Friday , September 29 2023
Judy Ann Santos Ryan Agoncillo Yohan Lucho Luna

Juday ayaw lumaking mangmang ang mga anak

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HANGAD ni Judy Ann Santos na ma-introduce sa mga anak nila ni Ryan Agoncillo ang matutunan ang mga basic sa buhay.

At dahil sa nag-trending kamakailan ang pagsama at pagtuturo niya sa panganay nilang anak na si Yohan (college na pala ito at 18 years old) na matuto ng pagsakay sa public transport, proud si Juday na nagkuwento.

Para naman hindi sila lumaking mangmang noh. Ako nga until mga 15 or 16 na ako ay sumasakay pa sa mga public transportation. Nagkaroon lang naman ako ng sasakyan noong binigyan na ako ni Tito Alfie (Lorenzo, ang yumao niyang manager at kaibigan natin),” sey ni Juday.

Proud ang iba nilang mga anak dahil sila naman ang makaka-experience very soon ng itinuro niya sa panganay. “HIndi lang kasi sa loob ng bahay sila dapat natuturuan gaya ng paglilinis at pagluluto,” dagdag pa nito.

Very soon din ay magbabalik ang Kusina series ng original primetime drama queen lalo’t siya ngayon ang newest ambassador ng naturang produkto.

Sa dinami-rami na rin ng mga recipe na ginawa, niluto at ipinakain ni Juday sa kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, pati sa mga nakasubaybay sa kanya, mas magiging espesyal ito dahil sa naturanf gatas.

Hindi naman siguro ako lalabas na trying hard dahil ito naman talaga ang gatas na noon pa man ay ginagamit na namin. Kung sustansya at sarap din lang naman, lagi naman itong nagpapaka-totoo na wala pa rin ditong tatalo,” hirit pa ni Juday tungkol sa kanyang latest product endorsement.

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Brillantes Ricci Rivero

Fans ni Andrea ampalaya

HATAWANni Ed de Leon MASYADONG ampalaya ang fans ni Andrea Brillantes. Siguro nakita nga nilang matindi …

David Licauco fighting

David nakipagsuntukan lang action star na agad

HATAWANni Ed de Leon NAG-POST sila ng isang eksena sa serye na nakikipagsuntukan si David Licauco, …

Sharon Cuneta Gabby Concepcion Kiko Pangilinan Childen

Sharon sa mga anak at kay Kiko iwas OP sa concert nila ni Gabby

HATAWANni Ed de Leon SA simula pa lang ay sinabi naman ni Sharon  Cuneta na si Kiko Pangilinan o sino …

Sheree Ligaw na Bulaklak

Sheree sinita, huling sexy film na ang Ligaw na Bulaklak ng Vivamax  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PAHINGA muna raw si Sheree sa pagsabak sa sobrang sexy …

Erik Santos Don Pedro Pete Bravo Cecille Bravo

Erik Santos pinasaya 71st birthday ni Don Pedro 

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Erik Santos ang 71st birthday ni Don Pedro ‘Pete’ Bravo at 16th wedding anniversary …