Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Pagdawit kay Bong Go bahagi ng destab vs Duterte (Sa frigate project)

BAHAGI ng destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte ang pagdadawit sa Palasyo sa Frigate deal. Isiniwalat ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, may nakapagtimbre sa kanya, may “major destab effort” laban sa gobyernong Duterte. “Mayroon kasing — consultant ako no’ng ako ay nasa Kongreso pa at may public relations practitioner. Sinabihan ako na mayroon daw major destab effort na magsisimula daw …

Read More »

Relampagos ‘susi’ sa pork barrel scam (Pinababalik sa PH)

DBM budget money

BUMALIK sa bansa at ikanta ang lahat ng nalalaman kaugnay sa pork barrel scam. Ito ang panawagan ng Palasyo kay dating Budget Secretary Mario Relampagos na tinakasan ang mahigit 300 kasong may kaugnayan sa pork barrel scam matapos payagan ng anim sa pitong division ng Sandiganbayan na magtungo sa US noong nakaraang buwan. “Well, kung ikaw ay inosente, bumalik ka …

Read More »

Alert level 4 itinaas sa Mayon (Pasok sa Albay sinuspende, Cebu Pacific flights kanselado)

ITINAAS ang Alert Level 4 sa Mayon nitong Lunes ng hapon, kasunod ng magma eruptions. Sinabi ni Paul Alanis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo-logy (PHIVOLCS), sa Alert Level 4, posibleng maganap ang hazardous explosion ng bulkan sa susunod na mga oras o araw. Ayon kay Alanis, ang inilabas na lava sa nakaraang mga pagsabog mula nitong Linggo ay …

Read More »

PNU prexy, 3 opisyal sinibak ng Ombudsman (Sa US$25,000 magazine ad contract)

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay Philippine Normal University (PNU) president Ester Ogena at tatlo pang mga opisyal ng unibersidad bunsod ng mahigit $25,000 advertisement sa isang international magazine. Sa desisyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong 24 Oktubre 2017, ang pagsibak kay Ogena ay makaraan mapatunayan ng anti-graft body  na siya ay guilty …

Read More »

Fred Lim tatakbo sa Maynila para alkalde

TATAKBO si Fred Lim para alkalde ng Maynila sa darating na halalan. Ito ang binigyang-diin kahapon ng kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, bilang pagpapasinungaling sa mga tsismis na ipinakakalat umano ng kanyang mga kalaban sa politika na hindi na siya tatakbo sa 2019 elections. Ayon sa abogado ni Lim na si dating city legal officer Atty. Renato …

Read More »

Apela ng MIASCOR ibinasura ng Palasyo

WALA nang dapat iapela ang MIASCOR Groundbreaking Corporation dahil paso na ang kontrata nito sa Manila International Airport Authority (MIAA). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MIAA kaya hindi na ini-renew ang kontrata dahil sa maraming kaso ng pagkawala ng mga bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport. …

Read More »

Probe vs frigate project isinulong ng senate opposition

NAGHAIN ang mga miyembro ng Senate minority bloc ng resolusyon, hinihiling ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na pagbili ng dalawang Philippine Navy frigates, sa gitna ng mga ulat na “nakialam” ang close aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Go, sa nasabing proyekto. Inihain ni Minority Leader Franklin Drilon, kasama sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, …

Read More »

Bong Go haharap sa senado

HAHARAP si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa imbestigasyon sa Senado kaugnay sa isyu ng pagbili ng mga barkong pandigma ng Philippine Navy. “Kung sakaling ipatawag man ako ng Senado hinggil sa frigate issue, anywhere, anytime, I’m willing to face the accusers,” ayon kay Go sa text message na ipinadala sa Malacañang reporters. Giit ni Go, palsipikado …

Read More »

CEO ng Malaysian firm inireklamo ng rape, sexual harassment (Sex over promotion nabigo)

sexual harrassment hipo

KASONG rape at sexual harassment ang isinampa laban sa chief executive officer (CEO) ng kompanyang Edmark ng mga empleyado nito matapos dumanas ng hindi malilimutang karanasan sa akusado. Bukod sa rape at sexual harassment, inasunto rin ang nasabing official ng illegal dismissal at unfair labor practices (ULP) ng apat nilang empleyado. Dumulog sa tanggapan ng batikang human rights advocate na …

Read More »

Monopolyo ng Meralco basagin (Mataas na presyo ng koryente babagsak sa kompetisyon) — Solon

electricity meralco

PARA sa tunay na interes ng sambayanang Filipino, binigyang-diin ni Anakpawis party-list Rep. Ariel ‘Ka Ayik’ Casilao na panahon na para bigyang pansin ng pamahalaan at agarang tuldukan ang paghahari ng Manila Electric Company (Meralco). Sa isang panayam, mariing kinastigo ni Casilao, na kasapi ng tinaguriang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang monopolyo sa power distribution industry ng …

Read More »

2 jailguards, 2 pulis patay sa shootout sa Munti

dead gun police

PATAY ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at dalawang pulis sa palitan ng putok sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga. Binawian ng buhay bago idating sa Medical Center of Muntinlupa ang dalawang jailguard na sina JO1 Felino Salazar, 48, at JO2 Elmer Malindao, 33, nakatalaga sa Muntinlupa City Jail. Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente …

Read More »

Graduates ng K-12 maaaring ‘di pa handang magtrabaho

NAGPAHAYAG ng pangamba ang isang malaking business group na hilaw pa sa karanasang makatutulong sa pagtatrabaho ang ilang magtatapos sa K-12 program, ang pinalawig na basic education system ng Department of Education (DepEd). Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), tila kulang pa ang 80 oras o dalawang linggo lang na minimum requirement para sa on-the-job training (OJT) …

Read More »

Death penalty vs drug lords isusulong ni Pacman

INIHAYAG ni Senador Manny Pacquiao nitong Miyerkoles, na umaasa siyang susuportahan ng kanyang mga kasama sa Senado ang death penalty na tanging puntirya ay mga drug lord. “Mahihirapan talaga kami to get the majority but we’re going to explain again to my colleagues that pipiliin lang natin, kumbaga ang gusto namin dito is ‘yung drug lords,” pahayag ni Pacquiao. “Wala …

Read More »

3 high ranking CPP-NPA off’ls tutugisin — Palasyo

NATURAL lang na tugisin ng mga awtoridad ang tatlong matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) makaraan maglabas ng warrant of arrest ang hukuman laban sa kanila. Noong 11 Enero ay naglabas ng desisyon ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 na nag-uutos na dakpin sina Benito at Wilma Tiamzon ng CPP, at National …

Read More »

Frigate project done deal sa Aquino admin (Giit ng Palasyo)

PANAHON pa ng administrasyong Aquino, done deal na ang frigate project ng Philippine Navy, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nanlilinlang ang online news site Rappler nang ilathala na nakialam si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa frigate project. Tiniyak ni Go na magbibitiw siya kapag napatunayan ang akusasyon ng Rappler sa kanya. “I …

Read More »

14-anyos tinurbo, erpat arestado

ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 34-anyos lalaki makaraan ireklamo ng kanyang 14-anyos dalagitang anak na dalawang beses niyang ginahasa, iniulat ng pulisya kahapon. Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang si alyas Marie, Grade 8 student, residente sa San Sebastian St., Tondo, kasama ng kanyang nanay …

Read More »

‘Love’ sa 1987 Constitution aalisin

TILA walang puwang sa mga mambabatas ang “love” sa organic law. Ito ay dahil sa panukala ng isang mambabatas sa Kamara na burahin ang salitang “love” sa 1987 Constitution sa gitna ng diskusyon hinggil sa pag-ami-yenda sa salitang batas, idiniing  ang salita ay “has no place in a Constitution.” Ang panukala ay naglalayong amiyendahan ang preamble, ang opening statement ng …

Read More »

BBL prayoridad ng Senado — Migz

TINIYAK ni Senador Juan Miguel Zubiri na prayoridad ng Senado ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Zubiri, itinakda niya sa susunod na linggo ang sunod-sunod na pagdinig upang matalakay ang naturang panukala. Tinukoy ng senador na gagawin  ang pagdinig sa ilang bahagi ng Marawi, South Cotobato, Basilan at iba pang lugar na bahagi at apektado ng …

Read More »

Pagdinig sa PCSO ‘party’ kinansela ng Senado

KINANSELA ang pagdinig ng Senado hinggil sa bonggang Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na itinakda ngayong Miyerkoles, 17 Enero. Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Games and Amusement, sasabay ito sa nakatakdang muling pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado hinggil sa pag-amiyenda ng Saligang Batas sa pa-mamagitan ng Constituent Assembly. Nitong Lunes pormal …

Read More »

Bus itatalaga ng LTFRB (Sa Oplan Tanggal Bulok Tanggal Usok)

ltfrb

MAGKAKALOOB ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus na papayagang mamasada sa mga rutang lubhang naaapektohan dahil sa operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic laban sa mga bulok at mausok na pampublikong sasakyan. Inihayag ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada, maraming mga pasahero ang naii-stranded sa mga ruta na maraming nahuhuling mga jeep. Ito …

Read More »

Con-ass lusot sa Kamara

congress kamara

PUMASA na ang House Resolution para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly na babalangkas sa Federal Charter. Nabigo ang Makabayan Bloc na harangin ang botohan sa pamamagitan ng panibagong interpelasyon ngunit hindi na sila pinagbigyan. Tinangka ni Caloocan Rep. Edgar Erice na kuwestyonin ang quorum ngunit sa huli ay idineklarang mayorya ng mga kongresista ay nasa plenaryo. Sa unang roll …

Read More »

Bong Go walang paki sa DND-SAP bidding

WALANG pakialam si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa anomang bidding para bumili ng mga kagamitan ang Department of National Defense (DND). Reaksiyon ito ni Go sa ulat na isinulong umano niya ang pag-aproba sa isang Korean company para sa computer system para sa barko ng Philippine Navy, habang may ibang pinaborang kompanya ang dati nitong Flag …

Read More »