Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Todo proteksiyon ng health workers sa Lacson-Sotto tandem siniguro ni Dra. Padilla

Minguita Padilla Ping Lacson

MAWAWALA ang mga kaso ng atrasadong pasuweldo, pagkakait ng benepisyo, maanomalyang transaksiyon, at iba pang isyung nakaaapekto sa pagbibigay ng pampublikong serbisyong pangkalusugan kung si presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang susunod na mamumuno sa Malacañang.                Pagtitiyak ito ni public health advocate at senatorial aspirant Dra. Minguita Padilla na nangakong itutuloy niya ang pagsusulong sa Senate Bill No. 2498 …

Read More »

Sistemang masasandalan ng ordinaryong obrero PING BUBUO NG MSME

Ping Lacson MSME

HINDI pa masabi kung magkakaroon ng batas laban sa endo (end of contract) o kontraktwalisasyon, binubuo ng grupo ni independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang sistemang titiyak sa kasiguruhan ng trabaho para sa mga manggagawa. Sa anim na pahinang dokumentong inilatag ng policy team ni Lacson, isang pangmatagalang employment deal ang naghihintay sa mga manggagawang edad 18-55 anyos na …

Read More »

5-year budget plan para sa next PH prexy — Cayetano

Alan Peter Cayetano

PINAYOHAN ni Senatorial Candidate at dating House Speaker at kasalukuyang Taguig Representative Alan Peter Cayetano na kailangang mayroong limang taong plano para sa pananalapi sa kanyang administrasyon ang isang mananalo o susunod na pangulo ng bansa. Ayon kay Cayetano higit na matutulungan ang bawat pamilyang Filipino na maiangat ang kanilang kabuhayan lalo ngayong panahon ng pandemya. Binigyang-linaw ni Cayetano, walang …

Read More »

Dagdag sahod suportado ng OFW Party-list

OFW Party-list Jerenato Alfante

SUPORTADO ng OFW Party-list ang mga panukalang nagdadagdag ng sahod sa mga manggagawa lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng walang tigil na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay OFW Party-list 2nd Nominee Jerenato Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apektado ang lahat ng sektor. …

Read More »

Legarda inudyok ang mga kapwa kandidato na ilahad ang mga platapormang pang-seguridad

Loren Legarda

Hinimok ni Antique representative at kandidata sa pagka-Senador na si Loren Legarda ang mga kapwa niyang kandidato na ilahad ang kanilang mga plano at palataporma para sa pambasang seguridad at kaligtasan. “Ang mga planing ito ay mahalaga upang makamit natin ang ligtas na pagbangon ng mga mamamayan at ng bansa,” sabi ni Legarda sa inagurasyon ng Office of the Dean, …

Read More »

Bilyong pondo matitipid sa ‘full disclosure policy’ ni Robredo

Leni Robredo Antonio Trillanes

IPATUTUPAD ni Vice President Leni Robredo ang “full disclosure policy” sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa. “Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa mamamayan dahil sa katiwalian,” ayon kay dating senador Antonio “Sonny” Trillanes, na kilalang fiscalizer sa gobyerno. “Ilang milyong pabahay na ‘yan? Ilang kilometro ng farm-to-market roads? Ilang magsasaka, mangingisda o …

Read More »

CA Justice Bruselas inireklmo sa SC

supreme court sc

SINAMPAHAN ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Court of Appeals (CA) Associate Justice Apolinario Bruselas, Jr., dahil sa gross inefficiency matapos abutin ng ilang buwan, lagpas sa reglementary period na itinakda sa Rules of Court bago magpalabas ng desisyon sa isang Writ of Habeas Corpus petition. Sa 16-pahinang reklamo ni Pharmally Secretary Mohit Dargani sa SC – Judicial Integrity …

Read More »

Sa Angono, Rizal
RIDING-IN-TANDEM TUMAKAS SA CHECKPOINT BUMULAGTA SA HABULAN

dead gun police

INAALAM ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang suspek na napatay sa enkuwentro nang tangkaing tumakas sa isinasagawang Oplan Sita sa bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 6 Abril. Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong 1:00 am kahapon nang takasan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang nakalatag …

Read More »

Mag-amang ‘kawatan’ nasakote sa Bataan

arrest, posas, fingerprints

SA MAAGAP na pagresponde ng mga awtoridad, naaresto nitong Martes, 5 Abril, ang mag-amang pinaniniwalaang tandem sa pagnanakaw sa mga indibidwal at establisimiyento sa lalawigan ng Bataan. Sa ulat na ipinadala ni P/Capt. Gerald Quiambao, hepe ng Bagac MPS kay P/Col. Romella Velasco, provincial director ng Bataan PPO, kinilala ang mag-amang suspek na sina Ronnie Soriano, at Jerson Soriano, kapwa …

Read More »

Freelance liaison sumibat sa checkpoint tiklo sa baril at granada

checkpoint

ARESTADO ang isang lalaking lumabag sa ipinatutupad na checkpoint sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, na nahulihan siya ng mga awtordidad ng baril at granada na nasa kanyang sasakyan nitong Martes ng umaga, 5 Abril. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang suspek sa anti-criminality checkpoint operation na inilatag ng mga tauhan ng …

Read More »

Tulong serbisyo sa OFWs ilalapit ni Robredo

Leni Robredo

WALANG mahabang pila sa paglalakad ng requirements kapag presidente na si Vice President Leni Robredo, hindi na dapat pang magtungo sa Metro Manila ang kahit sinong overseas Filipino workers (OFWs) para magproseso ng travel documents at magsumite ng requirements. Ayon kay dating Congressman Teddy Baguilat, tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, alam ni VP Leni kung ano ang hirap …

Read More »

Robredo angat pa rin vs Marcos sa Google Trends, kahit sa ‘Solid North’

Leni Robredo Bongbong Marcos Google Trends

ANGAT pa rin si Vice President Leni Robredo sa kapwa kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos, Jr., kahit sa mga lugar sa tinatawag na Solid North, pagdating sa Google Trends, na eksaktong nasusukat ang interes ng mga botante sa isang partikular na kandidato. Noong 1 Abril, una pa rin si Robredo kay Marcos, 51.3 kompara sa 34.3, pagdating sa …

Read More »

Legarda hinikayat ang food security ngayung Filipino Food Month

Loren Legarda Food Security

Hinikayat ni Antique congresswoman at senatorial candidate Loren Legarda na pausbungin ang pagkaing Pilipino sa selebrasyon ng Filipino Food Month sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliliit na negosyong pangagrituktura, lalo na ng mga mangingisda at magsasaka, at sa paggamit ng mga kasangkapan sa tradisyunal na lutong Pilipino. “Ipinakita ng COVID-19 pandemic kung gaano ka-vulnerable ang ating mga food supply …

Read More »

Pagkolekta ng P203-B Marcos estate tax hamon ng political will

marcos duterte

POLITICAL WILL lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para makolekta ang P203-B estate tax sa pamilya Marcos. Ito ang hamon ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner at International Center for Transitional Justice Senior Expert of Programs Ruben Carranza kay Pangulong Duterte. Giit niya, kung napakadali para kay Pangulong Duterte ang kumuha ng buhay ng libo-libong Filipino, …

Read More »

Tsibog na ayos at masarap daragsain ng turista – Lacson, Piñol

Ping Lacson Manny Piñol

PARA mahikayat ang mga lokal at dayuhang turista na tangkilikin ang magagandang destinasyon sa ating bansa, sinisiguro ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na magkakaroon ng seguridad sa pagkain ang bawat rehiyon upang maging abot-kaya sa lahat. Sa mahal umano ng mga bilihin, gayondin ang mga gastusin sa paglalakbay, kabilang ang presyo ng pagkain sa mga dinarayong lugar ay may …

Read More »

Alternatibong pagkukuhaan ng koryente sisinupin ni Ping

Ping Lacson

ODIONGAN, Romblon — Tiniyak ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na madaragdagan pa ang mga impraestruktura para sa pagpapalakas ng paggamit ng renewable energy upang magkaroon ng sapat na supply ng koryente ang malalayong lalawigan at isla sa bansa. Inihayag ito ni Lacson sa kanyang pagbisita nitong Lunes (4 Abril) sa bayang ito, kausap ang ilang mga mamamahayag at ipinaalam …

Read More »

CoVid-19 vaccine para ‘di masayang,
HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION, UTOS NI DUTERTE

040622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang house-to-house vaccination upang hindi masayang ang biniling CoVid-19 vaccines ng pamahalaan. Sa kanyang Talk to the People kagabi, ipinaliwanag ng Pangulo na titiyakin niyang hindi masasayang ang mga nakaimbak na CoVid-19 vaccines dahil magbabahay-bahay ang mga manggagawang pangkalusugan ng pamahalaan upang maseguro na matuturukan ng bakuna ang hindi pa bakunado. “So …

Read More »

Robredo sakto sa disaster resilience, response & mitigation

Leni Robredo

NANGAKO si Vice President Leni Robredo na magtayo ng isang matatag at matibay sa bagyong pampublikong impraestruktura, lalo ang mga evacuation center, na kailangan sa isang bansa na hinahagupit ng dalawang dosenang bagyo sa isang taon. Ito ang nilalaman ng nilagdaang covenant ni Robredo  sa pagitan ng mga pinuno ng komunidad sa Borongan, Eastern Samar, tulad ng kanyang bayan sa …

Read More »

Grupo inilaglag si Isko lumipat kay Robredo

Nick Malazarte Leni Robredo Isko Moreno

SA IKALAWANG pagkakataon sa loob ng halos dalawang linggo, isa pang grupo ang inilaglag ang orihinal nilang kandidato bilang pangulo at lumipat sa kampo ni Vice President Leni Robredo. Nagpasya ang Ikaw Muna (IM) Pilipinas Visayas, na itinatag para suportahan ang kandidatura ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na lumipat kay Robredo matapos pag-aralan ang kanilang mga opsiyon. Sa isang press …

Read More »

SM Supermalls partners with GSP to boost DOH’s ‘Resbakuna Kids’ campaign

SM GSP Covid-19 Vaccine

SM Supermalls teams up with the Girl Scouts of the Philippines (GSP) to boost the Department of Health’s ‘Resbakuna Kids’ nationwide vaccination campaign. SM Supermalls’ ongoing vaccination efforts will now also welcome over 700,000 members of the GSP to get inoculated against COVID-19 starting April 2. McDonald’s, Jollibee, Tom’s World, and Toy Kingdom join hands in making this event all …

Read More »

Phoebe ikinompara kina Cristine at Anne

Cristine Reyes Phoebe Walker Anne Curtis

MATABILni John Fontanilla PASADO bilang action star si Phoebe Walker kung pagbabasehan ang husay niya sa pinagbibidahang Buy Bust Queen na isang advocacy film. Kaya naman pwede na siyang ihanay kina Anne Curtis at Cristine Reyes na gumawa rin ng action film.   Kaya naman ‘di maiwasang kiligin ni Phoebe na maikompara kina Anne at Cristine at sa mga papuring natanggap niya sa mga nakapanood na ng pelikula.  Bukod …

Read More »

Mickey at Enzo magpapaiyak sa pelikula

Enzo Pineda Mickey Ferriols Atty Maria Angelica de Ramos Dok

MATABILni John Fontanilla ISANG napapanahon at makabuluhang pelikula ang mappanood simula  April 06 (Wednesday) in selected cinemas na pinagbibidahan ni Enzo Pineda,!ang Dok na hatid ng Donya Productions ni Atty. Angie De Ramos na siya ring direktor ng pelikula. Ang Dok ay isang family drama movie na base sa totoong pangyayari sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ginagampanan ni Enzo ang role na doktor, kasama si Mickey Ferriols. Masaya at  very proud si …

Read More »

MMK ni Barbie trending

Barbie Forteza Jackie Lou Blanco

RATED Rni Rommel Gonzales ISA na namang natatanging pagganap ang hatid ni Barbie Forteza sa katatapos lang na episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman. Pinamagatang My Bipolar Mom, gumanap dito si Barbie bilang Ashley, isang arnis player na nangangarap makatungtong sa isang international competition. Kasabay ng kanyang istriktong training, mag-isa rin niyang inaalagaan ang inang na-diagnose ng bipolar disorder. Naantig ang netizens …

Read More »