Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

DILG kinilala ang QC sa pagpapatupad ng Safety Seal Certification

Joy Belmonte Eduardo Año DILG QC SAFETY SEAL CERTIFICATION

Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisyimentong ginawaran ng Safety Seal Certification. Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Sec. Eduardo Año sa ginanap na awarding ceremony sa SM Mall of Asia noong nakaraang linggo. Nakapaggawad ang QC ng 5,800 safety seal sa …

Read More »

Riot sa Tondo
KELOT NAHULIHAN NG BOGA KALABOSO

Riot sa Tondo KELOT NAHULIHAN NG BOGA KALABOSO

ARESTADO ang isang 25-anyos lalaki, itinurong lider ng mga riot ng mga kabataan partikular ang mga grupo ng Out of School Youth (OSY) sa Tondo, Maynila. Sa ulat ni MPD-PS2 commander. P/Lt. Col. Harry Lorenzo, dakong 4:00 am habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa kanto ng Moriones at Wagas streets sa kanilang area of responsibility (AOR), ilang …

Read More »

Mga prutas sa kategoryang init at lamig

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong MAGANDANG araw sa inyong lahat mga suking tagasubaybay. Muli, nais kong ibahagi sa inyo ang kategorya ng bawat prutas na madalas nating kainin. Sa pamamagitan ng kaalamang ito, madedetermina ninyo ang kailangan ninyong prutas base sa kung ano ang temperatura na inyong kinalalagyan. Huwag po kalimutan na ang karamdaman na puwedeng tumama sa …

Read More »

Navotas nagbigay ng cash aid sa solo parents

Navotas

NAGSIMULA na ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng financial assistance sa mga kalipikadong solo parents sa pamamagitan ng pondo ng Gender and Development (GAD). Nasa 200 Navoteños na nag-apply at nag-renew ng kanilang solo parent identification cards ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy. Ang “Saya All, Angat All, Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas” para sa solo parents …

Read More »

Medical mission para sa 300 kababaihan sa Las Piñas isinagawa

Las Piñas City hall

BILANG pakikiisa sa Buwan ng mga Kababaihan, nagsagawa ng medical mission ang pamahalaang lokal ng Las Piñas, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng 18th Women with Disabilities Day sa Heritage Homes Covered Court, Barangay Talon Dos sa lungsod, kamakailan. Ang Beauty Beyond Borders ng The Aivee Group ang nanguna sa isinagawang medical mission sa lugar nitong …

Read More »

Kathryn muling nagsabog ng kaseksihan

Kathryn Bernardo sexy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING napa-wow! ang netizens sa mga sexy picture na ibinahagi ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media account. Ipinakita ni Kathryn ang ilang snapshots na kuha sa latest pictorial niya para sa isang magazine kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 26th birthday. Ani Kathryn sa mga picture na kitang-kita ang kanyang fit and sexy body, “As …

Read More »

Banta ng pagsabog nanatili
BULKANG TAAL,  ALERT LEVEL 3 PA RIN — PHIVOLCS

032822 Hataw Frontpage

NANANATILING nasaAlert Level 3 ang Taal Volcano hanggang nitong Linggo dahil sa patuloy na pagtala ng mga phreatomagmatic eruptions, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). “Sa kasalukuyan, ang ating rekomendasyon ay mananatili ang Alert Level 3. Ibig sabihin may magmatic activity, ang magma ay nag-i-intrude o umaakyat papunta sa crater nang dahan-dahan, at ang pagdampi at interaksiyon …

Read More »

Napuno sa pambu-bully
KAPWA TRUCK HELPER, TINARAKAN NG BARETA SA LEEG NG KATRABAHO

Drinking Alcohol Inuman

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Christian Borja, alyas Ogag, 28 anyos, tubong Buhi, Camarines Sur, unang isinugod …

Read More »

KFR suspects nasakote
VIETNAMESE TODAS CHINESE SUGATAN SA NBI-IOD AGENTS

arrest, posas, fingerprints

ISANG Vietnamese ang namatay habang sugatan ang isang Chinese national nang manlaban sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang operasyon sa Entertainment City, sa Parañaque City nitong Huwebes. Kinilala ang napaslang sa enkuwentro na si Tuan Dat Sy, habang ang Chinese national na si Juandong Yu, 25 anyos, ng unit 15A Bayshore 2, Pasay City ginagamot …

Read More »

Pulse Asia binatikos sa sablay na pa-survey

UMANI ng batikos ang Pulse Asia dahil sa hindi scientific at sablay nitong paraan sa pagpili ng mga lugar kung saan kukuha ng respondents para sa mga election survey nito. Sa kanyang column sa Manila Times, binatikos ni Al Vitangcol ang Pulse Asia, partikular ang pahayag ng pangulo nito na si Ronald Holmes sa isang panayam sa telebisyon ukol sa …

Read More »

Para sa tahimik na halalan
UNITY WALK MATAGUMPAY NA GINANAP SA BULACAN

Unity Walk SAFE

TAGUMPAY ang isinagawang Unity Walk at Signing of Peace Covenant for Secure, Accurate, Free and Fair Elections (SAFE) 2022 na ginanap sa Bulacan (KB) Capitol Gym, lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan nitong Huwebes, 24 Marso. Kinatawan ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang Philippine National Police sa unity walk na nagsimula sa Camp Gen. Alejo …

Read More »

4 pugante sa Bulacan arestado

arrest, posas, fingerprints

TULUYANG nahulog sa kamay ng batas ang apat na pugante sa isinagawang manhunt operations sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 23 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, provincial director ng Bulacan police, sinasabing pawang mapanganib kaya nagtulong-tulong ang tracker teams ng police stations ng Angat, Balagtas, Meycauayan, Norzagaray, Plaridel, San Jose del Monte, at Sta. Maria, at mga …

Read More »

3-anyos paslit nalitson sa sunog

fire sunog bombero

HINDI na nakilala ang katawan ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano, Jr., dakong 1:30 pm nitong Miyerkoles nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block 5, Lot 14, Pampano St., Brgy. …

Read More »

Alvarez, Duterte patalbugan sa ‘pasabog’

Rodrigo Ruterte Bongbong Marcos Pantaleon Alvarez Leni Robredo

MISTULANG nagpatalbugan sa timpalak ng ‘pasabog’ ang kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte at Davao del Norte Rep. at Partido Reporma president Pantaleon Alvarez kahapon. Nagulantang ang publiko nang inianunsiyo kahapon ng umaga ni Alvarez ang pagtalikod sa standard bearer at chairman ng Partido Reporma, Senator Panfilo “Ping” Lacson at pagsuporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa 2022 …

Read More »

REPORMA LUMIPAT KAY LENI<br>Ping kumalas sa partido

032522 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo OPISYAL na inianunsiyo ng mga opisyal ng Partido Reporma ang paglipat ng suporta sa kandidatura ni Senador Panfilo “Ping” Lacson tungo kay Bise Presidente Leni Robredo. Sa press release ni Davao del Norte, 1st District Rep. Pantaleon Alvarez kabapon, sinabi niyang nagkaroon ng malaking pagbabago sa laro ng eleksiyon ngayon at kinailangan nilang magkaroon ng ‘realistic option.’ …

Read More »

Manilenyong Muslim todo suporta sa tambalang Lopez – Raymond

Alex Lopez Raymond Bagatsing

LUMAGDA sa kasunduan sina mayoralty bet, Atty. Alex Lopez, vice mayoralty aspirant Raymond Bagatsing, at kinatawan ng Manila Muslim Community (Masjid), na naglalayong magkaisa. Isinagawa ang naturang kasunduan sa Bayleaf, Intramuros, Maynila nitong Huwebes ng hapon, 24 Marso. Nagkasundo ang mga lider at kinatawan ng Muslim Community ng Maynila na ipagkakaloob ang kanilang buong suporta sa tambalang Alex at Raymond …

Read More »

Sara Duterte bisita sa proclamation rally ni Amado Bagatsing

Sara Duterte Amado Bagatsing

KINOMPIRMA ang pagdalo sa proclamation rally ng isang mayoralty candidate sa Maynila ni vice presidential bet, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ngayong araw, 5 Marso 2022. Sa media forum, sinabi ni Manila mayoralty candidate congressman Amado Bagatsing, inimbatahan nila si Inday Sara at nagkompirma ng kanyang pagdating. Bukod kay Inday Sara, darating din umano sina Senator Win Gatchialian, Rep. Rodante …

Read More »

INDAY SARA KAISA NG SERVICE PERSONNEL.

Sara Duterte INDAY SARA KAISA NG SERVICE PERSONNEL

Pinulong kamakailan ni vice presidential candidate, Mayor Inday Sara Duterte sa Mary Mount Academy, ang mga janitorial at maintenance service personnel upang alamin kung paano maiibsan ang kanilang pasanin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon. Kasama ni Inday Sara sina Parañaque District 1 Congresswoman Joy Tambunting at dating congressman Gus Tambunting, naghain siya ng mga posibleng solusyon para …

Read More »

Sa Sta. Maria, Bulacan
TINDAHAN SA LOOB NG PALENGKE TINUPOK NG APOY

Sa Sta Maria, Bulacan TINDAHAN SA LOOB NG PALENGKE TINUPOK NG APOY

HALOS walang natira sa mga paninda ng isang negosyante nang tupukin ng apoy ang kaniyang tindahan sa loob ng isang palengke sa Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Marso. Nabatid na dakong 3:00 am nang sumiklab ang malaking apoy sa tindahang pag-aari ni Evelyn Sumalinog Buico, residente sa Maningas …

Read More »

P.5-M droga kompiskado

TINATAYANG mahigit sa P500,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy bust opebgns at pagkakaaresto sa siyam na indibidwal sa Taguig at Parañaque City kamakalawa. Sa ulat ni Southern Police Distfrict (SPD) Director P/Brig General JImili Macaraeg, unang nahuli sa harap ng gasolinahan sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Antonio, dakong 3:45 am, 22 Marso, …

Read More »

12 Filipino seafarers mula Ukraine nasa bansa na

Ukraine

TINANGGAP ng mga tauhan ng Angeles Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Clark, Pampanga ang pagdating ng 12 Filipino seafarer mula Ukraine. Ang mga Filipino seafarer ay mga tripulante ng MV Filia Joy at MV Filia Glory. Ang grupo ng mga Pinoy Seafarers ay matagumpay na nailikas mula sa kanilang mga barko sa harap ng nagpapatuloy na …

Read More »

7 kaso ng Covid-19 sa Munti iniulat

Covid-19 positive

NAKAPAGTALA ang Muntinlupa local government unit (LGU) ng pitong aktibong kaso ng CoVid-19 sa lungsod kahapon. Sa impormasyon ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa, ang mga naitalang aktibong kaso ay lima mula sa Brgy. Alabang, isa sa Brgy. Cupang at ang isa naman ay mula sa Brgy. Putatan. Dahil dito, umabot sa kabuuang 39,879 ang bilang ng kompirmadong kaso …

Read More »

94% ng populasyon ng Taguig bakunado

CoVid-19 vaccine taguig

UMABOT sa kabuuang 832,839 katao ang bilang ng mga fully vaccinated o 94% ng populasyon sa lungsod, ito ang inihayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig. Dahil sa ginawang pagsisikap ng health workers ng Taguig para iligtas ang buhay ng mamamayan nito laban sa banta ng CoVid-19 variant. Tiniyak ng local government unit (LGU) na mananatiling agresibo ang health workers sa …

Read More »

11 Public school buildings, pinasinayaan sa Navotas

Navotas

PINANGUNAHAN ni Navotas Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang blessing at inauguration ng 11 four-storey public school buildings sa lungsod na may kabuuang128 classrooms. Ang bawat isa ng Tanza National High School, San Roque National High School, San Rafael Technological and Vocational High School, at Navotas Elementary School – Central ngayon ay may karagdagang four-storey building na …

Read More »