INIUTOS ni National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde sa hepe ng Caloocan City Police ang pagsibak sa puwesto sa mga pulis na sinasabing sangkot sa pagpaslang sa isang lalaking kanilang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas sa nabanggit na lungsod. Ayon sa NCRPO chief, inatasan niya si Caloocan City Police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo …
Read More »Masonry Layout
Gov’t officials, workers ‘wag balat-sibuyas — Palasyo (Gawing ehemplo si Digong)
HUWAG maging balat-sibuyas sa mga pagbatikos ng media. Ito ang payo ng Palasyo sa mga opisyal ng gobyerno na pinupuna ng mga mamamahayag. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Malacañang kahapon, dapat gayahin ng mga opisyal ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit inuulan ng kritisismo sa media, ni minsan ay hindi nagsampa ng kasong …
Read More »600 pasahero pinababa sa MRT
PINABABA ang 600 pasahero sa isang southbound na tren ng MRT-3 nang tumirik nitong Linggo. Pasado 11:20 am nang huminto ang tren habang papalapit sa Cubao station dahil sa problema sa automated train protection (ATP) system, ayon sa abiso ng MRT. Nagkakaaberya anila ang ATP kapag naiipit ang tachometer na sumusukat sa bilis ng tren. Labindalawang tren ang tumatakbo hanggang …
Read More »5 sugatan sa trailer truck vs UV express
PAWANG sugatan ang apat pasahero at driver ng isang UV express makaraan banggain ng isang trailer truck sa kanto ng Taft at Ayala avenues sa Maynila, dakong 4:00 am nitong Linggo. Ayon sa ulat, tumagilid at nawasak ang van, at basag ang mga salamin. Salaysay ng mga saksi, mabilis ang takbo ng truck at “beating the red light” pa. Ayon …
Read More »Lalaking naglaro ng ari tiklo sa lady cop (May tulo o buni?)
INARESTO ang isang lalaki na sinabing naglaro ng kanyang ari sa harap ng isang babaeng pulis habang lulan ng isang pampasaherong bus sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Nabatid sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Ching Carreon, 34, empleyado ng Maynilad. Sakay si Carreon ng isang pampasaherong bus, mula Bocaue, Bulacan patungong Maynila, ngunit habang nasa …
Read More »Sabit sa P3.5-B Dengvaxia scam lagot sa Palasyo
PANANAGUTIN ng Palasyo ang mga responsable sa P3.5 bilyong Dengvaxia anomaly na naglagay sa panganib sa buhay ng libo-libong mag-aaral. “We will leave no stone unturned in making those responsible for this shameless public health scam which puts hundreds of thousands of young lives at risk accountable,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Sinabi ni Roque, nakikipagtulungan ang Department of …
Read More »2 Chinese nat’l na ipupuslit sa UK bigo sa BI-NAIA
BINIGO ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng human trafficking syndicate na papuslitin ang dalawang illegal Chinese nationals patungo sa United Kingdom, gamit ang Maynila bilang jump-off point. Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ni BI port operations division (POD) chief Marc Red Mariñas ang mga pasahero na sina Lin …
Read More »Deputy Omb ng Visayas pabor sa iilan
PINAGDUDUDAHAN at nababahiran ng kontrobersiya ang tanggapan ni Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer Clemente dahil sa inirereklamong kawalan ng aksiyon sa mga nakasampang kaso sa kanyang opisina. Matatandaan, nitong nakalipas na buwan ng Nobyembre ng kasalukuyang taon, nagbanta si dating Negros Oriental representative Jacinto Paras at ang abogado na si Manuelito Luna na sila ay magsasampa ng kasong Grave …
Read More »Jeepney strike tuloy sa Bicol
BAGAMA’T kinansela ng Piston ang itinakdang tigil-pasada ngayong Lunes at sa Martes, tiniyak ng transport group sa Bicol na itutuloy nila ang strike sa nasabing rehiyon upang tutulan ang jeepney modernization program ng gobyerno. Ayon kay Ramon Rescovilla, secretary general ng grupo, walang kasigurohang matutuloy ang Senate hearing kaya kasado ang tigil-pasada sa Bicol. Kaugnay nito, nangako si Senadora Grace …
Read More »Kanseladong transport strike ok sa Palasyo
NATUWA ang Palasyo sa naging pasya ng PISTON na kanselahin ang binalak na transport strike ngayon at bukas. Umaasa ang Palasyo na makikipag-usap ang PISTON sa gobyerno at susuportahan ang matagal nang planong implementasyon ng PUV Modernization Program na may layuning bigyan ang mga commuter ng mas ligtas, mas maaasahan, kaaya-aya, environment-friendly at may dignidad na karanasan sa pagbibiyahe. “We …
Read More »LTFRB tuloy sa bantay kalsada (Kahit kinansela ang tigil-pasada)
SINIGURO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), handa silang magbigay ng ayuda sa mga pasahero sakaling magkaroon nang biglaang transport strike. Ito’y makaraan ianunsiyo ng transport group PISTON, na iliban ang kanilang planong tigil-pasada sa 4-5 Disyembre. “We will remain in our monitoring mode, we will not deactivate our JQRT (Joint Quick Response Team) … we have directed …
Read More »Tigil-pasada ng Piston kanselado (Jeepney strike tuloy sa Bicol)
KINANSELA ng transport group, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang nakatakda nilang dalawang araw na tigil-pasada ngayong Lunes (4 Disyembre ) at Martes (5 Disyembre). Ayon kay George San Mateo, pangulo ng PISTON, hindi nila itutuloy ang transport strike upang bigyang-daan ang ‘urgent’ Senate hearing na ipinanukala ni Senador Grace Poe sa 7 Disyembre, ang layunin …
Read More »P1.4-B tinapyas ng Senado sa drug war (Sa Tokhang fund)
SALUNGAT sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte ang pagtapyas ng Senado ng P1.4 bilyon sa anti-illegal drugs campaign. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, kahit hindi pa lumulusot sa bicameral conference ang 2018 national budget, ang pagtanggal sa pondo ng drug war ay mapanganib sa kampanya kontra droga. “Well obviously, the president needs to fund his pet …
Read More »De Lima pinaka-‘unchristian’ — Roque
WALA nang mas hihigit pa sa pagiging “unchristian” ni Sen. Leila de Lima, ang ipinatupad ay “selective justice” sa oposisyon habang nagpapakalunod sa kanyang kahinaan bilang isang babae. Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Harry Roque kay De Lima nang tawagin siyang “unchristian” ng senadora kasunod ng pahayag na hindi kilala nang lubos ni Pope Francis ang detained lawmaker na …
Read More »P112-M jackpot sa Ultra Lotto 6/58
INAASAHANG aabot sa P112 milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 sa draw ngayong gabi, Biyernes, 1 Disyembre 2017. Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa jackpot prize na mahigit P108 milyon nitong Martes. Ang winning combination sa draw nitong Martes ay 12-42-09-52-55-06. Gayonman, apat mananaya ang nakakuha ng limang tamang numero kaya nagwagi sila ng P200,000 …
Read More »21 NDF consultants tinutunton ng AFP
SINISIKAP nang tuntunin ng militar ang kinaroroonan ng 21 consultants ng communist-led National Democratic Front (NDF) na pinalaya noon ng korte upang lumahok sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Sinabi ni Colonel Edgard Arevalo, public affairs office chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP), wala pa silang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng nasabing consultants. “Sa ngayon wala pa tayong information …
Read More »“Shoot NPA!” order ni Digong legal (Roque nanindigan)
LEGAL ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na barilin ang mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA), ayon sa Palasyo. Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, ipinagbabawal sa batas ang pagdadala ng ‘di-lisensiyadong armas. “Of course (he is within bounds), because anyone who bears arms is guilty of rebellion. The crime of rebellion is the crime of …
Read More »Dengue vaccine delikado — Sanofi Pasteur
INAMIN ng manufacturer ng world’s first dengue vaccine, na ang gamot ay maaaring mapanganib sa indibiduwal na hindi pa dinadapuan ng sakit na dengue. Sinabi ng Sanofi Pasteur nitong Miyerkoles, may bagong analysis sa long-term clinical trial data hinggil sa dengue vaccine Dengvaxia. “Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had prior infection. For those not …
Read More »3 sugatan, 60 bahay natupok sa Taguig
TATLO katao ang bahagyang nasugatan habang tinatayang 60 bahay ang nilamon ng apoy at 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Bonifacio Global City, Taguig City, nitong Miyerkoles. Hindi binanggit sa report ng pulisya ang mga pangalan ng sugatang biktima. Ayon sa ulat ng Taguig City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang pagsiklab ng apoy sa isang …
Read More »Ika-154 kaarawan ni Gat Andres ginunita sa Caloocan
PINANGUNAHAN nina Vice President Leni Robredo at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang simpleng pagdiriwang ng ika-154 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio sa Bonifacio Monument, kahapon ng umaga sa Caloocan City. Unang napaulat na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya kasama ang kanyang spokesman na si Harry Roque, ngunit hindi nakadalo ang punong ehekutibo dahil bumisita sa Mindanao. PINANGUNAHAN …
Read More »VP Robredo: Revo gov’t pag-aalsa vs konsti (Naalarma sa mga nagsusulong)
IGINIIT ni Vice President Leni Robredo na pagsalungat sa Konstitusyon ang pagsusulong ng isang revolutionary government sa bansa. Ayon kay Robredo, nakababahala ang patuloy na pagpapalutang ng ganitong posibilidad, dahil nagpapakita ito ng kawalang-tiwala sa pamahalaan at sa Konstitusyon na sinasaligan nito. Higit na nababahala ang bise presidente dahil ilang miyembro ng pamahalaan ang mismong nagsusulong nito. “Kapag sinabi mong …
Read More »5 bata, 1 pa patay sa Quiapo fire
ANIM katao, kabilang ang limang bata, ang namatay nang masunog ang isang residential area sa Quiapo, Maynila nitong Miyerkoles ng gabi. Ang sunog ay umabot sa ikalawang alarma dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na pawang yari sa light materials, sa Arlegui Street. “Bale ang ano kasi galing doon sa likuran. Biglang akyat din sa taas …
Read More »Malaysian boy nahulog sa NAIA departure
MATAPOS mahulog mula sa departure level ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, idineklarang ligtas na ang 5-anyos batang lalaki, kahapon. Isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang batang si Muhammad Alif Bin Azizan, isang Malaysian national na patungong Jeddah, Saudi Arabia kasama ang kanyang mga kamag-anak, nang mahulog mula sa tinatayang 12 talampakan at lumagpak sa arrival …
Read More »Lider ng hold-up group arestado
SWAK sa hoyo ang isang hinihinalang lider ng robbery-holdup group na bumibiktima ng mga pasahero sa C-3 Road makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Amando Empiso ang arestadong suspek na si Kenneth Yanga, 20, ng Block 13, Pamasawata, C-3 Road, Brgy. 28, ng nabanggit na lungsod. …
Read More »2 karnaper utas sa parak
PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Balingasa, Quezon City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang isa sa mga napatay sa pamamagitan ng Philhealth card, na si Emmanuel Melegrito, 52, residente sa Brgy. 666, Zone 72, District V, …
Read More »