Pa­nukalang batas ipasa

Nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang batas na mag­ta­tatag ng Department of Disaster Management bilang pagbibigay prayo­ridad sa pangangalaga sa kalikasan.

Hinimok din niya ang Kongreso na ipasa ang batas na tutuldok sa kontraktuwalisasyon.

Nais din niyang mag­pasa ng batas na magta­tayo ng Coconut Farmers Trust Fund.

Ipinamamadali rin ng Pangulo sa Kongreso ang reporma sa pag-aangkat ng bigas mula sa quota system na papalitan ng tariff system upang maging mas madali ang rice importation.