Flash mob Tabing Ilog The Musical

Flash mob ng Tabing Ilog The Musical cast ‘di klik sa mga utaw

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGSAGAWA raw ng flash mob ang cast ng Tabing Ilog The Musical sa isang mall sa Quezon City.

Nagsayaw ang present na cast sa isang damuhan sa mall. Sayawan, kantahan at kung ano-ano pa ang ginawa nila at ipinakita sa amin ng aming source ang ilang pictures sa flash mob.

Sad to say, hindi kinagat ng crowd sa mall ang flash mob. Parang deadma ang mall goers at wala kaming nakitang masyadong tao na nagkakagulo sa kanila.

Baka hindi masyadong kilala ang cast, huh!