Saturday , December 4 2021

Mas maraming tech-voc courses handog ng Navotas City, TESDA

MAS maraming kursong technical and vocational ang libreng mapag-aaralan ng mga Navoteño matapos maitatag ang training partnership sa pagitan ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco at TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña ang virtual signing ng memorandum of agreement (MOA) para sa pagtatag ng TESDA–NAVOTAAS Training Institute.

Pumirma rin sa kasunduan sina TESDA CaMaNava District Director Rolando V. Dela Torre at NAVOTAAS Institute Supervising Administrative Officer Jayne B. Rillon.

Sa ilalim ng 5-taong kasunduan, gagamitin ng TESDA ang second, third at fourth floor ng NAVOTAAS Institute – Main sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran bilang kanilang satellite office at training center.

Maghahandog sila ng mga kursong tech-voc tulad ng 2D Animation, Advance Microsoft Excel Training, Computer System Servicing, Cyber Security, Driving, at Solar Powered Lighting and Mobile Phone Charging Kit Training.

Sila rin ang babalikat sa suweldo ng kanilang mga staff at trainer; bibili ng mga consumable supplies, tools at materials, at iba pang kagamitan; at magbabayad ng utility expenses.

Sa kabilang banda, papayagan ng Navotas ang paggamit ng mga kagamitan sa Institute; titiyakin ang seguridad ng mga gamit sa mga training; at tutulong sa pagkuha ng mga bene­pisaryo at pagmo-monitor at pagsusuri sa programa.

“Dahil sa pandemya, napilitan tayong baguhin ang ating mga nakagawian. Ang mga kompanya, at kahit ang mga ahensiya ng gobyerno, ay kinailangang maglipat ng ilan sa kanilang mga gawaing online at payagan ang kanilang mga empleyado na magtrabaho sa kanilang mga tahanan,” aniya.

“Maaaring maging new normal na natin ang remote work. Kaya naman napaka­halaga na magkaroon ng kasanayan o skills, lalo sa paggamit ng digital technology. Mapalad tayo na ang mga skills na ito ang ituturo ng TESDA-NAVOTAAS Training Institute sa kanilang mga estudyante,” dagdag niya.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Rida Robes Disney Savano Park CSJDM San Jose Del Monte Bulacan

Paskong masaya sa CSJDM, Bulacan

SA PAGNANAIS mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja nakatagpo ng proteksiyon at pampalakas ng resistensiya

MATABILni John Fontanilla DOUBLE Celebration ang naganap noong Nov. 25, 2021 dahil bukod sa kaarawan ng CEO/President ng …

Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Cebu Pacific Air Airbus A330neo Cebpac

Unang Airbus A330neo dumating na Cebu Pacific, ‘greenest airline’ sa Asya

DUMATING na ang kauna-unahaang Airbus A330neo (New Engine Option) ng Cebu Pacific, nitong Linggo, 28 …

Leave a Reply