KINULIT ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang Kongreso para ipasa ang ‘10K Ayuda Bill,’ gaya ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, at ng dalawang local government units (LGUs), na hinihiling sa gobyerno na magbigay ng karagdagang ayuda sa mga mamamayan na grabeng naapektohan ng pandemya dulot ng CoVid-19.. Inihain nina Cayetano, Taguig Rep. Lani Cayetano, at kanilang mga alyado …
Read More »Masonry Layout
Serye-exclusive: Katas ng OFWs itinustos sa luho, estilong jetsetter ng mga Villamin
ni ROSE NOVENARIO NAGING jetsetter ang ilang miyembro ng pamilya ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., mula nang magtagumpay sa paghikayat sa overseas Filipino workers (OFWs) na maging investors sa kanyang agribusiness a la Ponzi scheme. Bukod sa Japan, Qatar at Singapore, rumampa rin si Villamin sa Hong Kong, Spain, Thailand, at Italy para …
Read More »ARMC sa Marikina, 80% full capacity sa COVID-19 patients — Dr. Mateo
NASA 80 porsiyentong full capacity para sa mga pasyenteng positibo sa CoVid-19 ang Amang Rodriguez Medical Center, sa lungsod ng Marikina. Ayon kay Dr. Imelda Mateo, ARMC Chief, nasa 76 ang admitted, 70 ang kompirmado, at anim ang suspected patient, habang walo pa ang naghihintay sa emergency room na maiakyat sa CoVid ward. Ani Dr. Mateo, aminado siyang wala nang …
Read More »18-anyos dalagang nalasing, niluray ng kaibigan
LABIS na tiwala sa naturingang kaibigan, isang dalaga ang pinagsamantalahan habang lasing sa isang bahay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), na si Jerick Cunanan, agad natutop sa isang lugar sa Brgy. Mataas na Parang, sa nabanggit na bayan. Lumilitaw sa ulat ng pulisya, una …
Read More »2 factory workers nakompiskahan ng gin at damo (Pinahinto sa Oplan Sita)
NAHAHARAP sa patong-patong na mga kaso ang dalawang lalaki makaraang masita sa inilatag na quarantine checkpoint sa boundary ng mga lungsod ng Caloocan at Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Aldrin …
Read More »Senior Citizens binigyan ng mga PPE sa Pampanga (Ayuda kontra CoVid-19)
PERSONAL na pinangunahan ni Second District board member Anthony Joseph Torres ang pamimigay ng pulse oximeters, thermometers, at face shields mula sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Sangguniang Bayan ng Guagua, at tuloy-tuloy ito sa buong probinsiya. Ayon kay Pineda, ang mga face shield at thermometer ay ipamimigay …
Read More »Manager, caretaker, 2 pa timbog (Nagsabwatan sa pagnanakaw sa poultry farm)
ARESTADO ang nagsabwatang manager at caretaker upang ransakin ang JJ Rock Poultry farm matapos silang inguso ng dalawa nilang kasamahan na nauna nang natiklo nang matiyempohan ng Talavera Municipal Police Station patrollers nitong Lunes ng madaling araw, 22 Marso, sa Brgy. Sampaloc, bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, …
Read More »2 weeks lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng judges
HINILING sa Court Administrator ng Supreme Court (SC) ng mga huwes sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isailalim sa dalawang linggong lockdown ang Hall of Justice. Sa pangunguna ng Executive Judge ng QC, ipinaabot ni Cecily Burgos-Villabert kay Court Administrator Jose Maidas Marquez na dapat isara ang lahat ng korte sa lungsod dahil sa pagdami ng CoVid-19 cases. …
Read More »Mayor Romualdez pinaiimbestigahan ng Palasyo sa DILG
PINAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez dahil nagpaturok ng CoVid-19 vaccine ng Sinovac kahit may patakaran na ang dapat maunang bakunahan ay health workers. Sa isang tweet ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), ipinagmalaki na nagpabakuna si Romualdez alinsunod sa national vaccination program. Tinanggal na ng PCOO ang nasabing tweet. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, medical …
Read More »Duterte umiiwas sa bayad-pinsala kapag naprehuwisyo ng CoVid-19 vaccine (Kung private sector)
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi puwedeng panagutin ang pamahalaan sakaling magkaroon ng masamang epekto ang CoVid-19 vaccine sa taong tinurukan nito kapag ang bakuna ay binili ng pribadong sektor. “One that is the government cannot guarantee much less give you an immune status that you are freed of any and all liability… I think we cannot even do …
Read More »Serye-exclusive: Roadshows sa OFWS ng DV Boer ‘nagpayaman’ sa Villamins
ni ROSE NOVENARIO NAMUHAY na mistulang ‘royal family’ ang mga kaanak ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., at rumampa sa iba’t ibang sulok ng bansa at sa ibang parte ng mundo. Kung sa investor pa lang ng DV Boer na si Jayson Molina ay nakasikwat na si Villamin ng P19.36 milyon para sa kanyang …
Read More »Truck Helper patay sa steelbars na humulagpos sa backhoe
PATAY ang 42-anyos truck helper, nang mabagsakan ng kumalas na steelbar sa backhoe, sa isang construction site sa Barangay Old Balara, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Jojit Canale Cabulit, 42, may asawa, helper ng Golden Express at residente sa Bldg, 8 Unit 501, Manggahan Residence, Barangay Sta. Lucia, Pasig City. Agad pinigil si Ricardo …
Read More »Kelot nasakote sa baril at shabu
SWAK sa kulungan ang isang lalaki na nakuhaan ng baril at shabu makaraang isilbi ng pulisya ang isang search warrant sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief, Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Jenaro Cuarteron, 24 anyos, residente sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog. Batay sa ulat, dakong 10:20 am nang isilbi ng mga …
Read More »6 arestado sa shabu sa Kankaloo
ANIM katao ang inaresto, pawang hinihinalang mga tulak at gumagamit ng shabu kabilang ang isang company messenger at dalawang babae na naaktohan ng mga nagrespondeng pulis habang nakikipagtransaksiyon ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Navelle Tanjuan, 31 anyos; Mandel Cuenca, 34 anyos; Arwin Gallardo, 36, company messenger; Joseph Aninon, …
Read More »San Agustin Church isinailalim sa lockdown (Pari patay sa COVID)
NAGLABAS ng abiso ang San Agustin Church na isasailalim ang simbahan sa lockdown simula nitong 21 Marso, nang mamatay sa CoVid-19 ang parish priest ng simbahan. Suspendido “until further notice” ang operasyon ng Parish Office habang ang access sa simbahan at kombento ay hihigpitan. Sa ulat, kinilala ang pari na si Fr. Arnold Sta. Maria Canoza, parist priest ng San …
Read More »Munti City Council nagpasa ng reso para sa DOJ, BuCor (Kalsada pinabubuksan)
INAPROBAHAN ng Muntinlupa City Council ang resolusyon na humihiling sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng order ang Bureau of Corrections (BuCor) para sa muling pagbubukas ng kalsada mula at patungo sa Southville 3 sa Brgy. Poblacion sa Muntinlupa City. Kasunod ito ng isinagawang pagsasara ng pamunuan ng BuCor sa New Bilibid Prison (NBP) Road, ang daanan ng mga …
Read More »Serye-exclusive: DV Boer Farm Inc., ‘family business’ ng mga Villamin (Sa syndicated estafa)
HILONG-TALILONG si Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., sa pagpapadala ng mga dokumento sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para pasinungalingan ang mga reklamo at kasong inihain laban sa kanya ng mga naggantso niyang investors. Pero hindi niya kayang pasubalian ang resolusyon na inilabas kamakailan ng Department of Justice sa pamamagitan ng Office of the …
Read More »‘Bubble’ iwas-pusoy sa ‘unli’ lockdown
ni ROSE NOVENARIO UMALMA si dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa pabago-bagong termino na ginagamit ng Inter-Agency Task Force (IATF) para ilihis ang unlimited lockdown bilang solusyon na tanging alam ng administrasyong Duterte laban sa CoVid-19 pandemic. Ayon kay Binay, sa realidad ay lockdown ang ‘bubble’ na bagong terminong naimbento ng pamahalaan upang pagtakpan ang pagkabigo, kapabayaan, at kawalan …
Read More »16 barangay sa Maynila lockdown
NAKATAKDANG isailalim sa lockdown ang 16 barangays sa Maynila, simula 24 Marso, dakong 12:01 am hanggang 27 Marso, dakong 11:59 pm sa Maynila Napagalaman, nagdesisyon si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ipatutupad ang lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19 sa 16 barangays. Ani Moreno nasa “critical zones” ang mga barangay saka nilagdaan ang Executive Order No.11. …
Read More »Gob. Fernando lumagda sa kasunduan laban sa anti-illegal recruitment at human trafficking
LUMAGDA si Gob. Daniel Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos, nitong Biyernes, …
Read More »Hustisya hiniling para sa kagawad na pinaslang
MARIING kinondena ng mga taga-Tañong ang pamamaslang kay dating Barangay Tañong Kagawad Ricky Legaspi. “Nananawagan po ako sa agarang aksiyon ng pulisya upang matunton ang mga suspek sa insidenteng ito at mabigyang tuldok ang mga karahasan na nangyayari sa ating lungsod. “Hangad din natin ang katarungan at respeto para sa mga naulila ni Kagawad Ricky.” Ito’y matapos tambangan ng riding …
Read More »HVI, arestado sa P.5M-shabu (Sa Quezon City)
DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na high value individual (HVI) ng mga awtoridad matapos makompiskahan ng shabu sa buy bust operation sa Brgy. Talipapa, Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo Macerin ang suspek na si Marvin Sigua, 45, ng 8D, 2B, Don Segundo St., San Agustin Village, Brgy. Talipapa. Sa …
Read More »Mayor Fresnedi umapela at iniutos na buksan (Pagsasara ng kalsada ng BuCor labag sa batas)
UMAPELA si Mayor Jaime Fresnedi sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na gibain ang konkretong pader makaraang ipasara nila ang kalsada nitong Sabado na nagresulta sa pagpapahirap sa daan-daang residente na nakatira sa Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Sa kanyang liham kay BuCor Director General Gerard Bantag, sinabi ng alkalde, “sense of compassion and soundness of reason in reconsidering …
Read More »Senators umangal sa diskriminasyon vs pagbili ng bakuna
BINATIKOS ng mga Senador ang napaulat na draft memorandum ng Department of Health (DOH) ukol sa pagbabawal ng pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19 ng ilang mga pribadong kompanya na maituturing na diskriminasyon. Ilan sa mga senador ang bumatikos sa DOH ay sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senadora Nancy Binay at Imee Marcos. Iginiit …
Read More »Kamara tumutol sa ‘reso’ ng DOH
BINABALEWALA ng Department of Health (DOH) ang pribadong sektor na nais tumulong sa pagbili ng bakuna para sa kanilang milyon-milyong empleyado. Ayon sa mga miyembro mababang kapulungan, may resolusyon ang DOH na harangin ang partisipasyon ng mga kompanya ng tabako, infant formula, soft drinks at beer na makabili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at dependents. Ayon kay Albay …
Read More »