Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

P10K cash-aid isinulong ni Cayetano at aliados

PINANGUNAHAN ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang asawang si Taguig Rep. Lani Cayetano ang paghahain ng House Bill 8597, Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program, na naglalayong mamahagi ng dagdag na ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemyang CoVid-19. Iminumungkahi nitong mabigyan ang bawat pamilya ng P1,500 o P10,000, alinman ang mas mataas depende sa bilang ng …

Read More »

Pananakot ni Parlade sa lady journo kinondena (Journalism is not terrorism)

HATAW News Team MARIING kinondena ng iba’t ibang grupo ang pagbabanta ni Lt. General Antonio Parlade sa isang lady journalist na isinulat ang balita kaugnay sa oral arguments sa kontrobersiyal na Anti-Terror Act (ATA) sa Korte Suprema. Nagbanta si Parlade, na gagamitin ang ATA laban kay inquirer.net reporter Tech Torres-Tupas ay nagbigay katu­wiran sa mga argumento na ang batas ay …

Read More »

2 Aeta na tinortyur at pinakain ng ebak ng militar sumali sa petisyon vs Anti-Terror Law

DALAWANG Aeta sa Zambales, buena mano na sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Terror Act ang humiling sa Korte Suprema na sumali sa petisyon upang maibasura ang kontrobersiyal na batas. Sina Japer Gurung at Junior Ramos ay nakapiit mula pa noong nakalipas na Agosto nang akusahan ng military na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na bumaril sa grupo ng …

Read More »

Face-to-face campaign delikado (Sa 2022 polls)

ni ROSE NOVENARIO PABOR si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., na ipagbawal ang face-to-face campaign para sa halalan 2022 national elections dahil delikadong kumalat ang coronavirus disease (CoVid-19). Sinabi ni Galvez na malaking hamon at mapanganib ang personal na pangangampanya ng mga kandidato na mangangahulugan ng close contact sa mara­ming tao na maaaring maging sanhi …

Read More »

Notoryus na tulak 4 timbog sa drug den (Nasa drugs watchlist ng PDEA 3 at PRO3)

NASUKOL ang limang drug suspects sa ginawang paglusob ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead unit, Nueva Ecija Police Provincial Police Office, at Cabanatuan Station Drug Enforcement Unit sa minamantinang drug den ng mga suspek sa Villa  Benita Subd., Concepcion, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng umaga, 1 Pebrero. Arestado ng …

Read More »

Police ops pinaigting sa Bulacan 8 law offenders swak sa hoyo

ARESTADO ang walo kataong pawang lumabag sa batas sa serye ng police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 2 Pebrero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang unang apat na suspek sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng San Jose Del Monte, Malolos, at Santa Maria police stations katuwang ang Bulacan …

Read More »

Tulak dedbol, 12 arestado, sa PRO3 manhunt ops

PATAY ang isang hinihinalang tulak habang 12 ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na police operations noong nakaraang Biyernes, 29 Enero, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Base sa ulat ni P/Col. Marvin Joe Saro, direktor ng Nueva Ecija Provincial Police Office, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, kinilala ang napatay na si alyas Ipe, residente sa lungsod ng …

Read More »

Batilyo timbog sa shabu

shabu drug arrest

SA KULUNGAN bumagsak ng isang binatang batilyo makaraang mahulihan ng shabu ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City, kahapon ng hapon. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang suspek na si Florence Reyes, 30 anyos, resi­den­te sa Block 1 Market 3 Navotas Fish Port Complex (NFPC) Brgy. North Bay Boulevard North ng …

Read More »

Sundalong off-duty todas sa sariling baril

dead gun

PATAY ang isang sundalong off-duty na aksidenteng nabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Tukuran, lalawigan ng Zamboanga del Sur, nitong Linggo, 31 Enero. Kinilala ni P/Capt. Jubain Grar, hepe ng Tukuran police, ang biktimang si Army Staff Sergeant Neil Gonzales, na ayon sa mga nakasaksi ay aksidenteng nakalabit ang kanyang kalibre .45 baril habang …

Read More »

Pasay City kasado sa bakuna

Pasay City CoVid-19 vaccine

TINIYAK ng Pasay city government na nakahanda sila para magsagawa ng malawakang pagbabakuna sa kanilang lungsod sa sandaling dumating ang mga bakuna laban sa CoVid-19 na binili mula sa AstraZeneca. Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano noong Setyembre pa ng nakaraang taon ay naglaan na sila ng pondo para ipambili ng bakuna sakaling maging availablesa merkado. Una nang lumagda …

Read More »

Galvez kumontra sa anti-EU rant ng Pangulo

WALANG epekto sa Filipinas ang export control na ipinatutupad ng European Union (EU) sa CoVid-19 vaccine na gawa sa mga bansa sa Europa, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. Sinabi ni Galvez na makukuha pa rin ng Filipinas ang 17 milyong doses ng bakuna mula sa British drugmaker AstraZeneca dahil manggagaling ito sa kanilang planta sa Thailand. “Wala po …

Read More »

Mag-asawang call center agents todas sa pamamaril

gun shot

PATAY ang mag-asawang call center agents nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo sa Brgy. Maharlika, Taguig City. Kinilala ni Taguig City police chief P/Col. Celso Rodriguez ang mag-asawang biktima na sina Marcelo Tomas, 54, at ang asawa nitong si Zener Tomas, 41, ng Block 142 Lot 3 San Diego St., Brgy. Central Bicutan Taguig  City. Base sa inisyal …

Read More »

Filipino community sa UAE nagluluksa para sa kapwa expat (PH embassy nangako ng hustisya sa OFW)

NAGLULUKSA ang higit isang milyong Filipino sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagkamatay ng isang Pinay na receptionist na naiulat na nawawala noon pang Marso 2020 at natagpuan ang kanyang labi noong isang buwan. Bumaha sa social media ang mga panawa­gan ng hustisya, mga mensahe ng simpatya at pakikiramay para sa mga kaanak ni Mary Anne Daynolo, receptionist sa …

Read More »

Go nangako ng tulong sa pamilya ng OFW

TINIYAK ni Senator Christopher Bong Go na tutulungan niya ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Ann Daynolo na natagpuang patay sa Abu Dhabi matapos mabalitang missing sa loob ng 10 buwan. Ayon kay Go, gagawin niya ang lahat para matulungan ang pamilya na makamit ang hustisya dahil ayaw niyang may kababayan na inaapi o pinapatay sa ibang …

Read More »

Palasyo pabor sa panunupil at militarisasyon ng gobyerno (Kaya deadma sa Myanmar crisis)

IPINAGKIBIT-BALI­KAT ng Malacañang ang akusasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na kaya patay-malisya sa krisis sa Myanmar ay dahil kompirmasyon ito na pabor sa militarisasyon ang gobyerno at implementasyon ng mga mapanupil na patakaran gaya ng Anti-Terrorism Act of 2020, patuloy na red tagging at pagkansela sa 1989 UP-DND Accord. Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat pansinin ang …

Read More »

Duterte kay Magalong: “Huwag mo kami iwan”

PAPANHIK ng Baguio City si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., upang ‘ligawan’ si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para bumalik bilang contact tracing czar. Ang pahayag ni Galvez ay ginawa matapos kompirmahin ni Presidential Spokesman Harry Roque na siyento porsiyento siyang sigurado na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang contact tracing czar kahit …

Read More »

Celebrity makeup artist, 3 pa nangisay sa ‘iniskor’ na ‘unknown substance’

ITINAKBO sa ospital ang isang celebrity makeup artist, at tatlong kasama na pawang bisita sa isang condominium unit matapos mangisay nang gumamit ng hindi pa batid na uri ng ‘substance’ sa gitna ng kanilang inuman sa Taguig City, iniulat nitong Martes. Isinugod sa Medical Center ang mga biktimang sina Mark Anthony Casumpang, 29, binata, call center agent, ng Sambalez Alley, …

Read More »

Misis trabahong-kalabaw sa Makati; Mister ‘doble-kayod’ sa ‘makating’ kulasisi

lovers syota posas arrest

NAPUTOL ang malili­gayang sandali ng isag mister at ng kalaguyo nang ireklamo at ipahuli sa mga awtoridad ng misis na nagtatrabaho sa Makati City, nitong Linggo, 31 Enero, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Magkasamang himas-rehas ngayon sa kulungan ng San Miguel Municipal Police Sation (MPS) ang magkalaguyong kinilalang sina Jeffrey Lacanilao ng Brgy. Camias; at Evalyn Hipolito, …

Read More »

DENR pinagpapaliwanag sa illegal dredging activities ng Chinese vessels sa PH sea

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginagawang illegal dredging activities ng Chinese vessels sa Filipinas. Inihayag ng Palasyo ang direktiba kasunod nang pagdakip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BoC) sa isang Chinese dredger dahil sa “illegal and unauthorized presence” sa  karagatan sa Orion Point sa Bataan. “Ang tanong: saan ginagamit …

Read More »

Pinoys handang ilikas ng PH gov’t (Sa kudeta sa Myanmar)

NAKAHANDA ang administrasyong Duterte na ilikas ang 1,273 Pinoys sa Myanmar kasunod ng naganap na coup d’etat laban sa democractically elected government ni Nobel laureate Aung San Suu Kyi, na ikinulong kasama ang iba pang senior figures ng National League for Democracy (NLD) sa isinagawang raid kahapon. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naka-standby ang mga eroplano at barko ng …

Read More »

Holdaper sa LBC todas sa kumasang policewoman

PATAY ang isang holdaper, isa ang naaresto ngunit dalawa ang nakatakas nang maka­sagupa ang isang naka­sibilyang policewoman sa loob ng sangay ng LBC sa Matalino St., Barangay Pinyahan, Quezon City, nitong Lunes ng hapon. Sa inisyal na report ni P/Col. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District Station 10, dakong 3:00 pm kahapon, 1 Pebrero, pinasok at hinoldap ng …

Read More »

QC SK Federation President bago na, Ex-official pinatalsik ng Comelec sa pandaraya ng edad

MAY bago nang itinalagang Sangguniang Kabataan (SK) Federation President ang Quezon City, matapos patalsikin ng Commission on Elections (COMELEC) ang dating opisyal ng federation dahil sa pagsisinungaling nito sa kanyang edad noong tumakbo sa halalang 2018. Nanumpa sa kanyang bagong tungkulin si John Paolo A. Taguba, SK Chairman ng Barangay Escopa IV, QC, sa harap ni Department of Interior and …

Read More »

Duterte pinuri ni Sen. Bong Go sa price freeze ng baboy, manok

Rodrigo Dutete Bong Go

PINURI ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ilabas ng Executive Order No. 124 na pipigilin sa patuloy na pagtaas ang presyo ng karneng babay at manok sa bansa. Nauna rito, umapela si Go base sa rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng price ceiling sa National Capital Region (NCR) sa loob ng 60 …

Read More »