Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Police asset tinortyur ng pulis-Valenzuela

NAKARANAS ng torture ang dating police asset na inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station, sinasabing tatlong beses inilalabas sa detention cell pagsapit ng madaling araw para pahirapan. Ito ang ipinagtapat ni Gideon Roldan, inaresto kamakailan ng mga pulis sa kanilang bahay sa Gumamela Extension, Brgy. Gen. T. De Leon dahil sa hinalang pagtutulak ng ilegal na droga. Aniya, …

Read More »

Ouster plot vs Aquirre pakana ng sindikato sa CEZA at PAGCOR

SA isang confidential meeting, isisiwalat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Pangulong Rodrigo ang nabuko niyang sindikato sa Cagayan Economic Zone Authority at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na nagpapakana na patalsikin siya sa puwesto gamit ang Jack Lam bribery scandal. Ito ang inihayag ni Aguirre sa isang radio interview ngunit ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi niya …

Read More »

Marcos, 22 pa sumalang sa PI sa DoJ (Sa pagpatay kay Mayor Espinosa)

BINIGYAN ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang respondents sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa nang hanggang 23 Enero 2017 para magsumite ng kanilang kontra-salaysay. Una rito,  sumalang  sa  preliminary  investigation  ng  panel of prosecutors ng DoJ ang mga miyembro ng Criminal Inveatigation and Detection Group Region 8 (CIDG-8) at Maritime Police na kinasuhan ng …

Read More »

Cash gifts sa PNP mula kay Duterte ‘di na tuloy — Gen. Bato (Pera naging bigas)

KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, hindi na matutuloy ang cash gifts na ibibigay sana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa matataas na mga opisyal ng PNP. Inianunsiyo ito ni Dela Rosa sa isinagawang turn-over of command sa PNP Logistics Support Service (LSS). “Gusto ko sanang mag-share sa inyo kung meron akong natanggap kasi akala ko meron akong …

Read More »

Pasko posibleng may bagyo — PAGASA

MALAKI ang posibilidad na makaranas ng mga pag-ulan sa darating na weekend. Ito ang sinabi ni PAGASA forecaster Aldczar Aurelio dahil sa inaasahang low pressure area (LPA) na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Tinatayang makaaapekto ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Kung magiging ganap na bagyo, tatawagin ito bilang tropical depression “Nina.” Habang ang malaking bahagi …

Read More »

Ex-GM Uriarte humirit ng piyansa, house arrest (Sa PCSO case)

HINILING ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte sa Sandiganbayan na ilagay siya sa house arrest at makapagpiyansa dahil sa lagay ng kanyang kalusugan. Si Uriarte ang tinaguriang “missing link” sa plunder case ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa sinasabing maling paggamit ng P366 milyon intelligence funds ng PCSO na nauna nang na-dismiss ng Korte …

Read More »

Tuition fee libre sa SUCs, ibang bayarin hindi (Sa 2017) — Palasyo

CHED

INILINAW ng Malacañang kahapon, tanging tuition o matrikula lang ang libre sa state universities at state colleges sa susunod na taon. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, babayaran pa rin ang miscellaneous fees ng mga estudyante sa kanilang pag-enrol sa mga paaralang pampubliko. Ayon kay Abella, ang mahigit P8.3 bilyon alokasyon o dagdag sa budget ng Commission on Higher Education …

Read More »

P150-K balikbayan boxes tax-free na

LALONG magiging masaya ang Pasko ng mga tinaguriang “bagong bayani” o ang overseas Filipino workers (OFWs) dahil tax-free na simula sa 25 Disyembre ang balikbayan boxes na may laman na nagkakahalaga ng P150,000 pababa. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Bureau of Customs (BoC) Spokesman Neil Estrella, tapos nang plantsahin ng BoC at Department of Finance ang “implementing rules …

Read More »

Abogado, bodyguard patay sa ambush

dead gun police

PATAY ang isang abogado at kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang idinaraos ang Simbang Gabi sa Brgy. Poblacion, San Pablo, Isabela nitong Martes ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Atty. Arland Castañeda ng Brgy. Binguan, habang agad binawian ng buhay sa insidente ang hindi pa nakikilalang bodyguard. Naganap ang pamamaril dakong 4:00 am. …

Read More »

Preso pumuga sa Bilibid

nbp bilibid

MASUSING iniimbestigahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagtakas  ng isang preso mula sa minimum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang nakapugang preso na si Nolan Cano y Navarro, 41, ng Casoy St., Verdant Acres Subdivision, Brgy. Pamplona 3, Las Piñas City. Sentensiyado si Cano ng 10-17 taon pagkabilanggo …

Read More »

Janitor nagbigti sa selos sa dyowa

PATAY na nang matagpuan ang isang 29-anyos janitor habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Natagpuan ng kanyang tatay na si Oscar Cruz Jr., ang biktimang si Oscar Cruz III habang nakabigti sa kanilang bahay sa Maria Guizon St., Tondo dakong 5:30 am, ayon sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District …

Read More »

3 minero nalunod sa mining pit (Sa CamNorte)

NAGA CITY – Nalunod ang tatlong minero sa sa mining pit sa Labo, Camarines Norte kamaka0lawa. Kinilala ang mga biktimang sina Florentino Mallanes, 47; Joel Cena, 36, at Mark Alvin Echano, 22-anyos. Napag-alaman, sinusubukan ng tatlo na iahon mula sa abandonadong mining pit ang equipment na ginagamit sa pagmimina. Ngunit habang nasa ilalim sila ng hukay ay biglang bumuhos ang …

Read More »

2 patay, 8 sugatan sa ratrat ng tandem sa Bacolod

gun shot

BACOLOD CITY – Dalawa ang patay habang walo ang sugatan sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Bacolod City kahapon ng madaling araw. Pasado 12:00 am nang pagbabarilin sa Brgy. 28 ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang mga empleyado ng isang sikat na kainan sa lungsod. Agad binawian ng buhay sa insidente si Edwin Despi habang …

Read More »

3 drug suspect patay sa Oplan Galugad (3 arestado)

shabu drugs dead

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis habang tatlo ang naaresto sa Oplan Galugad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni S/Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang isa sa mga namatay na si Michael Fronda, 26, fish vendor, taga-Ignacio Compound, Lupang Pangako, Brgy. 162, Sta. Quiteria habang …

Read More »

Misis pinatay, mister kritikal sa suicide-try

knife saksak

KORONADAL CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang misis nang saksakin ng kanyang mister na kritikal ang kalagayan sa pagamutan nang tangkang magpakamatay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente habang mahimbing na natutulog ang kanilang 4-anyos anak. Nag-ugat ang away ng mag-asawa dahil sa matinding selos ng mister na …

Read More »

2 mayor, solon tinukoy ni Digong (Sa narco-list)

TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng tatlong politiko na high-profile personalities sa illegal drugs industry sa bansa. Sa kanyang talumpati kahapon sa Palasyo, tinukoy niya sina dating Iligan Mayor Lawrence Cruz, Mayor Willie Lim ng Luagit, Misamis Oriental at dating Iligan Rep. Vicente Belmonte. Ang tatlong politiko ay kasama sa mahigit 4,000 taong-gobyerno na nasa narco-list ng Pangulo. …

Read More »

Bayan sa Cotabato sinalakay ng daga at black bug

KORONADAL CITY – Isinailalim sa “state of calamity” ang bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ito ay dahil sa malawakang pinsala sa mga pananim bunsod ng pamemeste ng mga daga at black bug. Napag-alaman, siyam barangay sa naturang bayan ang apektado ng pamemeste at umabot sa P11.4 milyon ang danyos sa agricultural crops sa 500 ektaryang lupain. Sa lawak ng pinsala, …

Read More »

P90-M cocaine narekober sa Albay sea

LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang 18 bricks ng cocaine makaraan narekober sa karagatan na Brgy. Sogod, Tiwi, Albay. Tinatayang aabot sa P90 milyon ang halaga ng cocaine, na milyon  ang halaga ng bawat brick na umabot sa 18, ayon sa PDEA. Nalambat ito ng dalawang mangingisda sa karagatan ng nasabing lalawigan. Ayon kay Bicol police …

Read More »

Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)

INIREKOMENDA ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumalilalim sa medical examination at ispubliko ang ano mang magiging resulta nito. Ito ay makaraan aminin ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng matinding uri ng painkiller dahil sa pananakit na kanyang nararamdaman. Magugunitang kamakailan, isinapubliko ng Pangulo na dati siyang umiinom ng gamot na kadalasang inirereseta sa mga may sakit …

Read More »

Major reshuffle sa Immigration plano ni Aguirre

KASUNOD nang pagsibak sa puwesto sa dalawang Immigration associate commissioners dahil sa isyu ng bribery, plano ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na magpatupad ng balasahan sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi ng justice chief, pinag-aaralan niyang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng total overhaul sa kawanihan. Hayagang sinabi ng kalihim ang plano niyang malawakang balasahan sa mga …

Read More »

‘Little drummer boy’ dinukot sa Sampaloc (Estudyante patay sa Christmas lights)

TINANGAY ng isang hindi nakilalang babae ang isang 8-anyos batang lalaki habang mag-isang nagka-carolling sa Sampaloc, Maynila nitong Sabado ng gabi. Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Women and Children’s Protection Unit (WCPU), para matunton ang kinaroroonan at mailigtas ang biktimang si John Ren Manzano, residente sa Algeciras St., Sampaloc, sakop ng Brgy. 450, Zone …

Read More »

Dinner na lang tayo sa Pasko (Imbitasyon ni Digong sa ASG)

NAKIKIUSAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kalaban ng estado, kabilang ang mga teroristang Abu Sayyaf, na isantabi muna ang pakikipaglaban ngayong holiday season. Sinabi ni Pangulong Duterte, hangad niyang magkaroon nang mapayapang selebrasyon ng Pasko at saka na lang ituloy ang labanan pagkatapos. Ayon kay Pangulong Duterte, nakahanda siyang manlibre ng dinner sa mga Abu Sayyaf sakaling mapadaan sa …

Read More »

8 sa 10 Pinoys takot mamatay sa drug war — SWS

shabu drugs dead

WALO sa bawat 10 Filipino ang nangangambang mabiktima sila ng talamak na patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations. Sinabi ng 78 porsiyento ng 1,500 respondents mula 3-6 Disyembre, nangangamba sila o sino mang kakilala nila ang mamatay bunsod ng kampanya laban  sa droga. Ang nalalabing 10 porsiyento …

Read More »

‘Di nasiyahan sa war on drugs ipokrito — PNP chief

TINAWAG na ipokrito ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga hindi nasisiyahan sa kampanya kontra droga ng gobyerno. Reaksiyon ito ni Dela Rosa makaraan ilabas ng SWS ang survey na nagsa-sabing 85 porsiyento ng kanilang mga tinanong ay kontento sa anti-drug campaign ng PNP habang walong porsiyento ang mga hindi natutuwa at pitong porsiyento ang “undecided.” Ayon …

Read More »