Monday , December 23 2024

Masonry Layout

3 katao natabunan ng lupa sugatan (Sa Mt. Province)

BAGUIO CITY – Sugatan ang tatlong obrero makaraan matabunan nang gumuhong lupa sa Sitio Finew, Samoki, Bontoc, Mountain Province kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Nestor Magkachi Manochon, 60; Calsiman Chonchonen Ofo-ob, 19; at James Fomocao Challoy, 52, pawang mga residente ng Bontoc, Mt. Province. Batay sa inisyal na imbes-tigasyon ng pulisya, inilalagay ng mga biktima ang pundas-yon ng itinatayong …

Read More »

2 bata patay, 2 sugatan sa Basilan blast

ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang dalawang batang lalaki at dalawa ang sugatan makaraan sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa munisipyo ng Albarka sa lalawigan ng Basilan kamakalawa. Base sa inilabas na ulat ng 104th Brigade ng Philippine Army sa Basilan, kinilala ang mga namatay na sina Hamodi Anali, 10, at si Alkodri Anali, 8-anyos. Habang ang …

Read More »

Truck helper naipit sa van at pader todas

PATAY ang isang 22-anyos truck helper makaraan maipit sa pagitan ng van at konkretong pader nang biglang umatras ang nasabing sasakyan na kanilang itinutulak kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Reynaldo Quirao ng LRT Landasca St., Caloocan City. Ayon kay  PO2 Joseph Provido, dakong 10:50 pm nang maganap …

Read More »

Trike driver dedo sa boga

BUMULAGTANG walang buhay ang isang 40-anyos tricycle driver na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Tondo, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jonathan Bandojo, 40, miyembro ng Commando gang, at residente ng 301 Santiago Street, Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, dakong 11:10 …

Read More »

Magkompareng tulak utas sa shootout

KAPWA patay ang magkompareng tulak ng shabu makaraan lumaban sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa St. Mary’s Village, Brgy. Caysio, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Lester Bantoto y Quintos, at Carl Iban Pingol y Centeno, mga residente ng Block 48, Lot 3, Northville 5A, Brgy. Caysio ng nasabing bayan. …

Read More »

11 Chinese kinasuhan sa online gambling

SINAMPAHAN ng kasong illegal gambling/online betting sa Makati City Prosecutor’s Office ang 11 Chinese national na naaresto sa pagsalakay kamakailan ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium ng lungsod. Ang mga suspek na nakapiit sa detention cell ng RPIOU ay kinilalang sina Chen Jinying, 25; Huang Liangfa, …

Read More »

Nilayasan ng dyowa, kelot nagbigti

NAGBIGTI ang isang 37-anyos lalaki makaraan layasan ng kanyang live-in partner sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Ronald Dalisay, residente sa Gov. Pascual St., Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Sa salaysay ng saksing si Justine Fuentes kina PO3 Alexander Dela Cruz at PO2 Roldan Angeles, dakong 7:30 pm, pumunta siya sa bahay ng biktima …

Read More »

Traffic auxiliary tigbak sa truck

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang 44-anyos skyway traffic auxiliary nang mabundol at masagasaan ng isang truck habang nagmamando ng trapiko sa San Andres, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Ricardo Fullece, 44, residente sa Buli, Muntinlupa City. Agad sumuko makaraan ang insidente ng suspek na si Marjoe Marabe, 36, driver, at …

Read More »

Kerwin, Dayan, Espenido magkakasalungat (May sinungaling — Drilon)

NAKAKITA ng mga palatandaan ng “fabrication” ng testimonya si Sen. Franklin Drilon sa pagtatanong niya kina Kerwin Espinosa, Ronnie Dayan at Chief Insp. Jovie Espenido sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa. Nagsasalungatan ang pahayag ng tatlo kung sino ang nagpakilala sa isa’t isa upang maging bahagi ng transaksiyon sa drug money. Giit …

Read More »

Hirit ni Pacquiao contempt Dayan (Statement paiba-iba)

ISINULONG ni Sen. Manny Pacquaio na i-contempt si Ronnie Dayan. Ayon kay Pacquiao, hindi siya kontento sa mga paiba-iba at kulang na mga impormasyong ibinibigay ni Dayan sa mga senador. Dagdag ng fighting senator, kahit anong sagot ang gawin ni Dayan ay nakukulangan siya sa mga sinasabi sa pagdinig. Sinang-ayonan ni Sen. Vicente Sotto ang mosyon ni Pacquiao at sinabi …

Read More »

Bato, De Lima nagkainitan

NAGKAINITAN sa pagdinig ng Senado sina Sen. Leila de Lima at PNP chief Director General Ronald dela Rosa. Nag-ugat ito sa tanong ni De Lima ukol sa nag-utos kay Dela Rosa para i-reinstate si Supt. Marvin Marcos sa puwesto sa kabila nang pagkakaugnay ng opisyal sa isyu ng ilegal na droga. Iginiit ng PNP chief, nagsalita na sa isyung ito …

Read More »

Leni pormal na nagbitiw sa HUDCC

PORMAL nang inihain ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang resignation bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Sa kanyang sulat para sa Pangulo, sinabi ni Robredo, ang direktiba ni Duterte na huwag na siyang dumalo sa lahat ng Cabinet meetings ay nangangahulugan na imposible na niyang magawa ang trabaho bilang pinuno ng …

Read More »

Hidwaang’ Rody vs Leni irreconcilable — Palasyo

INIHAYAG ni Communications Sec. Martin Andanar, kahit galing sa kalabang partido, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa kanyang official family at ginawang alter ego para isulong ang kapakanan ng taongbayan. Ayon kay Andanar, bilang miyembro ng gabinete, inaasahang magiging team player si Robredo at ang lahat ng pagkakaiba sa polisiya at isyu ay tinatalakay sa …

Read More »

Evasco ipinalit kay Robredo

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. bilang bagong housing czar kapalit ni Vice President Leni Robredo. “President Rodrigo Duterte just appointed CABSEC Jun Evasco to head HUDCC. This is on top of Sec Evasco’s current job responsibilities,” ani Communications Secretary Martin Andanar sa text message sa Palace reporters kahapon. Nauna rito’y inihayag ni Andanar na …

Read More »

Resignation ni Leni tama lang

TAMANG desisyon ang ginawa ni Vice President Leni Robredo na magbitiw sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte. Banggit ni Dinagat Island Rep. Kaka Bagao, suportado niya ang hakbang ni Robredo dahil patunay ito sa paninindigan ng bise presidente sa kanyang mga ipinaglalaban. Samantala, hindi ikinagulat ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora ang pagbibitiw ni Robredo sa gabinete ni Duterte. Aniya, inaasahan …

Read More »

Drug lord na supplier ni Kerwin sumuko

BOLUNTARYONG sumuko sa PNP ang isa pang hinihinalang drug lord na supplier ni Kerwin Espinosa, kay PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa Kampo Crame. Kinilala ni Dela Rosa ang suspek na si Lovely Impal Alam. Ginawa ni Dela Rosa ang pag-amin sa pagsuko ni Lovely sa pagdalo niya sa Senate hearing kaugnay sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor …

Read More »

“Aksyon Lady” ng Philippine broadcasting nag-resign sa ABS-CBN

TULUYAN nang nagbitiw si Kaye Dacer, matapos ang  19-taon serbisyo, sa isa sa pinakamalaking network sa ating bansa, ang ABS-CBN. Nagpaalam ang Aksyon Lady ng DZMM Aks’yon Ngayon nitong Biyernes, 2 Disyembre, sa kaniyang programa na kasama niya si Julius Babao, bilang co-anchor. Noong nakaraang buwan, nagpaalam si Kaye sa pamunuan ng DZMM na siya ay magre-resign na dahil sa …

Read More »

PNoy et al panagutin sa korupsiyon (Hirit ng youth group kay Digong)

NANAWAGAN ang makakaliwang grupo ng mga kabataan na Anakbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipursige ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga opisyal ng administrasyong Aquino upang hindi magtagumpay ang Liberal Party na agawin ang kapangyarihan. Sa kalatas, sinabi ni Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo, ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo sa gabinete ni Duterte ay maaaring bahagi ng …

Read More »

Libreng med school, telemedicine ng Medgate PH (Sagot sa kakulangan ng doktor)

SA gitna ng halos isang milyong kakulangan sa doktor upang pagsilbihan ang papalaki pang populasyon ng bansa na mahigit sa isandaang milyon na sa kasalukuyan, itinutulak ngayon ang pagsasabatas ng panukalang magbibigay ng scholarship sa mga estudyante ng medisina at telemedicine services upang masiguro na naaabot ng agarang serbisyong medikal ang bawat mamamayan sa bansa. Matapos ipadala ni Pangulong Rodrigo …

Read More »

Leni sinibak sa gabinete ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang miyembro ng kanyang gabinete. Kinompirma kagabi ni Communications Secretary Martin Andanar na totoo ang inihayag ni Robredo sa kanyang kalatas na inabisohan ang bise presidente sa direktiba ni Pangulong Duterte na huwag na siyang dumalo sa mga pagpupulong ng gabinete simula ngayon, 5 Disyembre. Kahapon ay sinabi ni Robredo …

Read More »

Jack Lam tinutugis ng PNP

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director Gen. Ronald dela Rosa ang nationwide manhunt operation laban sa negosyanteng si Jack Lam na ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay dela Rosa, dahil sa “bribery at economic sabotage” kaya nais ng pangulo na madakip ang negosyanteng siyang operator ng online gaming sa Fontana, Clark, Pampanga. Kasabay nito, umapela ang PNP …

Read More »

Jack Lam puwedeng arestohin – Aguirre (Kahit wala pang kaso)

INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, hindi mapipigilan ang pag-aresto sa gaming tycoon na si Jack Lam kahit wala pang isinasampang kaso laban sa kanya. Kasabay nito, idinepensa ni Aguirre ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestohin si Lam, makaraan maaresto ang 1,316 undocomunted Chinese workers sa kanyang casino. Nais ng pangulo na maaresto si Lam dahil sa bribery …

Read More »

Testigo sa link ni Kerwin kay Leila haharap sa senado (Sa illegal drug trade)

KINOMPIRMA ni Senator Panfilo Lacson, haharap ngayong araw sa pagdinig ng Senado ang isang testigo, magpapagpatunay na nasa Baguio si Kerwin Espinosa noong 19 Nobyembre 2014 at nakipagkita kay dating justice secretary at ngayon ay Sen. Leila De Lima. Ang nasabing testigo ang magpapatunay na talagang nag-check in sa isang hotel sa Baguio ang top drug lord ng Eastern Visayas …

Read More »

Erap hiniling kastigohin ni Digong (Sa bentahan ng Rizal Memorial Sports Complex)

NANAWAGAN ang mga nagmamahal sa kasaysayan at lungsod ng Maynila kay Pangulong Rodrigo Duterte isalba ang Rizal Memorial Sports Complex sa planong pagbebenta ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada para gawing mall. Ilang pirma na lang ang kailangan para umabot sa 7,500 lagda ay maisusumite na ng change.org ang petisyon na “Save Rizal Memorial Sports Complex” kay …

Read More »