Thursday , June 4 2026

129 detainees sa Caloocan JCF, isasalang sa swab testing (Dahil sa PISTON 6)

NAGSAGAWA na ng swab testing ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa 129 detainees sa Caloocan City Jail Custodial Facility, makaraang magpositibo sa COVID-19 virus ang dalawa sa anim na miyembro ng Pinagkaisang Tsuper-Operators Nationwide (PISTON), na nakulong noong 2 Hunyo 2020.

Ipinag-utos ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang swab testing sa mga inmate sa Custodial Facility, upang matiyak na walang nahawa sa 2 PISTON members na nagpositibo sa virus.

Maging ang mga  pulis na nagbabantay sa nabang­git na kulungan at  naka­salamuha ng dalawang tsuper ay isasailalim din sa swab test.

Nabahala ang panga­siwaan ng piitan nang lumabas ang resulta sa COVID-19 test na nagpositibo ang dalawa sa anim na driver na nakulong nang mahigit isang Linggo, matapos magsagawa ng kilos protesta noong 2 Hunyo 2020 at sa paglabag sa social distancing protocol.

Nakalaya sila noong 10 Hunyo matapos magpiyansa ng P3,000 kada isa.

Inaasahan na sa susunod na mga araw ay maisasalang sa testing ang lahat ng mga preso, pero walang ibinigay na petsa ang City Health Office kung kailan malalaman ang resulta.

Pagtitiyak ng alkalde, isa ang Caloocan City Medical Center sa gagawing quarantine facility kapag may nag-positibo, pero mahigpit pa rin ang gagawing pagbabantay sa mga preso, upang walang makatakas.

Sa ngayon ay bawal muna ang dalaw sa mga preso. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …