bansa sa Asya ang istilo ng Filipinas sa kampanya kontra ilegal na droga. Nalaman ito ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa nang magsama-sama ang mga hepe ng pulisya ng ASEAN sa anibersaryo ng Royal Thai Police noong nakaraang Linggo. Sinabi ni Dela Rosa, nape-pressure na ang hepe ng pulisya ng Indonesia dahil sinasabihan siya …

Read More »

Killer ng ex-wife ni Kerwin pinatay kasabay ng B-day (Kasabwat ni Kerwin sa UAE tinutukoy)

CEBU CITY – Patay ang isa sa itinuturong mga suspek sa pagpatay sa dating misis ni Kerwin Espinosa na si Analou Llaguno. Kinilala ang napatay na si Michael Lendio, 41, residente sa Brgy. Duljo Fatima, Cebu City. Ayon kay PO3 Cristobal Geronimo, imbestigador ng Homicide Section ng Cebu City Police Office, nag-iinoman ang biktima at mga kaibigan upang ipagdiwang ang …

Read More »

Lawin supertyphoon — foreign agencies

NASA supertyphoon category na ang bagyong Lawin kung pagbabatayan ang pagtala ng foreign weather agencies. Sa tala ng The Weather Channel sa Amerika, umaabot na sa 220 kilometers per hour (kph) ang lakas ng hangin ng typhoon Lawin (international name Haima). Ito ay  katumbas na ng Category 4 na hurricane dahil nasa pagitan 210kph hanggang 249 kph na kategorya. Ang …

Read More »

Sasakyan ng security ni Sec. Aguirre binaril

BINARIL ang sasakyan ng close in security ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Taliwas sa unang impormasyon, nilinaw ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, hindi ang bahay ni Aguirre ang binaril kundi ang pribadong sasakyan ni Senior Inspector Recaredo Sarmiento Marasigan. Nagmamaneho sa expressway si Marasigan nang maramdaman niya na may tumama sa kanyang sasakyan. Inakala niyang may bumato lamang sa kanyang …

Read More »