Saturday , April 27 2024

Endangered na kuwago natagpuan sa Palawan

IBINIGAY sa mga awtoridad ng isang environmental management graduate sa lalawigan ng Palawan ang isang sugatang spotted wood owl (Strix seloputo) noong Sabado, 4 Hulyo, matapos matagpuan sa bayan ng Aborlan.

Kinilala ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ang nakakita ng sugatan at hinang-hinang ibon na si Mylene Ledesma, alumnae ng Western Philippine University (WPU) at residente sa Barangay Ramon Magsaysay sa naturang bayan.

Nabatid na unang nakita ng nanay at ate ni Ledesma ang kuwagong nakahandusay sa sa lupa at may malalim na sugat sa kanang pakpak.

Ayon sa PCSDS Wildlife Traffic Monitoring Unit (WTMU) and Enforcement Team, may habang 44 sentimetro ang ibon mula sa ulo hanggang buntot, may wingspan na 72 sentimetro, at tinatayang tumitim­bang ng 1.2 kilo.

Mula sa tanggapan ng PCSDS, inilipat ang ibon sa isang pasilidad kung saan siya lalapatan ng kaukulang atensiyong medikal.

Ang Spotted Wood Owl ay nakalista bilang “Endangered Species” sa PCSD Resolution No. 15-521 at protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Kalimitang nakikita ang ibon sa mga lugar na nakapaligid sa Borneo at kilalang mga subspecies nito na, Strix seloputo wiepkini, endemic sa mga isla ng Calamian, sa hilagang silangang bahagi ng lalawigan ng Palawan.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *