INATASAN kahapon ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) na magsagawa ng inspection sa mga gusali at infrastructures na pag-aari ng gobyerno dahil sa nangyaring pagyanig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake na tumama sa Luzon kabilang ang Metro Manila nitong Lunes nang hapon. Sa isang memorandum na ipinalabas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, …
Read More »Masonry Layout
LRT 1 & 2, MRT-3, PNR bumiyahe na kahapon
PAWANG “fit for operations” kaya’t balik na sa normal ang operasyon ng mass railway system sa bansa kabilang ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, Metro Rail Transit (MRT-3) at Philippines National Railways (PNR) kahapon ng umaga. Inihayag ito ng Department of Transportation (DOTr), matapos masiguro na pawang “fit for operations” ang mga naturang linya ng tren. “With …
Read More »Paa ipinaputol ng saleslady para makaligtas (Sa gumuhong Chuzon Supermarket)
PINILI ng isang 25-anyos babae na ipaputol ang kaniyang paa upang makaligtas mula sa pagkakaipit sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Lubao sa lalawigan ng Pampanga sanhi ng magnitude 6.1 lindol kamakalawa, Lunes, 22 Abril. Tatlong oras nakulong sa loob ng gusali ng Chuzon Supermarket si Maria Martin, kung saan siya ay dalawang taon nang nagtatrabaho bilang tindera ng …
Read More »6.5 lindol yumanig sa Visayas
HINDI pa man nakababangon sa pinsalang dulot ng magnitude 6.1 lindol ang Luzon, sumunod na niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Visayas na naitalang nasa San Julian, Eastern Samar ang epicenter at may tectonic origin kahapon, 23 Abril. Naramdaman ang Intensity 5 lindol sa Tacloban City, Catbalogan City, at Samar; samantala Intensity 4 ang naramdaman sa Masbate City, Legazpi City …
Read More »16 death toll sa lindol sa Luzon
UMAKYAT na sa 16 ang bilang ng mga kompirmadong binawian ng buhay matapos ang magnitude 6.1 lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kamakalawa nang hapon. Pinakamalaking pinsala ang dinanas ng lalawigan ng Pampanga na naitala ang karamihan ng nasawi. Lima sa 16 namatay ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac; pito mula sa iba …
Read More »Mahinang pundasyon ng Chuzon supermarket sinisi ng pangulo
HINDI sapat ang pundasyon ng Chuzon Supermarket dahil dalawang palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag. Ito ang sanhi nang pagguho ng naturang establisimyento, batay sa inisyal na ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secretary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon. Inatasan ni Pangulong Duterte ang pulisya at DPWH na imbestigahan ang …
Read More »Pampanga isinailalim sa state-of-calamity
MATAPOS irekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim ang probinsiya ng Pampanga sa state-of-calamity matapos tamaan ng malakas na lindol noong Lunes nang hapon, agad nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyon para rito. Si Arroyo, ang kinatawan ng pangalawang distrito ng Pampanga na nakasasakop sa Porac, isa sa mga grabeng napinsala ng lindol, ay nagpahayag nang pagkalungkot sa insidente …
Read More »MKP duda sa pangakong brownout-free elections ng DOE
IPINAHAYAG ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang kanilang pagdududa sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi mawawala ang suplay ng koryente sa panahon ng senatorial at local elections sa 13 Mayo. Sa isang pulong balitaan kamakailan, ipinadama ng tatlong nominee ng MKP ang kanilang pagkadesmaya sa lumilitaw na kahinaan ng DOE na mapagtibay ang generation companies …
Read More »2 kelot timbog sa tupada
DINAKIP ng pulisya ang dalawang lalaki matapos maaktohang nagsasagawa ng tupada sa Marilao, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Amado Mendoza, Jr., acting police chief ng Marilao police, ang mga suspek na sina Mark Anthony Raymundo Moscare, 29 anyos, binata, security guard; at Jaime Pascual Arenas, 50 anyos, may-asawa, isang driver, at kapuwa residente sa Brgy. Sta. Rosa sa naturang …
Read More »ARAL prayoridad ng Ang Probinsyano Party-list
PRAYORIDAD ng Ang Probinsyano Party-List ang pagsusulong ng programang Access Roads to all Learners (ARAL) sa pakikipag-ugnayan sa DPWH. “Ang edukasyon ay malaking bahagi ng pag-aangat ng antas ng pamumuhay ng mga nangangailangan nating mga kababayan sa probinsya kaya’t ito ay isa sa mga focus areas ng Ang Probinsyano Party-List,” ayon kay APPL nominee at youth advocate na si Alfred Delos Santos. …
Read More »Grace Poe, sure na No. 1 senatoriable
MALAKI ang paniniwala ng mga eksperto sa politika na hindi na matitibag at sigurado nang magiging No. 1 sa nalalapit na May 13 elections si Senadora Grace Poe. Ayon kay STORM political strategist Perry Callanta, malaking bagay ang “FPJ Magic” kaya mabango sa mga botante si Sen. Poe bilang No. 1 senatoriable. “Walang makatitibag kay Sen. Grace Poe bilang No. …
Read More »Kandidatong ‘di corrupt, pamantayan sa halalan — Koko Pimentel
NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa resulta ng isang survey na 25 porsiyento ng mga tinanong ang may gusto sa isang kandidato na hindi corrupt at ito ang pinakaimportanteng katangian ng isang halal na opisyal. “Ang mga sentimyentong iyan ay produkto ng mahaba at masamang experience natin sa korupsiyon sa gobyerno. Most of our people have the sense …
Read More »‘Destab plot’ kaduda-duda — Solon
BINATIKOS ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Malacañang at ang hepe ng Philippine National Police kaugnay sa ‘di makatotohanang pagtatatangkang guluhin ang gobyernong Duterte. Ani Villarin, ang rebelasyon ng Malacañang patungkol sa “destabilization plot matrix” at ang depensa ni PDG Oscar Albayalde sa istoryang ito ay nakadududa. “The matrix has no probative value and should have been dismissed outright as …
Read More »Asunto vs destabilizers malabo pa
HINDI pa idedemanda ng Malacañang ang mga personalidad na nabisto nilang nagsabwatan para pabagsakin ang administrasyong Duterte. “Wala, hahayaan lang namin sila… sa ngayon ha, sa ngayon. Kasi if the plot thickens and they perform acts which are already violation of the penal laws, that’s a different story,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon. …
Read More »Magnitude 6.1 yumanig sa Luzon… 5 patay sa lindol (Porac nasalanta)
LIMA katao ang binawian ng buhay habang 20 ang sugatan matapos yanigin ng malakas na lindol ang Luzon kabilang ang lalawigan ng Pampanga nitong Lunes nang hapon. Sinabi ni Gob. Lilia Pineda ng Pampanga, dalawang matanda ang binawian ng buhay sa bayan ng Lubao at tatlo pa ang nasawi sa gumuhong gusali a bayan ng Porac. Dagdag ni Gob. Pineda, …
Read More »Grace Poe, topnotcher sa lahat ng survey
KUNG pagbabatayan ang resulta ng lahat ng survey, pinakahuli ang isinagawang nationwide survey ng grupong Magdalo na inilabas ni Senador Antonio Trillanes IV kamakailan, tiyak nang mangunguna si Senadora Grace Poe sa mga kandidatong senador sa midterm elections sa 13 Mayo 2019. Laging nangingibabaw ang pangalan ni Poe bilang top choice for senator sa survey ng Pulse Asia, Social Weather Station, …
Read More »Easter Sunday sa Sri Lanka binulabog ng 8 pagsabog
NABULABOG ang buong mundo ng walong kahindik-hindik na mga pagsabog sa bansang Sri Lanka na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 160 katao kabilang ang ilang dosenang banyaga, at puminsala ng mga high-end na hotel at mga simbahang nagdaraos ng misa bilang pagdiriwang sa Linggo ng Pagkabuhay. Mariing kinondena ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe ang mga pag-atake na itinuturing …
Read More »Kahit binabanatan ng Pangulo Mar Roxas, pokus pa rin
POKUS lang si Mar Roxas sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isusulong niya sa pagbabalik sa senado. Si Roxas na ibinotong number one at nakakuha ng highest votes sa kasaysayan ng senado noong 2004, ay nangakong hindi masisiraan ng loob sa mga ipinaglalaban niyang katatagan ng kabuhayan ng …
Read More »Ang Probinsyano Party-List tutol sa ban vs provincial buses sa EDSA
TINUTULAN ng Ang Probinsyano Party-List ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA. Papahirapan ng naturang plano ang probinsyanong commuters samantala wala naman itong maiaambag upang maibsan ang mala-delubyong kalagayan ng trapiko sa EDSA, ayon sa Ang Probinsyano Partylist. Binigyang-diin ng Ang Probinsyano na maliit na bahagi lamang o apat …
Read More »Video ng dalagang nakahubad bantang ikalat kelot arestado
KALABOSO ang isang lalaki sa Bulacan matapos ireklamo ng isang dalagang kanyang pinagbantaang ikakalat ang video ng katawang hubad. Sa ulat mula kay P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang suspek ay kinilalang si Aldrin Pingol, 21-anyos. Nabatid na pinagbantaan ni Pingol na ia-upload ang video ng hubad na katawan ng biktima kung hindi papayag na makipagtalik sa kanya. Sinasabing …
Read More »5 bagets arestado sa droga
LIMANG bagets kabilang ang isang menor de edad ang arestado makaraang makuhaan ng mga pulis ng ilegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 commander P/Maj. Merben Bryan Lago, dakong 11:00 pm nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang isang insidente sa kahabaan ng 2ndAve., Brgy. 41. Pagdating sa lugar, …
Read More »Veto ng Pangulo sa ilang probisyon ng budget hindi nangangahulugang ilegal
HINDI nangangahulugang taliwas sa Saligang Batas ang ilang panukalang alokasyon sa budget na ini-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang ipinaglaban ng Kamara na panukalang budget ay lulusot sa masugid na pagsusulit sa pagiging “constitutional” nito. “The President knows what is best for the country and our people,” ani Andaya. Ani Andaya, naipasa ng Kamara …
Read More »Kapayapaan sa Pasko ng Pagkabuhay — Duterte
MAGING instrumento ng kapayapaan at piliin ang mabuti at makapagpapaunlad sa pananampalatayang Kristiyano at ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa kanyang Easter Sunday message kahapon. Hinimok niya ang lahat na gawing inspirasyon ang sakripisyo ng Tagapagligtas sa krus at pagsagip sa kasalanan ng sanlibutan. “May this time of new beginnings …
Read More »P1-B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil
HINAMON ng Kalipunan ng Masang Pilipino-QC chapter si 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bilyong pork barrel nito magmula nang maging mambabatas. Ayon kay Ariel Casing, QC Kampil vice chairman, puro arkong bato lamang na may higanteng pangalan ni Crisologo ang nakikita ng publiko sa kanyang distrito. Bukod dito, may waiting …
Read More »‘Chairman’ nambuntis ng info officer (Termino hindi matatapos)
“PAGSISIKAPAN ko, your honor, na hindi ako matulad sa kanila, na hindi ko matapos ang termino ko.” Ito ang pahayag ng isang mataas na opisyal ng isang ahensiya matapos manumpa sa Commission on Appointments (CA) sa pagkakatalaga sa kaniya bilang pinakabatang chairman ng isang maimpluwensyang ahensiya ng gobyerno. Pero tulad ng mga sinundan at pinalitan niyag opisyal sa nasabing ahensiya, …
Read More »