Sunday , September 29 2024

Masonry Layout

Kalbaryo vs terorismo ‘di pa tapos — AFP

HINDI pa tapos ang kalbaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa terorismo makaraan mapatay ang tatlong matataas na leader ng ISIS-inspired Maute terrorist group at liberasyon ng Marawi City. Kinompirma ni AFP spokesperson Major Gen. Restituto Padilla, pinaghahanap ng tropa ng pamahalaan ang prominenteng Malaysian bomb-maker na si Amin Baco alyas Commander Baco, miyembro ng Darul Islam …

Read More »

Pondo para sa terror orgs nakalusot sa gov’t (Padilla aminado)

AMINADO si Padilla, hindi natututukan nang husto ng pamahalaan ang pagpasok ng pondo para sa mga terrorist groups sa bansa. Kailangan aniyang magkaroon ng isang sistema upang masusugan ang pagpapalakas ng kampanya kontra-terorismo dahil may mga iba’t ibang paraang ginagawa upang makalusot sa awtoridad. “There’s so many numerous ways. The innocent donation for a certain project perhaps can be a …

Read More »

63-anyos kelot, 1 pa arestado sa Marawi rehab swindling (Pekeng empleyado ng DILG)

ARESTADO ang dalawang lalaking nagpanggap na kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) at nanghihingi ng donasyon sa local officials para sa rehabilitasyon ng Marawi City, sa Makati City nitong Huwebes. Nakapiit sa detention cell ng Makati City Police ang mga suspek na sina Ricardo Simbulan, 63, at Mitus Sampayan, 39, ng Brgy. Pembo, ng nasabing lungsod. Ayon kay …

Read More »

Epal ng EU pinamukhaan ni Duterte

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinadya niya ang pagmumura sa European Union dahil hindi naman itinanggi na wala silang kinalaman sa pagbatikos sa kanya ng ilang EU parliamentarians sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs). Sa kanyang talumpati sa High Level Forum on ASEAN @50, sinabi ng Pangulo, hindi tama na diktahan ng EU ang gobyerno ng Filipinas dahil hindi sila …

Read More »

Disbarment sa Aegis frat members ok sa senado

PABOR ang ilang mambabatas sa nais ng pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III, na hainan ng disbarment ang mga abogadong sangkot sa cover-up sa initiation rites ng Aegis Juris fraternity. Ito ay kaugnay sa Facebook chat ng frat members hinggil sa kung paano itatago ang pagkamatay ni Atio sa initiation rites. Ito ay kasunod ng pahayag …

Read More »

New curfew ordinance ipapasa sa Navotas

NAPIPINTONG magpasa ng bagong ordinansa ang Navotas City Council para sa curfew ng mga kabataan makaraan ibasura ng Supreme Court (SC) ang Pambansang Ordinansa Blg. 200213, bunsod ng petisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) noong Hulyo ng nakaraang taon.  Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, tiniyak sa kanya ng karamihan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang …

Read More »

NAIA worst airport no more

BURADO na sa listahan ng pinakamasama at pinakapangit na airport sa buong mundo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Mismong  sa post ng “The Guide To Sleeping In Airports” isang travel website, nitong 15 Oktubre 2017, ang NAIA ay hindi na kabilang sa listahan ng worst airport sa mundo at sa Asya. Magugunitang sa kaparehong survey na isinagawa sa nakaraang …

Read More »

Suweldo ng sundalo’t pulis sa 2018 doblado

DOBLADO ng kanilang kasalukuyang sahod ang matatanggap ng lahat ng sundalo’t pulis at mga unipormadong puwersa ng pamahalaan simula sa Enero 2018. Ito ang sinabi kagabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagbisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Nauna rito, sa isang press conference kahapon ng umaga, kinompirma ni Budget …

Read More »

1 patay, 7 sugatan sa jeep vs motorsiklo

road traffic accident

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas gayondin ang anim pasahero ng isang jeep makaraan magbanggaan ang dalawang sasakyan sa lungsod ng San Juan, kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Dominic Peñaflor, nasa hustong gulang, at nakatira sa Makati City. Siya ay na-sandwich ng pampasaherong jeepney at poste ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Samantala, …

Read More »

3 grupong militante prente ng CPP — Duterte

Duterte CPP-NPA-NDF

‘NAGSASAGAWA’ ng rebelyon ang tatlong militanteng grupo laban sa gobyerno dahil “legal fronts” sila ng Communist Party of the Philippines (CPP). “It’s one big conspiracy. All of them are right now committing rebellion,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Pili, Camarines Sur kahapon. Tinukoy ng Pangulo ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), human rights group na …

Read More »

PISTON, LTFRB nag-agawan sa tagumpay

NAGKAROON ng tensiyon sa isinagawang tigil-pasada sa Cubao, Quezon City ng PISTON at iba pang militanteng grupo nang pumunta si LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada para mag-monitor. (LOVELY ANGELES) PAREHONG nagdeklara ng tagumpay ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kahapon sa isinagawang dalawang araw na tigil-pasada. Matatandaang nauna …

Read More »

Mas mahabang tigil-pasada banta ng Piston

NAGPIKET ang ilang jeepney driver sa kahabaan ng Zapote Drive para sa ikalawang yugto ng tigil-pasada ng grupong PISTON at No To Jeepney Phase-out Coalition sa Las Piñas City. (ERIC JAYSON DREW) NAGBANTA ang transport group Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng mas mahabang tigil-pasada kapag tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay harapin at ang …

Read More »

Baron Geisler inaresto sa restobar

KULUNGAN ang kinabagsakan ng aktor na si Baron Geisler makaraang magwala, manggulo at magmura dahil sa kala-singan sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, dakong 9:00 pm nang pumasok sa TGIF restobar si …

Read More »

P145-M inilarga ni VP Leni vs kahirapan (153 komunidad benepisyado)

MAHIGIT 83,000 pamilya, mula sa iba’t ibang panig ng bansa, ang natulungan ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa unang taon ng programang inilunsad nila laban sa kahirapan. Ang programang Angat Buhay ay sinimulan ni VP Leni at ng kaniyang opisina noong Oktubre 2016, sa paglalayong maabot ang pinakamahihirap at pinakamalalayong komunidad sa bansa, sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor …

Read More »

100+ terorista nagkalat pa sa Mindanao

mindanao

INAMIN ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla, mahigit 100 pang terorista ang pinaghahanap ng mga awtoridad na kasama sa Arrest Order na inilabas ni Lorenzana makaraan i-deklara ang martial law. “At doon sa mga arrest order na nailabas, dalawa po ito sa mahigit 300, naaresto po natin ang mahigit 100 at na-filan (file) ng kaso at ngayon ongoing ang …

Read More »

NCRPO handa sa posibleng spill-over sa Metro

HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa posibleng spill-over sa Metro Manila kaugnay sa bakbakan sa Marawi City na ikinamatay ng kilalang mga lider ng Maute at Abu Sayyaf Groups na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na tinaguriang Emir at pinuno ng ISIS sa Asya. Ayon kay NCRPO Regional Director Oscar Albayalde, kahit walang natatanggap na report …

Read More »

‘Liberasyon’ ng Marawi idineklara ni Duterte

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte, malaya na ang Marawi City sa impluwensiya ng mga terorista kaya’t uusad na ang rehabilitasyon. “Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence. That marks the beginning of rehabilitation,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City. Tiniyak niya, hindi maiiwan sa ere …

Read More »

NCR paralisado sa tigil-pasada (1,140 commuters stranded sa Metro)

ANG mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa isinagawang tigil-pasada sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila bilang pagtutol sa phase-out ng mga lumang pampasaherong jeep. (BONG SON) INIHAYAG ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), 90 porsiyento ng Metro Manila at lahat ng iba pang bahagi ng bansa ang …

Read More »

Hapilon, Maute patay sa bakbakan (Digong nagalak)

LUBOS ang kagalakan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagkamatay ng dalawang lider-terorista sa kamay ng militar sa Marawi City, kahapon ng madaling-araw. Ito ang sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año sa tagumpay ng pamahalaan sa pagpatay sa dalawang lider-terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute. Aniya, 17 hostage ng mga terorista ang nailigtas ng militar, …

Read More »

7-anyos nene niluray ng water boy

prison rape

SWAK sa kulungan ang isang water delivery boy makaraan ireklamo ng panghahalay sa 7-anyos batang babae sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Ayon sa biktimang si “Katrina” sa pulisya, hinawakan siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan ng suspek na si Vincent Amor, 36, nang mag-deliver ng tubig sa kanilang bahay sa Barangay 12, kamakalawa ng hapon. Dala nang labis …

Read More »

PDEA sattelite office sa Customs, Bilibid ilalagay

MAGLALAGAY ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kanilang opisina sa loob ng Bureau of Customs at Bureau of Corrections, ngayong ipinasa na sa kanila ang buong tungkulin sa anti-drug operations ng gobyerno, ayon sa spokesperson ng ahensiya nitong Sabado. Sa panayam ng radio dzBB, sinabi ni PDEA Public Information Office Chief Derrick Carreon, nakipagpulong si Director General Aaron Aquino …

Read More »

BBWP huwag guluhin — Gov. Alvarado

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Mariing pinalalahanan ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga opisyal ng iba’t ibang water district sa lalawigan  na huwag magsasagawa ng mga hakbang na makagugulo sa umuusad na Bulacan Bulk Water Project (BBWP) upang hindi makompromiso ang magandang biyayang hatid nito sa mga mamamayan ng Bulacan. Ang paalala ay binanggit ni Alvarado sa kanyang radio …

Read More »

18 domestic flights sa NAIA kanselado (Sa Runway closure sa Iloilo)

NAIA plane flight cancelled

UMABOT sa 18 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nakansela matapos isara ang runway sa Iloilo International Airport nang sumadsad ang isang eroplano ng Cebu Pacific. Ipinahayag ng Cebu Pacific, 12 flights ang kanilang kinansela na apektado ang biyaheng Manila-Iloilo-Manila 5J447/448, Manila-Iloilo-Manila 5J449/450, Manila-Iloilo-Manila 5J451/452, Manila-Iloilo-Manila 5J453/454, Manila-Iloilo- Manila 5J457/458, at Manila-Iloilo-Manila 5J467/468. Gayonman binigyan nila ng pagpipilian …

Read More »

Grupong destab terror org — Sara Duterte

WALANG ipinagkaiba ang banta ng destabilisasyon sa terorismo. Ito ang tinuran ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte bilang tugon sa mga grupo at mga personalidad na bumabatikos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatayo ng revolutionary government sa harap ng mga banta ng destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon. “The threat of destabilization is as real as …

Read More »

MMDA magbibigay ng libreng sakay

MMDA

MAGKAKALOOB ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ngayong araw. Ayon kay Celine Pia-lago, tagapagsalita ng MMDA, magtatalaga sila ng 10 buses, trucks at ambulansiya sa mga lugar na apektado ng isasagawang trasport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON). Dagdag ni Pialago, bukod sa libreng …

Read More »