POSIBLENG hindi mag-landfall ang bagyong Bising. Ayon kay PAGASA Forecaster Samuel Duran, ito ay dahil kumikilos ang bagyo palayo ng bansa. Huling namataan ang tropical depression sa la-yong 410 km, silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph, at pagbugso na 55 kph. Kumikilos ito pa-hilaga, hilaga kanluran, sa bilis na 11 kph. …
Read More »Masonry Layout
Bebot timbog sa shabu
KALABOSO ang isang 29-anyos babae, makaraan mahulihan ng shabu sa loob ng condom, sa gate ng Caloocan City Jail, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ellen Añasco, residente sa M. Ponce St., Brgy. 132, Bagong Barrio, ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat ng Caloocan City …
Read More »6 tiklo sa Oplan Galugad
ARESTADO ang anim kalalakihan, makaraan maaktohan habang umiinom sa tabi ng kalsada, sa ikinasang Oplan Galugad ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nakapiit ngayon sa MPD PS 6, ang naarestong sina Jericho Acosta, 26; Joshua Cruz, 26; Kevin Razon Chui, 24; Arjay Malhabaour, 24; Orlando Nicanor, 32, at Wilson Potente, 47-anyos. …
Read More »GRP, NDFP duda na sa isa’t isa
LUBOS na nababahala ang Palasyo sa serye nang pag-atake at pandarahas na umano’y kagagawan ng New People’s Army (NPA) sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Duda ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, posibleng ilan sa pinuno ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kasama sa peace talks ay hindi ganap na kontrolado ang mga puwersang …
Read More »Sanggol patay, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas
PATAY ang isang sanggol habang dalawa ang sugatan makaraan matupok ang mahigit 100 bahay sa Las Piñas City nitong Lunes ng hapon. Sa naantalang ulat ni FO3 Joel Pascua ng Las Piñas Bureau of Fire Protection, kinilala ang namatay na si Christian Jay Awitin, isang taon gulang, naiwanan sa loob ng nasusunog nilang bahay. Habang sugatan sina Ronaldo Lamanilao, 50, …
Read More »China hinikayat ni Duterte magpatrolya (Gaya sa Somalia, Malacca Strait at Sulu Sea proteksiyonan)
INANYAYAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na magpatrolya sa international seas, ang hangganan ng Malaysia, Indonesia at Filipinas, upang masugpo ang kidnapping at piracy, na nagdudulot nang pagtaas ng presyo ng serbisyo at bilihin sa buong mundo. “I also asked China. If they can patrol the international waters without necessarily intruding into the territorial waters of countries, we would …
Read More »No killings ikinagulat ng Senado
NAHIHIWAGAAN sina Senador Panfilo Lacson at Senadora Leila De Lima, dahil walang naitalang vigilante killings, at walang napatay ng riding-in-tandem sa buong magdamag, makaraan tanggalin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang “Oplan Tokhang” at buwagin ang anti-illegal drugs group sa PNP. Nagulat si Lacson nang tanungin ng mga mamamahayag sa Senado kung ano …
Read More »SC nag-isyu ng protection order sa Tokhang family victim
NAG-ISYU ang Supreme Court (SC) ng temporary protection order (TPO), para sa pamilya ng apat drug suspect na napatay sa isinagawang “Oplan Tokhang” sa Payatas, Quezon City, noong nakaraang taon. Sa naturang kaso, pinangalanan bilang respondent ang PNP sa pangunguna ni Director General Ronald Dela Rosa, Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, at QCPD Station 6 …
Read More »US walang arms depot sa PH — Envoy
ITINANGGI ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagtatayo ng arms depot ang tropa ng Amerika sa bansa. Iginiit ni Kim, ang ginagawang pasilidad ng US forces sa Filipinas ay para paglagakan ng mga equipment sa disaster response. Ayon sa US envoy, hindi maaaring magtayo ng ano mang pasilidad ang Amerika sa …
Read More »Internal cleansing tututok sa nasibak at nagbalik (Sa PNP)
UNANG pupuntiryahin ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa giyera kontra scalawags sa hanay ng PNP, ang mga tiwaling pulis na natanggal ngunit nakabalik sa serbisyo. Ito ay kaugnay sa malawakang internal cleansing na ilulunsad ng Pambansang Pulisya, nang masangkot ang ilang mga pulis sa pagkidnap at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-joo. Ang sindikato ng mga tiwa-ling …
Read More »NBI, PDEA muna sa illegal drugs ops
IPINAUUBAYA ng Philippine National Police (PNP) sa National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang operasyon laban sa ilegal na droga. Ito’y makaraan iutos ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, na itigil muna ng mga pulis ang ‘Oplan Tokhang’ at binuwag ang anti-illegal drugs units sa PNP. Sinabi ni PNP spokesman, Senior Supt. Dionardo …
Read More »Probe vs pekeng tax stamps sa yosi palalawakin
IKINAGALAK ng mga mambabatas, sa pangunguna ng chairman ng House committee on ways and means, ang pinalawak na imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sa paggamit ng pekeng tax stamps sa sigarilyo. Sakop nang pinalawig na imbestigasyon ang lahat ng manufacturers at importers, kabilang ang “banyagang kompanyang” Philip Morris FortuneTobaco Corporation (PMFTC). Sinabi nina Quirino Rep. Dax Cua, ABS …
Read More »OFWs na nakakulong iimbentaryohin
INATASAN ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang lahat ng labor attachés sa iba’t ibang bansa, na magsagawa ng imbentaryo sa nakakulong na overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga nahatulan ng bitay, at palakasin ang pagbibi-gay ng tulong sa kanila. “Inatasan ko sila na magsagawa ng kompletong imbentaryo ng mga nakakulong na OFW, lalo na iyong nahatulan ng …
Read More »Caloocan City hall drug free na
ITINURING na drug free na ang Caloocan City Hall makaraan paalisin ang mga empleyadong nagpositibo sa random drug testing sa iba’t ibang departamento nito. Sa emergency meeting ng Caloocan Anti-Drug Abuse Council (CADAC), sinabi ni Mayor Oscar Malapitan, ang paglilinis sa hanay ng mga empleyado ang dapat unang mangyari upang sumunod ang lahat ng mga negosyo at mga barangay sa …
Read More »Binawian ng motorsiklo, kelot nagbigti (Hindi nakapaghulog ng bayad)
NAGBIGTI ang 26-anyos lalaki nang bawiin ng kompanya ang motorsiklong matagal niyang hinuhulugan sa Zamboanga del Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Danny Orot Capisnon, residente ng Brgy. Ramon Magsaysay Salug, ng nasabing lalawigan. Pahayag ng live-in partner ng biktima na Jerryl Pakira Pandak, 22, dumanas nang matinding depresyon si Capisnon, posibleng naging dahilan ng pagpapakamatay. Aniya, hindi na nakabayad …
Read More »Siklista utas sa motorsiklo
PATAY ang isang 47-anyos factory worker makaraan bumangga sa motorsiklo ang sinasak-yan niyang bisikleta kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Hindi na umabot nang buhay Valenzuela Medical Center ang biktimang si Teodoro Gepolongca, residente sa Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa, ng lungsod. Habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek si Joe Wennie Logronio, 49, ng Malibong …
Read More »7 katao dinampot sa cara y cruz
PITONG kalalakihan ang dinampot ng pulisya nang ma-tiyempohan habang naglalaro ng cara y cruz sa tabi ng kalsada sa Tondo, Maynila kahapon. Nakapiit sa Manila Police District Station 1, ang mga suspek na sina Jonald Postrero, 23; Donnis Espino, 24; Eugene Tayag, 40; Milandro Guerrero, 30; Salvador Martinez, 48; Jimmy Traso, 36; at Mavin Etang Capinding, 31, pawang ng nasabing …
Read More »4 tulak laglag sa parak
BAGAMA’T binuwag na ang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP), arestado sa mga awtoridad ang apat katao, kabilang ang isang babae, sa anti-drug operation sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) Chief Insp. Timothy Aniway, Jr. ang mga suspek na sina Thomas Ang, Jr., 35; Jinky Montebon, 30; Dominico Balat, …
Read More »Bati ng Palasyo: Congrats Miss France, good job Miss Phililippines
MAINIT ang pagbati ng Malacañang kay Miss France Iris Mittenaere, bilang bagong Miss Universe. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, labis ang kasiyahan at pagdiriwang ngayon ng mamamayan ng France, at maituturing na “proud moment” ito ng kanilang bansa. Ayon kay Abella, hindi lamang napanalunan ni Iris ang desisyon ng judges, kundi maging ang pagmamahal ng buong mundo. Kasabay nito, …
Read More »Iris Mittenaere ng France Miss Universe 2016 (Maxine Medina, top 6)
ITINANGHAL bilang bagong Miss Universe ang pambato ng France na si Iris Mittenaere. Nangibabaw ang ganda at talino ng 23-anyos tubong Lille, France mula sa 86 kandidata na su-mabak sa 65th Miss Universe pageant. First Runner-up ang pambato ng Haiti na si Racquel Pelissier, habang second runner-up si Miss Colombia Andrea Tovar. Naging mahigpit ang laban nina Miss France at …
Read More »‘Oplan Ahos’ kontra PNP scalawags
PAGPUPURGA sa kanilang hanay na mistulang “OPLAN Ahos” sa kilusang komunista noong dekada ‘80, ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) upang malinis sa scalawags ang pambansang pulisya. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PNP ang pinakatiwaling organisasyon sa pamahalaan, nasa kaibuturan na ng kanilang sistema ang korupsiyon. “Kayong mga pulis, kayo talaga ang pinaka-corrupt. That’s why I said when …
Read More »Digong tumutol maging arms depot ng US (PH para ‘di maging willing victim)
PUMALAG si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng Amerika na gawin lunsaran ng giyera ang Filipinas kontra China. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, nagbabala si Pangulong Duterte sa US, ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag itinuloy ang plano na mag-imbak ng mga armas pandigma sa bansa, kasama ang mga armas nukleyar. “They are unloading arms in …
Read More »2 kelot sa labas ng Miss U venue inaresto
INARESTO ng mga pulis ang dalawang lalaking kahina-hinala ang kilos, sa labas ng venue ng Miss Universe pageant sa (MOA) Arena sa Macapagal Avenue, Pasay City, kahapon. Kinilala ang mga inaresto na sina Hansel Hayag, at Jonathan Gutierrez. Namataan paikot-ikot si Hayag sa paligid ng coronation venue at nakuha mula sa mga gamit niya ang isang wig. Katuwiran ni Hayag …
Read More »Pinoy TNT sa US bahala si Trump
HINDI kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tinaguriang “tago nang tago” (TNT) o ilegal ang pananatili sa Amerika, maaaring tamaan ng bagong immigration policy ni US President Donald Trump. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, binigyan diin ng Pangulo, bilang respeto sa patakaran sa hindi pakikialam ni Trump sa kanyang drug war, iginagalang niya ang …
Read More »Condom laglag sa DepEd
HINDI papayagan ng Department of Education (DepEd), ang pamamahagi ng condoms ng Department of Health (DoH), sa senior high school students, binig-yang-diin ito ni Education Secretary Leonor Briones kahapon. Aniya, inabisohan niya si Health Secretary Paulyn Jean Ubial hinggil sa kanilang pagtutol sa nasabing hakbangin. Ayon kay Briones, hindi maaaring suportahan ng DepEd ang pamamahagi ng DoH ng contraceptives, naglalayong …
Read More »