TINIYAK ng militar, wala nang kakayahan ang mga teroristang grupo na ulitin sa ibang lugar ang ginawang pag-atake sa Marawi City. Sa press briefing kahapon, sinabi ng militar, natapyasan nang husto ng mga tropa ng pamahalaan ang kapabilidad ng mga teroristang grupo kaya hindi na uubra na makapaghasik pa sila ng lagim, lalo sa Cagayan de Oro City at Iligan …
Read More »Masonry Layout
Koreano nagbigti sa condo
NAGBIGTI ang isang negosyanteng Korean national sa tinutuluyang condominium sa Taguig City, nitong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Hwan Chul Jung, 52, ng Unit 1207, 12th Floor Ridgewood Tower, Brgy. Ususan, ng naturang lungsod. Ayon sa salaysay sa Taguig City Police, ng live-in partner ni Hwan na si Jennylyn, 28, dakong 11:45 pm, pagdating niya sa kanilang condo unit, tumambad …
Read More »Volleyball coach, itinumba sa QC
BINAWIAN ng buhay ang isang volleyball coach makaran barilin sa sentido ng hindi nakilalang lalaki sa labas ng kanyang tindahan sa Molave Street, Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm, habang ang biktimang si Conrado Fonseca, Jr., ay naglalaro sa kanyang cellphone habang nakaupo, nang biglang dumating ang isang motorsiklo at siya ay …
Read More »Lalaki pinatay sa tapat ng bahay
PATAY ang isang lalaki makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek sa tapat ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa. Agad binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Joel Marasigan, 39, taga-Libis Orcana, Brgy. 20. Sa pahayag sa pulis-ya ng saksing si Jovelyn Jocson, kapitbahay ng biktima, dakong 5:30 pm, …
Read More »Lola tostado sa sunog
HALOS hindi na makilala ang bangkay ng isang senior citizen makaraan matosta sa sunog sa kanilang bahay sa Brgy. Laging Handa, Quezon City, kahapon ng mada-ling-araw. Kinilala ni QC Fire Marshal Senior Supt. Manuel Manuel, ang biktimang si Juanita Castuciano, 80, ng 45 Scout Fuentebella St. ng nasa-bing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2:45 am nang magsi-mula ang sunog …
Read More »P90-K shabu nasabat sa Iloilo
ILOILO CITY – Arestado ang tatlo katao sa buy-bust operation sa Jaro, Ilo-ilo City at nakompiska ang P90,000 halaga ng shabu, nitong Huwebes ng madaling-araw. Kinilala ang mga ina-resto, ang magkapatid na sina Ma. Kristina at Dane Jaleco, ng Zamboanga del Sur, at si Rachel Pirote ng Dumarao, Roxas City, sa buy-bust operation na ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit …
Read More »Hold Departure Order vs Rep. Michael Romero
INILABAS ng Manila Regional Trial Court ang hold departure order (HDO) laban kay 1-Pacman party-list Representative Michael Romero dahil sa pagkuha ng P3.4 milyon sa Harbour Centre Port Terminal, Inc. (HCPTI) na pag-aari ng kanyang pamilya. Nakapaloob ang HDO sa dalawang pahinang kautusan ni Manila RTC Branch 11 Judge Cicero Jurado Jr., para kay Romero at isa sa kanyang kapwa …
Read More »Unli-rice walang ban (Rice eaters, kalma lang) — Sen. Villar
TINIYAK ni Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa rice-loving Filipinos, na wala siyang planong magsampa ng panukalang batas upang ipagbawal ang pagbibigay ng “unlimited rice” (unli rice) sa restaurants at iba pang food establishments. “I am not planning to make a law banning ‘unli rice’ not at all. I just voiced out my concern …
Read More »Dayuhang casino financier patay sa ambush
APAT na bala ng baril na tumama sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng isang Hong Kong national, na sinasabing casino financier, habang nag-aabang ng taxi sa Baclaran, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Binawian ng buhay bago mairating sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Chong Weng Sum, 60, ng Binondo, Maynila. Sa report ng …
Read More »Pinoys na sugatan sa London inferno nilalapatan ng Lunas
NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang mga Filipino na nasugatan makaraan ang sunog na tumupok sa residential tower sa London nitong Miyerkoles, ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa British Capital. Binanggit ang ulat mula sa misyon sa London, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Robespierre Bolivar, ang mga Filipino na nasugatan sa insidente ay dinala sa pagamutan …
Read More »Foreign journalist tinamaan ng sniper bullet (Sa Marawi)
TINAMAAN ng “sniper bullet” ang isang foreign journalist sa loob ng compound ng Lanao del Sur provincial capital nitong Huwebes, habang nagko-cover sa krisis sa Marawi City, ayon sa ulat ni Pre-sidential spokesman Ernesto Abella. Kinilala ang journalist na si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation, tinamaan ng bala sa leeg. Siya ang unang journalist na nasugatan sa Marawi siege. …
Read More »Inang Maute, 10 pa inilipat sa Camp Bagong Diwa
INILIPAT ng mga awtoridad sa Camp Bagong Diwa ang 11 indibidu-wal, kabilang ang ina ng magkapatid na Maute, at dating alkalde, pawang kinasuhan ng rebelyon kaugnay sa madugong pag-atake sa Marawi City. Sina Ominta Romato Maute, alyas Farhana, at dating Marawi City ma-yor Fajad Salic, ay inilipad patungong Maynila nitong Lunes, makaraan sumailalim sa inquest proceedings sa Camp Evangelista sa …
Read More »Nobleza, Maute ASG/ISIS isasampol sa Anti-Terror Law
MAGIGING test case ng kontrobersiyal na Human Security Act o Anti-Terrorism Law (Republic Act 9372) ang mga teroristang naghahasik ng lagim sa Marawi City, at iba pang parte ng bansa. Ayon sa Palace source, kasama sa pinag-aaralan ng legal team ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9372 sa mga miyembro ng mga teroristang grupong Maute, Abu …
Read More »Regular updates sa kalusugan ni Digong hiling ng oposisyon
IGINIIT ng opposition lawmakers na dapat ihayag ang status ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang patuloy sa kanyang “private time.” Sinabi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, ang pagkawala ni Duterte sa public engagement sa nakaraang mga araw ay “very unusual,” habang patuloy ang sagupaan sa Marawi City, at umiiral ang martial law sa buong Mindanao. “People cannot help …
Read More »Duterte abala sa paperworks (kaya no-show) — Palasyo
ABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paperworks kaya hindi nagpapakita sa publiko nitong mga nakalipas na araw. Ipinamahagi sa Pa-lace reporters kahapon, dakong 5:52 pm ang larawan ni Duterte na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila. Habang ang isang retrato ay magkatabi sila ni Special Assistant to the …
Read More »Chief assessor ng BIR dist. 28 patay sa ambush
DEAD on the spot ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang barilin ng gunman sa West Avenue, Quezon City, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Alberto Enriquez, hepe ng assessment section ng Bureau of Internal Revenue District 28. Si Enriquez ay binaril pagbaba sa kanyang sasakyan sa harap ng isang apartelle na katabi ng gusali ng …
Read More »Lider ng Limjoco robbery gang arestado
ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lider ng Limjoco robbery group, na responsable sa panghoholdap sa Cubao, Quezon City. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, ang suspek na si Mike Montero Limjoco alyas Dagul, 38, ng 85 13th A-venue, Brgy. Socorro, Cubao, ng lungsod, ay ina-resto ng QCPD Cubao Police …
Read More »DoJ nagpasaklolo sa Interpol vs Lascañas
INIUTOS ng Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NBI), na makipag-coordinate sa International Police Organization (Interpol) para sa pag-aresto kay retired policeman Arturo Lascañas. Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si NBI Director Dante Gierran noong 8 Hunyo, na humingi ng tulong sa Interpol kaugnay sa kinaroroonan ni Lascañas at makipag-coordinate sa proper authorities sa pag-aresto …
Read More »Paghingi ng tulong ni Aguirre sa Interpol kinondena ni Trillanes (Para maaresto si Lascañas)
KINONDENA ni Senador Antonio Trillanes IV ang naging direktiba ni Department of Justice ( DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ( NBI), na makipag-coordinate sa Interpol para sa pag-aresto kay dating SPO3 Arturo Lascañas. Ayon kay Trillanes, maliwanag na panggigipit ang ginagawa ni Aguirre sa mga testigo na nagpapahayag ng laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, kitang-kitang …
Read More »Atake sa US, Russia, ME, PH sa Ramadan hikayat ng IS
CAIRO, Egypt – Sa audio message, sinasabing mula sa spokesman ng Islamic State, ay maririnig ang panawagan sa mga terorista na maglunsad ng pag-atake sa Estados Unidos, Europe, Russia, Australia, Iraq, Syria, Iran at Filipinas sa paggunita ng Islamic holy month ng Ramadan, na nagsimula nitong Mayo. Ang audio clip ay ibinahagi nitong Lunes sa Islamic State’s channel sa Telegram, …
Read More »Imported rice ‘di na puwedeng idaan sa Subic Freeport Zone
TAPOS na ang maliligayang araw ng rice smuggling syndicate na matagal nang ginamit na ‘palaruan’ ang Subic Freeport Zone. Inihayag ni Cabinet Secretary at National Food Authority (NFA) Council Chairman Leoncio “Jun” Evasco, Jr., hindi na puwedeng dumaan sa Subic Freeport Zone ang imported rice na papasok sa bansa. Sa Zamboanga City port lamang puwedeng iparating ang inangkat na bigas. …
Read More »3 batang bakwit namatay sa gutom, sakit (Sa evacuation center sa Marawi)
BINAWIAN ng buhay ang tatlong batang ‘bakwit’ habang daan-daang iba pa ang may sakit sa mga evacuation center na tinakbohan ng mga sibil-yang lumisan sa gulo sa Marawi City. Ramdam ang gutom at maraming ulat na hindi mapigil ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin. Siksikan ang mga dating maluluwag na covered courts sa Lanao del Sur at sa Iligan …
Read More »5 pulis, 5 sibilyan nasagip sa Marawi battle zone
NASAGIP ng mga tropa ng gobyerno nitong Martes ang limang pulis at limang sibilyang na-trap nang lusubin ng Maute terrorist group ang Marawi City, tatlong linggo na ang nakalilipas. Ang mga pulis ay nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad mula nitong 23 Mayo, ngunit hindi agad nakatakas mula sa battle zone bunsod nang matinding palitan ng putok at presensiya ng mga terorista, …
Read More »Agit-Prop ng Maute/ISIS sasampolan ng cyber sedition
SASAMPOLAN ng kasong cyber sedition ang mga naglulunsad ng agit-prop (agitation-propaganda) ng teroristang Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa iba’t ibang website. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima, may aarestohin ang mga awtoridad na nagpapakalat ng propaganda ng Maute/ISIS. “We are involved confidential. May huhulihin na. …
Read More »Chief intel officer todas sa ambush
BINAWIAN ng buhay ang chief intelligence officer ng Alaminos police sa Laguna, makaraan tambangan at pagbabarilin ng ilang lalaki sa naturang bayan, nitong Lunes. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng surveillance operation ang intelligence operatives sa pangu-nguna ni PO3 Eduardo Cruz at dalawang iba pa nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng isang Mitsubishi Adventure sa Del Pilar St., …
Read More »