Sunday , November 17 2024

Masonry Layout

3 suspek sa viral ‘road rage prank’ ‘di lusot sa kaso

3 suspek sa viral ‘road rage prank’ ‘di lusot sa kaso

SINAMPAHAN ng mga awtoridad ng mga kasong paglabag sa cybercrime law, alarm and scandal, at publication and unlawful utterances, ang tatlong sinasabing mga promotor ng ‘viral road rage prank’ sa social media sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang mga suspek na sina Jonathan Esquillo, Joseph Josef, at Jonathan Tablando. Isinampa laban sa …

Read More »

VP Robredo numero unong paboritong banatan sa social media — Tsek.ph

Leni Robredo

SI BISE-PRESIDENTE Leni Robredo ang numero unong paboritong banatan o siraan sa social media. Ito ang ibinunyag ni University of the Philippines (UP) Diliman Journalism Professor Yvonne Chua, isa sa mga nasa likod ng Tsek.ph, sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa senado ukol sa mga isyu sa social media. Ayon kay Chua, batay sa kanilang pag-aaral noong 2019 elections talagang …

Read More »

Excellence in Teacher Education Act ratipikado sa Senado

Math Science Teacher Student

NIRATIPIKAHAN ng Senado ang Excellence in Teacher Education Act, ang panukalang batas na mag-aangat ng kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa. Para kay Senador Win Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang tugunan ang krisis sa sektor ng edukasyon. Niresolba ng Bicameral conference committee ang mga pagkakaiba ng Senate Bill No. 2152 at House Bill No. 10301. Layunin …

Read More »

Malampaya deal lutong-Macao
ASUNTO VS CUSI, RESIGNASYON, HAMON NG SOLON

DoE, Malampaya

LUTONG MACAO ang Malampaya deal. Ito ang tahasang nilalaman ng privilege speech ni Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy matapos ang imbestigasyong kaniyang ginawa ukol sa deal ng pamahalaan sa kompanyang UC at Chevron Philippines. Ayon kay Gatchalian, batay sa naging resulta ng kanilang imbestigasyon, walang sapat na kakakayan ang naturang kompanya para hawakan ang 45-percent  participating …

Read More »

DOJ, Ombudsman kapag hindi kumasa
ASUNTO VS DUTERTE ISUSULONG NI GORDON

Duterte Gordon DOJ Ombudsman

KASABAY ng pag-amin na impecahmentiable offense ang naging papel ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na transaksiyon sa pagitan ng Pahrmally Pharmaceutical Corp., at ng pamahalaan, kulang na sa panahon para maihain ito kaya handa si Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na magsampa ng kaso laban sa pangulo at ibang mga personalidad na tinukoy sa partial committee …

Read More »

Sa pagbuo ng Pharmally deal main actors,
DUTERTE DAPAT MANAGOT PERO
Oras sa impeachment kapos

Duterte, Pharmally, Money

HINDI makatatakas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananagutan sa pag-assemble ng main actors/ characters ng maanomalyang Pharmally deal, ayon kay Sen. Risa Hontiveros. “For sure, ang accountability ni President Duterte for assembling the main actors or characters, hindi siya makatatakas doon. Whether sa isang hypothetical impeachment court or ‘yung court of public opinion,” sabi ni Hontiveros sa panayam sa After …

Read More »

Kahit wala na sa Comelec si Guanzon,
KAMPANYA PARA SA DQ NI MARCOS JR., TULOY — BAYAN

020322 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario HINDI nagtatapos ang laban para sa diskalipikasyon sa anak ng diktador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa 2022 elections sa pagreretiro ni Commissioner Rowena Guanzon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes, Jr., buhay na buhay ang kampanya para idiskalipika si Marcos, Jr., at nagmumula sa mga …

Read More »

5 buwan bago matapos ang ika-18 Kongreso
BAGONG MAMBABATAS PINANUMPA NG KAMARA

party-list congress kamara

TINANGGAP at pinanumpa ng Kamara ang bagong miyembro ng Ang Probinsyano partylist bunsod ng pagre-resign ng pangalawang nominee nito. Si Rep. Edward delos Santos ng party-list na Ang Probinsiyano ay opisyal nang miyembro matapos panumpain ni Speaker Lord Allan Velasco kapalit ni Ronnie Ong na nagpalipat sa ibang partylist group noong Nobyembre 2021. Ang bagong kongresista ay pangatlong nominee kasunod …

Read More »

Impeachment vs Ferolino, banta ni Guanzon

Rowena Guanzon Aimee Ferolino

POSIBLENG maghain ng impeachment case ang magreretirong si Comelec Commissioner Rowena Guanzon laban kay Commissioner Aimee Ferolino dahil sinadyang iantala ang paglabas ng desisyon sa disqualification case laban kay Marcos, Jr. Ani Guanzon, hindi siya natatakot sa bantang sasampahan siya ng kasong libel kaugnay sa mga pinakawalan niyang akusasyon laban kay Ferolino. “She should be afraid of me. I might …

Read More »

Hindi kayang pilitin magbayad ng tax
MARCOS JR., SPOILED BRAT, ABSENTEE GOVERNOR — GUANZON

Rowena Guanzon Rappler Talk

SINADYA ang hindi pagbabayad ng buwis ng isang spoiled brat at absentee governor na anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon, ito ang mga katangian ni Marcos, Jr., kaya kahit mga abogado ng anak ng diktador ay hindi kayang pilitin na magbayad ng buwis …

Read More »

Michael Yang ipinatatapon, 2 Pharmally officials ipinaaasunto

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ang agarang deportasyon kay Michael Yang at ang pagsasampa ng kaukulang kaso kina dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Christopher Lao, at Procurement Director Warren Rex Liong . Ayon kay Gordon, mayroong nilabag na batas si Yang sa kanyang pagpasok ng kasunduan sa …

Read More »

Pondo vs CoVid-19, dinambong sa tungki ng ilong ni Digong
DUTERTE, DUQUE ‘TRAIDOR,’ PHARMALLY ‘LINTA’
Plunder patong-patong na kaso, rekomendado ng Senado

020222 Hataw Frontpage

 ni Rose Novenario              “I HATE corruption.” Madalas itong sambitin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula nang maupo sa Palasyo. Ngunit sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabing naganap sa ‘tungki ng ilong’ ng kasalukuyang Punong Ehekutibo ang pinakamalalaking pandarambong sa kaban ng bayan sa kasaysayan ng Filipinas. Nakasaad sa partial committee report sa 2020 Commission on Audit (COA) ang paggasta …

Read More »

House Bill No. 6866
KONGRESO NAGPASA NG BATAS NA HAHATI SA MUZON SA 4 BARANGAY

Muzon SJDM Bulacan

NAGPAHAYAG ng kagalakan si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa ginawang pagpasa ng dalawang kapulungan ng kongreso sa panukalang batas na hatiin ang Barangay Muzon sa kanyang lungsod sa apat na barangay na may kanya-kanyang kalayaan para sa paghahatid ng serbisyo. Naganap ito matapos sangayunan ng Kamara nitong Lunes ang mga amiyendang ginawa ng Senado sa …

Read More »

Marawi Compensation Bill dapat ipasa bago bumaba si PRRD sa Hunyo — Bistek

Marawi

NANAWAGAN si dating Quezon City mayor at tumatakbo ngayong senador na si Herbert “Bistek” Bautista sa Malacañang at sa Kamara na ipasa na ang Marawi Compensation Bill para matulungang makabalik sa normal na pamumuhay ang 300,000 Maranao at iba pang katutubo sa Marawi City na napilitang lumikas sa kasagsagan ng Marawi siege. Halos limang taon na ang nakararaan nang kubkubin …

Read More »

Ratings ni VP Leni patuloy sa pagtaas

Leni Robredo

PATULOY ang pagtaas ng ratings sa survey ni Vice President Leni Robredo habang pababa si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa mga panayam sa telebisyon at radyo. Ito ang resulta ng espesyal na pag-aaral ng International Development and Security Cooperation (IDSC) ukol sa 2022 national elections kung saan kinuha nito ang WR Numero Research para sa …

Read More »

36 suspek arestadosa anti-illegal gambling ops ng Laguna PNP

36 suspek arestadosa anti-illegal gambling ops ng Laguna PNP

INIULAT ng Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office na si P/Col. Rogarth Campo kay Regional Director PRO-CALABARZON P/BGen. Eliseo DC Cruz ang pagkakaaresto sa 36 suspek sa magkahiwalay na Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP. Sa pamamagitan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnold Moleta, inaresto ng PIU chief sina Danilo …

Read More »

Mag-asawa timbog sa boga, shabu

lovers syota posas arrest

ARESTADO ang mag-asawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Sapang Balas, sa bayan ng Dinalupihan, lalawigan ng Bataan. Sa ulat mula sa Dinalupihan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mag-asawang sina Diosdado Romero, 54 anyos, at Fatimah Abella na nakuhaan ng apat na maliit na pakete ng hinihinalang shabu, marked …

Read More »

Sa Bocaue, Bulacan
TRABAHADOR ARESTADO SA HOSTAGE-TAKING

Sa Bocaue, Bulacan TRABAHADOR ARESTADO SA HOSTAGE-TAKING Micka Bautista

ISANG ORAS muna bago tuluyang napigilan ang pagwawala ng isang lalaki kasunod ng pangho-hostage sa isang babae matapos masukol ng nagrespondeng mga awtoridad sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng umaga, 31 Enero. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronnie Pascua, hepe ng Bocaue Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si alyas Loloy, trabahador sa …

Read More »

Sa 7 araw SACLEO sa Bulacan
P4-M DROGA KOMPISKADO 370 LAW OFFENDERS TIKLO

Bulacan Police PNP

NASABAT ang kabuuang P4 milyong halaga ng ilegal na droga at nasakote ang 370 law offenders sa isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan police mula 24 Enero hanggang nitong Linggo, 30 Enero 2022. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, naipon ang P4,043,099.60 halaga ng ilegal na droga …

Read More »

Sa ninakaw na pera ng teachers
HUGAS-KAMAY NG LANDBANK, HINDI UUBRA

Landbank Money

HINDI papayagan ang tila ‘paghuhugas-kamay’ ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa ninakaw na pera ng mga guro habang nakalagak sa banko. Iginiit ni labor lawyer at counsel ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) long-time counsel Luke Espiritu na obligado ang Landbank na maging metikuloso sa pag-iingat sa pera ng mga guro dahil kapag nawala ito habang nasa pangangalaga ng …

Read More »

Nakikialam sa DQ case ni Marcos,
‘SENADOR’ IBINUKING NI GUANZON KAY SOTTO

020122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario KILALA na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang sinasabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na nakikialam para maantala ang desisyon sa disqualification (DQ) case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand “Bongbong”Marcos, Jr. Ayon kay Sotto, isiniwalat sa kanya ni Guanzon ang pangalan ng senador …

Read More »

Pharmally officials haharap sa kasong syndicated estafa

expired face shields, CoVid-19 test kits, P28.72 face masks, Pharmally Money

INIREKOMENDA ng House committee on good government and public accountability sa pamahalaan na sampahan ng kasong syndidated estafa ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na nakakuha ng malaking kontrata sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Procurement Service-Department of Budget and management (PS-DBM). Sa rekomendasyon ng komite, kasama sila Mr. Huang Tzu Yen, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine …

Read More »

Saklolo ng gobyerno hiniling
200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

Saklolo ng gobyerno hiniling 200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

KALIWA’T KANANG panunutok ng baril, harassment, at pagdukot ang nararanasan ng may 200 residente at magsasaka mula sa mga opisyal at mga tauhan ng Masungi Georeserve sa Sitio San Roque, Brgy. Pinugay, sa bayan ng Baras, lalawigan ng Rizal.  Ayon kay Jay Sambilay, humihingi ng saklolo ang 200 miyembro ng Sitio San Roque Association at Farmers and Habitants Association kay …

Read More »

Nahulog sa puno ng Bignay lalaki patay sa San Juan

Dead body, feet

BINAWIAN ng buhay ang isang 57-anyos lalaki nang mahulog mula sa inakyat na puno ng Bignay nitong Linggo ng umaga, 30 Enero. Kinilala ang biktimang si Wilmore Cayao, 57 anyos, residente sa G. Road – 6, 1st West Crame, sa lungsod.  Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jarian Jay Encina, dakong 10:20 am kamakalawa nang akyatin ng biktima ang puno ng …

Read More »