Friday , July 3 2026
Albie Casino Mutya ng Cotabato

Albie patok pagkakalat sa pageant

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINAG-UUSAPAN ang viral video ni Albie Casino habang nagse-serenade sa mga contestant ng Mutya ng Cotabato.

May mga nagsasabi kasing mukhang naka-inom o lasing ang hunk actor, habang may ilan namang nagsasabing baka umano lango ito sa kung anong substance.

Makikita kasi sa naturang video ang tila sobrang aktibo at in character na pagkanta ni Albie na may patakbo-takbo pa at akyat-panaog sa stage habang kinakantahan ang mga magagandang kandidata.

Marami naman ang nagtanggol sa aktor na ganoon daw ito kapag mataas ang energy  o di kaya’y nasobrahan sa matatamis na pagkain.

May kondisyon daw kasi itong ADHD, kaya malamang at natural itong naging hyper sa kanyang performance.

Kami naman ay kyut na kyut sa ginawa ni Albie dahil kahit non-singer siyang talaga ay sinikap niyang maitawid ang bonggang entertainment sa beauty pageant.

Hindi rin naman namin nakita o napansing may kakaiba rito dahil sa tagal na rin naming napapanood at nakakasalamuha si Albie na talagang naturalesa ang maging bungisngis, masayahin and yes, hyper active.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

LJ Reyes Philip Evangelista The Village Cookie

LJ Reyes nagbukas ng negosyo sa Amerika

MATABILni John Fontanilla TULUYAN nang iniwan pansamantala ni LJ Reyes ang showbiz at masaya nang naninirahan sa …

SPEEd The Eddys Marriott Hotel

Marriott Hotel tahanan ng The EDDYS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA loob ng kumikinang na mga bulwagan ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World …

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …