Friday , December 8 2023
Matteo Guidicelli Penduko

Matteo aminadong pressured kabado sa Penduko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KABADO. Malaking responsibilidad. Ito ang inamin ni Matteo Guidicelli sa pagbibida sa Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films, ang Penduko.

Si Matteo ang magbibida sa Penduko na four years in the making at finally ay maipalalabas na. At sa ganda ng trailer at pambata, hinihulaang mangunguna ito sa box office.

Aminado si Matteo na pressured siya sa pelikula dahil magkakasunod na nanguna sa box office ang pelikula ng Viva Films na entry sa MMFF. Una ay ang Miracle in Cell No 7 ni Aga Muhlach at nasundan ng Deleter ni Nadine Lustre.

Ani Matteo, “kinakabahan ako dahil first MMFF movie ko ito, there’s so much pressure!” anang mister ni Sarah Geronimo.

Masaya si Matteo na pambata ang tema ng kanyang pelikula. “It’s very overwhelming. It’s a big responsibility and I call it, ‘Justice is coming on December 25.’

“Unang-una, kinakabahan ako dahil first MMFF movie ko. There’s so much pressure. Physically, I prepared my physique months before this movie happened. I came from America, I gained weight.

So, before shooting this film, I lost 20 pounds. We designed a proper fitness regimen. I started doing cross fit for two months and after that, I started running a lot para lumiit ako bigla,” ani Matteo na ginawa niya bilang paghahanda sa  Penduko

Kinarir din ng ng aktor ang acting workshop na si Ruby Ruiz na nagsilbing acting coach niya.

I requested Tita Ruby Ruiz na maging acting coach ko kasi may relationship na kami. She used to be my acting coach.

“Nag-training po kami mga three to four weeks bago pumunta sa set. Gusto ko talaga, handa tayo bago pumasok,” paglalahad pa ni Matteo sa media conference ng Penduko sa Viva Cafe.

“I came into this knowing na talagang malalim na Tagalog ang gagawin namin. Matinding mga fight scene at matinding dramahan.

Sabi ko talaga sa aming producer, I want to be prepared before I step on the set, not just physically but also acting-wise.

“My goal was kapag darating ako sa set ng ‘Penduko,’ I want to be free. Hindi ko na po iisipin ‘yung mga linya at ‘yung mga mangyayari. Gusto ko mag-react lang sa co-stars ko.’

Sobrang pressure po ito. Sabi ko, I’d like to be hundred percent prepared,” giit pa ni Matteo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kimson Tan

Kimson Tan inalok P1-M ng isang bading para sa isang dinner date

RATED Rni Rommel Gonzales GUWAPO, makinis, matangkad, at hunky ang Sparkle male star na si Kimson …

Ynna Asistio Yana Asistio

Ynna at Yana naisakatuparan pangarap na restoran

RATED Rni Rommel Gonzales EXCITED si Ynna Asistio dahil very successful ang season 1 ng kanyang Youtube vlog na Behind …

Diane De Mesa TVC8 Annual Awards

Concert ni Diane De Mesa at TVC8 Annual Awards 2023 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na konsiyerto ni Diane de Mesa last December 4 na ginanap …

Alden Richards Wize Estabillo

Alden walang ka-ere-ere kahit sikat na sikat 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang ma-starstruck ng Bidaman at It’s Showtime Online host, Wize Estabillo nang makita ng harap-harapan si Alden Richards. …

Ram Castillo Mommy Merly Perigrino

Solo concert ni Ram Castillo tuloy na tuloy

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang baguhang singer na si Ram Castillo dahil pagkatapos mailunsad ang kanyang kauna-unahang single, …