“HARASSMENT is not his cup of tea.” Ito ang pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa sinasabi ng ilang US Senators na political harassment ang ginagawa ng administrasyong Duterte kay Senator Leila De Lima. Binigyang diin ni Go, bago manghimasok ang senador ng ilang bansa sa mga nangyayari sa Filipinas ay dapat muna nilang masiguro kung may …
Read More »Masonry Layout
5 arestado sa hiwalay na buy bust operation
HOYO ang isang tulak ng ilegal na droga at kasabwat matapos madakip ng mga pulis habang limang katao pa ang nadakip sa hiwalay na buy bust operations sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw. Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Wilfredo Ferrer, 38, tubong Meycauayan, residente sa #201 Juan …
Read More »Habang nasa motorsiklo… Pulis-Maynila inatake sa puso
BINAWIAN ng buhay sa ospital ang isang pulis-Maynila makaraang atakehin sa puso habang lulan ng kanyang motorsiklo papasok sa trabaho sa Tondo, Maynila kamakalawa ng umaga. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang biktimang si P/Lt. Raul Imperial na papunta sa MPD Police Station 5 nang atakehin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Chesa St., Tondo dakong …
Read More »‘Tirador’ ng road signs may kulong at multa sa HB No. 2090 ni Abu
HUWAG kang magnakaw, lalo ng road signs. Ito ay ipinahiwatig ni Batangas Rep. Raneo Abu sa isang panukalang batas sa Kamara. Ani Abu, sa pagdinig ng House committee on revision of laws dapat maparusahan ang mga nagnanakaw at sumisira ng road signs at iba pang warning devices sa kalsada. Ang panukala ni Abu ay inaprobahan ng House Committee on Revision …
Read More »Show Cause Order vs 106 Manila brgy. chairmen isinilbi ng DILG
INIHAYAG ng Department of Interior and Local Government (DILG) nasa 106 barangay chairpersons sa Maynila ang pinadalhan ng show cause order sa hindi pagsunod sa ipinatupad na nationwide clearing operations. Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, sa nasabing bilang ng mga chairpersons, anim ang hindi sumagot. Dahil dito, nakatakda nilang sampahan ng kaso sa Office of the …
Read More »Bilin ng Palasyo sa publiko: Kumalma pero maging handa
NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado kasunod ang magnitude 6.9 lindol na yumanig sa Mindanao kahapon. Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kailangan maging alerto ang publiko sa mga inaasahang aftershocks. Hinikayat ng Office of the President ang publiko na iwasang magkalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng alarma at panic sa mga apektadong komunidad. Tiniyak …
Read More »Sa Davao del Sur… Batang babae patay, 18 pa sugatan sa 6.9 magnitude lindol
ISANG 6-anyos batang babae ang iniulat na namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang yanigin ng magnitude 6.9 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur dakong 2:11 pm kahapon, 15 Disyembre. Kinilala ang batang binawian ng buhay na si Cherbelchen Imgador, natamaan ng nahulog na debris nang hindi agad makalabas ng kanilang bahay sa Barangay Asinan, bayan ng Matanao, …
Read More »Ratipikasyon ng P4.1-T national budget tututulan ni Sen. Ping
SINABI ni Senador Panfilo Lacson, boboto siya tutol sa ratipikasyon ng P4.1 trilyong national budget para sa 2020 matapos itong aprobahan sa Bicameral Conference Committee kahapon ng umaga. Ayon kay Lacson, kanyang tututulan ang ratipikasyon ng budget dahil sa ‘insertion’ ng House of Representatives na nakita ng senador. Ito aniya ang dahilan kaya hindi siya dumalo kaninang umaga sa paglagda …
Read More »Laban sa kahirapan… Family planning palalakasin — NEDA
PALALAKASIN ng pamahalaan ang family planning program kasabay ng pagsisikap na mapababa pa ang antas ng kahirapan sa bansa. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia, sadyang napabayaan ang naturang kampanya ng gobyerno na unang inilunsad noong 1969 at natigil noong late 70s. Sinabi ni Pernia, naging malaki ang epekto ng hindi pagkakasustina ng naturang programa …
Read More »Traslacion ng Black Nazarene hindi ligtas sa Jones Bridge
HINDI ligtas sa Jones Bridge ang Traslacion ng Black Nazarene, sa malalapit na kapistahan nito sa 9 Enero 2020. Ayon kay MPD Director P/BGen. Bernabe Balba, puspusan ang paghahanda ng pulisya, at mga kinatawan ng Minor Basilica of the Back Nazarene sa Quaipo upang mapaghandaan nang mabuti ang isasagawang Traslacion. Nabatid, iibahin ang ruta ng prusisyon at maaari itong paraanin …
Read More »Maynilad, Manila Water bumigay kay Duterte
BUMIGAY ang Maynilad at Manila Water sa kagustohan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya papayag magbayad ang gobyerno sa concessionaires ng tubig ng mahigit P11 bilyon sa kasong isinampa laban sa gobyerno sa Singapore Permanent Court of Arbitration. Sa pagdinig ng House committee on good government kahapon, sinabi ni Jose Almendras, presidente at CEO ng Manila Water; at Ramoncito …
Read More »Banta ni Duterte: Suspensiyon ng habeas corpus vs water concessionaires
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendihin ang writ of habeas corpus kapag nabigo ang mga abogado ng gobyerno at mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nagbalangkas ng mga kasunduan sa Manila Water at Maynilad noong 1997. Inihayag kagabi ng Pangulo ang kanyang paanyaya para sa isang pulong sa MWSS executives at government lawyers noong 1997 …
Read More »Martial Law sa Mindanao tinuldukan ng Palasyo
TINULDUKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na batas militar sa Mindanao sa nakalipas na dalawang taon at pitong buwan. Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Salvadaor Panelo, hindi na palalawigin ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao sa pagtatapos nito sa 31 Disyembre 2019. Ang pasya ng Pangulo ay kasunod sa pagtaya ng security at defense advisers na humina …
Read More »P4-B ‘maglalaho’ sa Marawi rehab
HIGIT sa P4-bilyon ang nanganganib mawala sa rehabilitasyon ng Marawi City kung hindi ito gagastusin sa bayan na winasak ng gera sa pagitan ng gobyerno at mga extremist na Muslim. Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang P4-bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay malapit nang mag-expire at babalik sa national treasury. Ani Hataman, malaking inhustisya para …
Read More »Kahit hindi nakasama sa Top 10 finalists… Miss PH Gazini Ganados pinuri ng Malacañang
HINDI man nasungkit ang Miss Universe 2019 crown, binati pa rin ng Palasyo si Miss Philippines Gazini Ganados. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil sa maayos na naipresenta ni Ganados ang Filipinas sa prestihiyosong patimpalak na ginanap sa Atlanta, Georgia sa United States of America (USA). Ani Panelo, naipagmalaki at nagbigay ng karangalan si Ganados sa pamamagitan …
Read More »May discrepancy pa sa Kamara at Senado… Pambansang budget aprobado sa Martes
AAPROBAHAN ng Kamara ang P4.1-trilyong pambansang budget sa Martes sa susunod na linggo. Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab, tatapusin nila ang bicam sa 2020 budget sa Martes ng umaga para sa hapon ay maratipikahan na ito sa plenaryo ng dalawang kapulungan. Sinabi ni Ungab na sinisikap nilang makamit ang target sa mas maagang aprobasyon ng budget …
Read More »Dalagitang housekeeper inutusan makipag-sex chat 2 Chinese national kalaboso
NAHAHARAP sa kaso ang isang babae at lalaking Chinese national nang ireklamo ng isang dalagitang housekeeper na umano’y binayaran ng P200 kapalit ng sex-chat sa Las Piñas City nitong Linggo ng gabi. Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti Trafficking in Person Act; RA 10175, Anti Cybercrime Law; at RA 76109, Child Abuse, ng pulisya ang mga suspek …
Read More »Kareretirong pulis, patay sa buy bust
PATAY ang isang kareretirong pulis, na isang drug suspect makaraang manlaban sa mga operabita ng pinagsanib na Quezon City Police District (QCPD) sa isang buy bust operation sa lungsod, kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Elmer Monsalve, ang napatay ay kinilalang si retired …
Read More »AFP & PNP generals initusan: Opisyal ng 2 water concessionaires ‘patayin’ — Duterte
“UBUSIN ang mga opisyal ng Manila Water at Maynilad.” Ito ang pabirong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ARMED Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Noel Clement. “Gusto ko silang makausap. Hindi ito maaareglo kung hindi ko makausap ang nagawa nitong kontratang ito. Tatawagan ko si Clement, ‘Padala ka rito M16, dalawa. Pag alis ko riyan, put*ng …
Read More »Cayetano handang humarap sa imbestigasyon
HANDANG humarap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ng Ombudsman patungkol sa mga alegasyon ng korupsiyon na may kaugnayan sa pagpatakbo ng Southeast Asian (SEA) Games. Nagbanta si Cayetano sa mga kritiko niya na kanyang bubuweltahan. Dalawang linggo na, aniya, na sinabi niyang handa siya sa mga imbestigasyon. “Two weeks ago, when the SEA Games was under attack …
Read More »SEA Games overall champ, galing ng Pinoy, lumutang… “WE WON AS ONE”
DETERMINADONG atletang Pinoy, masikap na administrasyong Duterte, at hindi sumusukong Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pang sports officials, natupad ang pangarap ng sambayanang Filipino na makuha ang korona sa patapos na 30th Southeast Asian (SEA) Games. Pormalidad na lamang ang hinihintay bago opisyal na itanghal bilang overall …
Read More »Mayorya ng mga Pinoy nababahala… Chinese workers banta sa seguridad
MARAMING Pinoy ay nababahala sa paglobo ng bilang ng Chinese workers sa bansa, na ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) — 52 percent ng respondents — ay naniniwalang banta sa pambansang seguridad ang mga nasabing dayuhan. Sa nationwide poll na isinagawa noong 27-30 Setyembre 2019 sa 1,800 adults, lumitaw na 70 percent ng mga Pinoy ay naaalarma …
Read More »TRO inihain ng consumers safety group… Pasahero delikado sa nagsulputang motorcycle taxis
ISANG commuters safety advocacy group ang naghain ng petition for injunction with application for a temporary restraining order (TRO) laban sa limang motorcycle taxi groups na wala umanong experience at walang track record para mamasada. Binigyang-diin ng grupo na malaking banta ito sa kaligtasan ng mga pasahero at ng publiko. Ayon kay dating QC councilor Atty. Ariel Inton, ng Lawyers …
Read More »Sa hosting ng SEA Games… Delegadong dayuhan hats off sa PH
PATULOY na umaani ng papuri at pasasalamat mula sa sports officials at atletang dayuhan ang pagho-host ng Filipinas sa 30th SEA Games. Partikular dito ang pag-iral ng pusong Pinoy kahit kapalit nito ang siguradong pagkapanalo ng gintong medalya. Todo-todo ang pasasalamat ng Indonesian Sports officials sa Filipinas lalo sa Pinoy surfer na si Roger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal …
Read More »PH humahakot ng gold… Duterte super saya sa SEA Games
PINAPURIHAN ni Pangulong Duterte ang opening night ng South East Asian games o SEA Games kasama na ang lahat ng grupo at indibidwal na nasa likod nito. Lalo pang natuwa ang pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang Pinoy athletes sa unang araw ng kompetisyon noong Linggo at patuloy na namamayagpag kahapon. Kabilang sa pinapurihan ng Pangulo ang organizers, performers …
Read More »