Wednesday , May 21 2025
Kenaniah Ken Lambio

Kenaniah perfect ambassador para sa mga tin-edyer

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG may milyon-milyong streams sa Spotify at million views sa Tiktok na si Kenaniah ang newest addition sa pamilya ng BNY.

Dream come true para kay Kenaniah ang maging parte ng pamilya ng BNY.

Dream come true para sa akin ang maging part ng family ng BNY, kasi dati pinag-uusapan lang namin pero ngayo eto na, totoo na.

“Noong sinabi sa akin ng manager ko si Sir Kean Cipriano, siyempre natuwa ako talaga kasi ito ‘yung first endorsement ko as an artist. And I know that this is going to help boost my career. So matic G agad ako.

Excited nga ito sa plans ng BNY sa kanya. “Excited ako siymepre kapag ambassador ka maipakikita ka sa mga billboard, posters. Aside from that I’m also excited to style myself with BNY clothes and show my fans that I am part of the BNY fam.

“Excited din ako sa mga shoot and shows  na mangyayari in the future. At  siyempre excited ako na mapasama sa mga billboard and posters all over the country.”

Ayon naman  kay Ms April ng BNY sa kung bakit nila kinuha si Kenaniah para maging isa sa ambassador ng kanilang clothing line,  “We chose Kenaniah because the company wanted to tap the music industry this time.

“He is perfect for BNY, he is good looking, he’s a teenager, and he dresses well, he has his own style, this is a good fit for BNY. 

“’Yung personality niya nag-ja-jive with the brand, isa siya sa nilu-look up ng mga young generations today, he’s gonna be the role model doo  sa mga target market ng aming brand.”

Marami ngang magagandang plano ang kompanya sa mga susunod na araw kay Kenaniah dahil ito ang kauna-unahang bagets na singer na kinuha nila bilang ambassador.

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Jane Oineza Si Sol at Si Luna

Zaijian ‘pinapak’ si Jane sa Si Sol at si Luna, mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TIYAK na marami na ang nag-aabang sa first kissing scene …

Art Halili Jr.

Theater actor Art Halili Jr  naging inspirasyon si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang dating theater actor na si Art  Halili Jr. dahi minsan nitong nakatrabaho …

Arjo Atayde

Arjo ‘di napabagsak ng paninira, ‘wagi ulit sa district 1 ng QC

MATABILni John Fontanilla HINDI nagabi ng paninira at muling nagwagi bilang congressman ng District 1 …

Roselio Balbacal

 Actor/businessman Roselio Balbacal numero unong konsehal sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla BAGITO man sa politika, hindi naging hadlang para sa part time actor …

Alynna Velasquez Im Feeling Sexy Tonight

Alynna nagpasalamat kina Rachel at Ali

HARD TALKni Pilar Mateo IT took a long while for singer Alynna (Velasquez) to make a comeback. …