Thursday , June 4 2026
dead gun

Caloocan barangay chairman todas sa ambush ng 6 armadong suspek

“TAYO ay nakikiramay sa naiwang pamilya ng ating kaibigan at patuloy nating ipanalangin ang hustisya at kaniyang katahimikan.”

Ito ang malungkot na pahayag ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pagka­kapaslang kay Barangay Chairman Gally Dilao.

Aniya, “Ang mga alaala at pagmamahal mo sa lungsod ng Caloocan, higit sa iyong mga taga-barangay ay mananatili sa aming mga puso. Maraming salamat sa iyo, Kapitan Gally Dilao,” pahayag ng alkalde.

Kamakalawa ng hatinggabi, walang awang pinaslang ang barangay chairman ng Barangay 151.

Patay nang idating sa Manila Central University (MCU)  hospital ang biktimang kinilalang si Gally Dilao, 59 anyos, residente sa Milagrosa St., Barangay 151, Bagong Barrio sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan.

Ito’y matapos pag­babarilin ng anim na hindi kilalang suspek na sakay ng tatlong motorsiklo, kamakalawa ng hating gabi.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Malapitan kay Caloocan police chief Col. Dario Menor ang follow-up investigation para matukoy ang pagkakakilanlan at madaling pagkaaresto sa mga suspek, kabilang ang utak sa likod ng pamamaslang.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:00 pm, habang naglalakad pauwi ng biktima sa kahabaan ng Progreso St., mula sa birthday celebration ni Kagawad Maning Llorica nang biglang harangin ng mga suspek na pawang nakasuot ng itim na face mask, sakay ng tatlong motorsiklo saka pinag­babaril.

Matapos ang pama­maril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

“Congressman pa lang ako ay personal nang malapit sa akin si Kap. Dilao kaya batid natin na mapagmahal siya sa pamilya, mabait na kaibigan at mapagbigay na lider sa kaniyang mga nasasakupan,” pahayag ni Mayor Oca.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matu­koy ang tunay na motibo sa insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …