Thursday , June 4 2026

MeTC branches sa Manila city hall isinailalim sa lockdown

ISASAILALIM sa lockdown ang lahat ng Metropolitan Trial Court (MeTC) branches na matatagpuan sa Manila City Hall at Old Ombudsman Building gayondin ang Office of the Clerk of Court.

 

Alinsunod ito sa awtoridad na ibinigay ng Office of the Court Administrator, Supreme Court at sa kautusan  na natanggap mula kay Assistant Court Administrator Maria Regina Adoracion Filomena M. Ignacio nitong 18 Hunyo na ang mga sumusunod na tanggapan ng MeTC Manila ay isasailalim sa lockdown mula 19 Hunyo hanggang 29 Hunyo 2020.

 

Kabilang dito ang MeTC Manila Branches 29, 30, 13, & 5 na matatagpuan sa Manila City Hall.

 

MeTC Manila Branches Office of the Clerk of Court; at MeTC Manila Branches 1, 2, 3, 4, 6, 8, 10, 15, 19, 20, 22, 23, 25, 27 & 28 na matatagpuan sa Parkview Plaza Building.

 

Ang lockdown, ay bunsod ng nagpositibo sa COVID-19 na kaanak ng mga empleyado sa magkahiwalay na MeTC Manila branches na matatagpuan sa Manila City Hall.

 

Naniniwala si Executive Judge Carissa Anne Manook- Frondozo na mas makabubuting ang lahat ng empleyado ng MeTC branches sa Manila City hall ay sumailalim sa self-quarantine measures.

 

Nakuha rin ang atensiyon ni Frondozo matapos magkaroon ng matinding ubo ang isa sa security guard na naka-duty sa Parkview Plaza Building, at nagpositibo sa rapid test kaya isasailalim sa swab testing.

 

Malalaman ang resulta nito sa loob ng 3-5 araw.

 

Dahil sa posibleng exposure sa virus sa MeTC Manila ipinag-utos ng Executive Judge ang pansamantalang suspensiyon ng operasyon sa nasabing gusali.

 

Inatasan ng korte ang mga empleyado na mag-self quarantine upang maiwasan ang hawaan at sakaling makaranas ng mga sintomas ay agad mag-report sa kanilang  Barangay Health Emergency Response Team. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …