BINAWIAN ng buhay ang deputy chief ng Cainta police sa Rizal makaraan makabakbakan ang ilang drug suspect, nitong Linggo ng gabi. Nagresponde ang biktimang si Senior Insp. Jimmy Senosin at mga tauhan sa floodway ng Cainta makaraan makatanggap ng tawag na may armadong grupo sa lugar, ayon kay Cainta police chief, Supt. Ray Rosero. Ngunit habang papasok ang mga operatiba …
Read More »Masonry Layout
PCC kinalampag sa monopolyo sa power supply
NANAWAGAN kahapon si Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo sa Philippine Competition Commission (PCC) na gumawa ng kaukulang hakbang para maputol ang monopolyo sa power supply sa bansa. Ayon kay Castelo, nasa ilalim ng kapangyarihan ng PCC ang pagsusulong sa interes ng mga mamimili, kabilang ang mga konsyumer ng koryente at pagpipigil sa mga mapagsamantalang kompanya na nasa sektor ng …
Read More »Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)
NAGBABALA ang NFA Council sa mga pribadong negosyante na maaari silang maharap sa kasong economic sabotage sa pagtatago ng bigas. Sa ipinatawag na press briefing sa Malacañang ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, sinabi niyang may hinala silang nagkaroon ng “hoarding” o pagtatago ng bigas sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader. “Can you sleep at night when a …
Read More »2 snatcher bulagta sa MPD cops
BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang hinihinalang snatcher na lulan ng motorsiklo makaraang masukol at makasagupa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa gilid ng McArthur Bridge, sa Escolta St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado 12:00 am sa Binondo at natapos ang habulan sa gilid ng McArthur Bridge sa …
Read More »P2-M tulong ng Caloocan sa Albay
INAPRUBAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang P2 milyon financial assistance para sa lungsod ng Tabaco at bayan ng Malilipot sa lalawigan ng Albay bilang tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Mayon. Ayon kay District 1 Councilor Aurora “Onet” Henson, dalawang resolusyon ang inilabas ng Sangguniang Panlungsod upang makapagbigay ang pamahalaang lungsod ng tulong sa pamamagitan Mayor Oscar Malapitan, …
Read More »Bilyones na pekeng yosi, tax stamps nasabat sa Bulacan
BILYONG pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo at tax stamps ang nasabat ng mga tauhan ng CIDG Region 3 at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang warehouse sa Bulacan, kamakalawa. Bitbit ang search warrant, pinasok ng mga awtoridad ang warehouse sa RIS Complex sa Guiguinto, sa naturang lalawigan. Dito tumambad ang pagawaan ng sigarilyo na kompleto sa makina, daan-daang kahon …
Read More »Babala ni Albayalde: Tutulog-tulog na pulis walang bonus
MAWAWALAN ng bonus para sa sa isang buong taon ang mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Napag-alaman, nagbabala si NCRPO Director Oscar Albayalde sa mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho na kakasuhan sila. “Puwedeng reprimand po ‘yan o suspension. ‘Pag ikaw ay na-suspende kahit na isang araw lang …
Read More »Magdiriwang ng Valentine’s Day umiwas sa porno, unsafe sex
BAGO ang pagdiriwang ng Valentine’s Day, hinimok ng grupong Pro-Life Philippines ang publiko na umiwas sa pornograpiya at human immunodeficiency virus at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS). Kasabay nito, namahagi ang grupo sa mga namamasyal sa Rizal Park sa Maynila ng mga kendi na may mga balot na mga mensahe ukol sa pag-iwas sa mga malalaswang pelikula at HIV/AIDS. May …
Read More »Basyang signal no. 1 sa 4 areas ng Mindanao
PUMASOK na ang tropical storm na may international name “Sanba” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo ng gabi, at binigyan ng local name na “Basyang,” ayon sa state weather bureau PAGASA. Sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay pumasok sa PAR dakong 7:00 ng gabi. Ang apat na eryang isinailalim sa tropical cyclone warning signal no.1 ay Dinagat Island, …
Read More »Presyo ng palay bagsak ngayong anihan (Magsasaka nangamba)
UMALMA ang mga magsasaka sa parating na bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) dahil sasabay ito sa panahon ng anihan. Nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng NFA, habang higit 3.5 milyong metriko toneladang palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka. Dahil dito, pinangangambahan ng local farmers na babagsak ang presyo …
Read More »Pinoy nurse, drivers wanted sa Czech Republic
PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino. Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa. Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, …
Read More »Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan
DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong biktima ang patay habang 10 ang sugatan makaraan sumalpok ang isang bus sa puno sa gilid ng Andaya Highway sa bayang ito, nitong Sabado. Ayon sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng Fortune Star bus na may 57 pasahero nang mawalan ng kontrol ang driver pagdating sa Brgy. Sinukpin, 9:00 ng gabi. Dahil dito, …
Read More »China, Russia target ng DoLE (Para sa OFWs)
INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, ikinokonsidera nila ang mga bansang maaaring paglipatan sa overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait. “We are now in the process of looking alternative markets. One of them is China. And even Russia,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Tinatayang 800 undocumented OFWs sa Kuwait ang nakatakdang …
Read More »OFWs bawal sa Kuwait
INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapalabas siya ng bagong order ngayong Lunes, hinggil sa pagpapatupad ng total deployment ban sa Filipino workers sa Kuwait. Sinabi ni Bello, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng order hinggil sa total deployment ban, hiwalay sa nakaraang utos na pagsususpende sa proseso ng bagong employment certificates. “This time, what the …
Read More »Duterte haharap sa ICC
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaglaban ang sarili laban sa akusasyong crime against humanity na inihain laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kanyang drug war. Sa kabila nang kahandaan ng Pangulo bilang abogado, kompiyansa si Presidential Spokesman Harry Roque na maibabasura ang nasabing usapin sa ICC. Paliwanag ni Roque, hindi pa dapat magdiwang ang mga …
Read More »Oposisyon nasa likod ni Matobato
KOMBINSIDO si Pangulong Duterte na ang “domestic enemies of the state” ang nasa likod ni Matobato. Ang abogado ni Matobato na si Atty. Jude Sabio ay inaayudahan nina opposition Senator Antonio Trillanes at Magdalo party-list Rep. Gary Alejano nang maghain ng petisyon sa ICC noong nakalipas na taon. May malawakan aniyang pakana para siraan si Duterte sa buong mundo kasabay …
Read More »Plunder case inihain ng VACC vs DTI chief (P1.1 bilyon nawala sa kaban ng bayan)
IPINAGHARAP ng kasong plunder, technical smuggling at economic sabotage ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) si Department of Trade and Industry (DTI) secretary Ramon Lopez na chairman rin ng Board of Investment (BOI) dahil sa paggamit sa kanyang posisyon para paboran ang isang car manufacturer sa bansa. Bukod kay Lopez, sinampahan din ng kaso …
Read More »Digong kay Joma: 5 NPA kapalit ng sundalong papaslangin ng komunista
MAY sapat na puwersa ang pamahalaan laban sa rebeldeng New People’s Army (NPA). Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA nang sabihin kamakalawa na ipatutumba niya ang limang rebelde kapalit ng isang papataying sundalo ng mga komunista. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ipinagmamalaki lang ni Pangulo na laging handa ang mga sundalo sa pagganti ng komunistang grupo …
Read More »Rice shortage genuine o artipisyal (‘Drama’ bubusisiin ni Evasco)
BUBUSISIIN ni Cabinet Secretary at National Food Authority (NFA) Council chairman Leoncio ‘Jun” Evasco kung drama lang ang nararanasang shortage ng NFA rice sa pamilihan sa nakalipas na dalawang linggo. Sinabi ni Evasco sa phone patch interview kahapon, aalamin ng konseho kung drama lang ang NFA rice shortage upang aprobahan ang panukalang mag-angkat ng bigas. Karaniwan aniyang nakatatanggap ng rekomendasyon …
Read More »Press Freedom Day sa 30 Agosto aprobado sa Kamara
APROBADO sa ikatlo at huling pagdinig ang panukalang gawing National Press Freedom Day ang 30 Agosto kada taon sa bansa. Sa botong 210, naipasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 6922, isinulong bilang pag-alala kay Marcelo H. del Pilar na kinikilalang ama ng Philippine Journalism. Si Del Pilar na sumulat sa ilalim ng alyas na “Plaridel” ay ipinanganak noong 30 …
Read More »Magdyowa arestado sa P294-K party drugs
ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang mag-live-in na hinihinalang tulak makaraan makompiskahan ng P294,000 halaga ng cocaine at ecstasy sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga suspek na sina Russel Tan, 27, nakatira sa Rosmar Cage Restaurant, Loyola St., Morayta, Maynila, at Jazel Cabresos, …
Read More »Basbas ni Esperon kailangan sa Phil Rise exploration
KAILANGAN kumuha ng permit ang mga dayuhang kompanya kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., bago makapagsagawa ng scientific research sa Benham / Philippine Rise. Ito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Ani Roque, lahat ng lisensiyang naipagkaloob para sa pagsasagawa ng scientific research sa Philippine Rise ay kanselado na. “They …
Read More »Markadong oligarch intrigador sa 3rd telco (Ipabubusisi sa BIR)
“DO not fuck with government.” Ito ang babala ni Pngulong Rodrigo Duterte sa isang markadong oligarch . Nagbanta ang Pangulo na ipabubusisi ang kita ng nasabing oligarka sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Sa press briefing kahapon , sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, galit si Pangulong Duterte sa kompanyang Connectivity Unlimited Resource Enterprise, Inc. (CURE) na nakakuha ng libreng …
Read More »Barangay, SK polls tuloy sa 14 Mayo
TULOY na ang Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 14 Mayo makaraan ang ilang serye ng pagkaantala nito. Inianunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Commission on Elections nitong Martes, na ang election period ay mula 14 Abril hanggang 21 Mayo. Ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay mula 14-20 Abril habang ang …
Read More »3 komentarista arestado sa libel (Sa NUJP Alert)
INARESTO ang tatlong radio commentators sa Quezon nitong Martes, 6 Pebrero, makaraan isyuhan ng warrant of arrest sa kasong multiple libel na inihain ni Minority Floor Leader Danilo Suarez. Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines sa kanilang NUJP Alert sa social media. Bukod sa mambabatas na Suarez, may inihain din na serye ng libel cases si …
Read More »