PATAY ang isang lalaking suspek sa pananaga at pamumugot ng ulo sa lalawigan ng Rizal, sa enkuwentro laban sa mga pulis-Zambales nitong Miyerkoles ng umaga, 7 Oktubre. Kinilala ng PNP-AKG ang napatay na suspek na si Edison Villaran, inisyuhan ng arrest warrant ng Regional Trial Court Branch 69 sa Binangonan, Rizal dahil sa pamamaslang. Ayon sa ulat, ihahain ng mga …
Read More »Masonry Layout
7 karnaper sa Munti, nakorner sa Bulacan
NASAKOTE ang pitong karnaper mula sa lungsod ng Muntinlupa, sa mainit na pagtugis ng pulisya laban sa mga suspek sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, kahapon ng umaga, 7 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong suspek na sina Christian Golez, Marlon Reyes, Jephreil Pulpulaan, Jayson Tiangco, Kevin Sabido, Charmaine …
Read More »Ferry terminal, itatayo sa Rizal (Para iwas trapik)
INILATAG na ang groundbreaking ceremony ng itatayong ferry terminal na uugnay sa Rizal at Makati upang maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila. Tiniyak ito ni 2nd District Congressman Fidel Nograles upang mapabilis ang biyahe at inaasahang darami ang investor sa lalawigan ng Rizal. Magmumula ang konstruksiyon ng terminal sa bayan ng Cardona at bahagi ito ng itatatag na …
Read More »4 lolang nagkakape todas sa pick-up ng 62-anyos driver
APAT na lola, pinakabata ang 65-anyos sexagenarian, isang septuagenarian, at dalawang octogenarian, ang hindi nakaligtas sa kamatayan, nang banggain ng pick-up na nawalan ng preno at sinabing minamaneho ng isang 62-anyos driver, habang nagkakape sa isang tindahan sa Barangay Bae, Jimalalud, Negros Oriental nitong Miyerkoles ng umaga, 7 Oktubre. Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Milagros Garsula, 82 anyos, …
Read More »Pasig River Ferry System suspendido sa water lilies
SUSPENDIDO ang operasyon ng Pasig River Ferry System (PRFS) dahil sa makapal na water hyacinth sa ilog Pasig. Ang suspensiyon ay inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa makapal na water lily sa Ilog Pasig ay nahirapang makabiyahe nang maayos ang mga ferry boat. Naging mabilis umano ang pagdami ng water lily sa ilog tuwing sasapit ang tag-ulan …
Read More »Navotas positivity rate bumaba sa 5%
NAABOT ng Navotas city ang threshold ng World Health Organization (WHO) na limang porsiyentong positivity rate sa CoVid-19. Ang City Health Office ay nakapagtala ng 72 bagong kaso mula sa 1,458 tests na isinagawa mula 27 Setyembre hanggang 3 Oktubre 2020. “A low positivity rate suggests that there are fewer people in Navotas getting infected with the coronavirus disease (CoVid-19) …
Read More »Traditional jeepneys hayaang bumiyahe
DAPAT ipahinto ng Department of Transportation (DOTr) ang public utility vehicle (PUVs) modernization program sa panahon ng matinding epekto ng pandemyang CoVid-19 sa mga driver at kanilang mga pamilya. Sa unang pagkakataon, nagsama ang mga lider ng anim na transport groups mula nang mag-lockdown, at isinumbong nila kay Senator Imee Marcos ang mga hinaing ng jeepney drivers sa isang meet-and-greet …
Read More »Modernisasyon ng immigration sagot vs korupsiyon (Isinulong sa Senado)
NANINIWALA si Senator Christopher “Bong” Go na mas marami ang tapat na mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI) kaysa tiwali kaya dapat maihiwalay ang mga bulok sa kawanihan. “Naniniwala pa rin naman ako na mas marami ang matitinong tao riyan sa Bureau of Immigration, kaya huwag natin hayaang makahawa po itong mga bulok na empleyado diyan sa …
Read More »Sugatang pulis pinarangalan ni Gen. Danao
MABILIS na nagtungo si PRO-4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., upang personal na makita ang kalagayan ng isang pulis ng Amadeo Municipal Police Station na inoobsebahan sa General Trias Doctors Hospital dahil sa tama ng bala mula sa isang lalaking amok na nagpaputok ng baril sa Barangay Pangil, Amadeo noong gabi ng 5 Oktubre. Kaugnay nito, pinarangalan ni Danao …
Read More »Gov. Mamba butata sa Palasyo
ni ROSE NOVENARIO SINOPLA ng Malacañang ang pahayag ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na dapat bawasan ang sahod ng mga guro dahil wala ‘umano’ silang ginagawa habang may CoVid-19 pandemic. “Hindi po kami naniniwala na walang ginagawa ang mga guro at nagpapasalamat nga po kami ngayon sa mga guro dahil ang tagumpay po nitong blended learning ay nakasalalay din sa …
Read More »“Expropriation” ng PECO assets pabor sa MORE (Kinatigan ng korte)
LAHAT ng distribution assets ng dating electric utility na Panay Electric Company (PECO) ay maaari nang legal na bilhin ng bagong power firm sa Iloilo City na More Electric and Power Corp (More Power) matapos ipag-utos ng Iloilo City Regional Trial Court na isama ang iba pang assets ng kompanya sa inihaing writ of possession (WOP). Sa 22-pahinang desisyon ni …
Read More »Dating sports writer, may death threats
ISANG dating mamamahayag na ngayon ay general manager ng isang construction firm ang nagpa-blotter sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) dahil sa death threats na kanyang natatanggap mula sa kanyang dating ahente at tatlong dating empleyado na kanyang sinibak sa kompanya dahil sa ginagawa umanong katiwalian. Ang mga suspek na inireklamo ay kinilalang …
Read More »69 bagong CoVid-19 recovery naitala sa Mandaluyong
NAITALA sa lungsod ng Mandaluyong ang 69 bagong pasyenteng gumaling mula sa CoVid-19 kamakalawa, 5 Oktubre. Sa datos ng Mandaluyong Health Department, dakong 4:00 pm noong Lunes, nasa 4,858 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lungsod, 487 dito ang aktibong kaso. Naitala rin ang 20 itinuturing na probable cases, 1,540 suspected cases at 1,285 ang cleared na. …
Read More »Misis na sakay patay mister na driver sugatan (Tricycle sinoro ng SUV)
BINAWIAN ng buhay ang isang misis na sakay ng tricycle matapos silang banggain ng isang humaharurot na sport utility vehicle (SUV) sa Quirino Highway, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 5 Oktubre. Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Sharon Ancheta, habang sugatan ang kaniyang mister na driver ng tricycle na si Genesis Ancheta. …
Read More »3 estudyanteng nasa online class, may-ari, sugatan (10-wheeler truck sumalpok sa computer shop)
TATLONG estudyante at negosyante ang sugatan, isa ang malubha, habang nakikipag-ugnayan sa kanilang online classes, dahil sa pagsalpok ng isang 10-wheeler truck sa isang computer shop sa bahagi ng Maharlika Highway, sa lungsod ng Ligao, lalawigan ng Albay, nitong Martes, 6 Oktubre. Kinilala ni P/SSgt. Joel Llamas, imbestigador ng Ligao City police, ang mga biktimang sugatan na sina Nikko …
Read More »Sanggol, ina hindi dapat magutom
INIHAYAG ni Sen. Grace Poe na dapat paigtingin ng pamahalaan ang pagkilos upang matiyak na walang sanggol at ina na makikipagbuno sa gutom sa gitna ng krisis sa kalusugan dulot ng CoVid-19. “Kinakailangan magkaroon ng tuloy-tuloy na inisyatiba sa nutrisyon upang mapigilang maging legasiya ng pandemyang CoVid-19 ang gutom at malnutrisyon sa mga sanggol at ina,” ayon kay Poe, …
Read More »Bilyones na pera ng bayan, napunta sa korupsiyon – Duterte
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilyones na pera ng bayan ang ‘naaksaya’ bunsod ng korupsiyon sa gobyerno kaya nais niyang sagutin ng pamahalaan ang gastos para sa pamamahagi ng libreng Beep cards sa mga pasahero. “Card lang naman ‘yan, ibigay na ‘yan libre. Bakit pabayaran pa ‘yan? We have been wasting so many billions to corruption tapos ‘yan …
Read More »Andanar, isumbong kay Duterte – Roque (Sa anomalya sa IBC-13)
HINIMOK ng Palasyo ang mga manggagawa ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na isumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga anomalyang nagaganap sa state-run television network. Ang IBC-13 ay nasa pangangasiwa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ni Secretary Martin Andanar. “Kung ang unyon po ay gustong mag-imbestiga ang Office of the President e lumiham po kayo …
Read More »Shabu ipinasisira ni Duterte, SC (Ebidensiya sa Korte)
PAREHONG pabor ang Korte Suprema at si Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang mga ebidensiyang shabu laban sa drug personalities matapos itong dumaan sa imbentaryo. Paliwanag ito ng Palasyo kasunod ng direktiba ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi na sirain ang lahat ng nakaimbak na ebidensiyang shabu sa drug -related cases. Kinonsulta ni Presidential Spokesman Harry Roque si …
Read More »P2.2-B expired, overstocked na gamot, ipamudmod — Palasyo
IPAMAHAGI ang mahigit P2 bilyong halaga ng gamot na malapit nang mag-expire at nakatambak lamang, gayondin ang medical, at dental supplies. Direktiba ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) kasunod ng lumabas na Commission on Audit (COA) 2019 annual audit report na nagtatago ang DOH ng mahigit P2 bilyong halaga ng “expired, overstocked or nearly expired medicines …
Read More »Duterte ‘kangaroo court’ ni Duque
MISTULANG nagsilbi si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘kangaroo court’ na nag-absuwelto kay Health Secretary Francisco Duque III mula sa lahat ng anomalyang naganap sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sinabi ng Pangulo, sa isinagawang imbestigasyon sa PhilHealth scandal, walang natuklasang sapat na ebidensiya upang iugnay si Duque sa katiwalian, gaya ng pagbili ng overpriced computers. “I have read the findings. …
Read More »Meralco consumers kina Cayetano, Velasco: Isipin rin ninyo kami!
NANAWAGAN ang mga konsumer ng Manila Electric Company (Meralco), kabilang ang Power for People Coalition (P4P), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), Freedom from Debt Coalition (FDC), at Sanlakas kina Speaker Alan Peter Cayetano at House Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco na pagtuunan ang ‘no-disconnection deadline’ ng “bill shock.” Matatandaan na October 31 ang huling araw na ibinigay na …
Read More »80-anyos doktor, Kasambahay, 71 patay sa sunog (Nakulong sa bahay)
HINDI nakaligtas sa sunog ang isang 80-anyos doktor at kaniyang 71-anyos kasambahay nang bigong makalabas sa nasusunog na bahay sa Samabag I, sa lungsod ng Cebu, noong Linggo ng gabi, 4 Oktubre. Kinilala ang mga biktimang sina Dr. Glenda Mayol-Neri, 80 anyos, at kaniyang kasambahay na si Francisca Formentera, 71 anyos. Ayon kay FO2 Fulbert Navarro ng Cebu …
Read More »Wanted sa Aklan timbog sa Bulacan
ARESTADO ang isang ‘most wanted person’ dahil sa kasong rape, sa pagpapatuloy ng anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang noong Linggo, 4 Oktubre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si John Lee Villegas, kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa lalawigan ng Aklan. Hindi …
Read More »Biñan council secretary, doktor todas sa ambush
PATAY ang kalihim ng Biñan City Council sa lalawigan ng Laguna, na si Edward “Edu” Alonte Reyes, at ang kasamang doktor, nang tambangan at pagbabarilin noong Linggo ng gabi, 4 Oktubre, sa Barangay San Antonio, sa bayan ng Biñan. Miyembro si Reyes ng kilalang angkan ng mga politiko sa nasabing lungsod, at pinsan ni Biñan Rep. Marlyn Alonte. …
Read More »