Pomal na inilunsad nitong Martes nga hapon, 24 Mayo, ang Sambigkis Advocacy Support Group kasabay ng kauna-unahang general assembly ng grupo na dinaluhan ng Biñan CPS sa People’s Center, Brgy. Zapote, Biñan, Laguna na pinangunahan ng Station Community Affairs. Nagsimula ang kaganapan sa panawagan sa pangunguna ni Ptr. Gilbert Garcia, Biñan Pastor Movement. Isinagawa ang paglagda ng Memorandum of …
Read More »Masonry Layout
Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara
ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong Bong Marcos at Sara Duterte sa Kamara de Representantes matapos ang tatlong araw na Canvassing. Si Marcos ay nakakuha ng 31,629,783 na boto habang si Duterte naman ay nakakuha ng 32,208,417. Magiging ika-17 presidente si Marcos at si Duterte ay ika-15 na bise presidente kasunod …
Read More »7 illegal E-sabong, naipasara na — DILG
Naipasara na ang pitong e-sabong websites na ilegal na nag-o-operate, matapos ipag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang crakdown laban dito. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, iniimbestigahan na rin ngayon ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group kung sinu-sino ang mga administrators ng mga nasabing websites upang masampahan ang …
Read More »Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae
PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na si Lee Jung-jae. Si Lee ang isa sa bida ng Korean series na Squid Game. Ang picture nila ay kuha sa naganap na Cannes Film Festival. Caption ni Sylvia, “It was nice meeting you, Mr. Lee Jung-jae.” Si Jung-jae ay isa sa mga nominado sa nakaraang Golden Globes para …
Read More »
Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM
PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang mga suspek nitong Martes ng umaga, 24 Mayo, sa Brgy. Bicol, bayan ng Tuao, lalawigan ng Cagayan. Kinilala ng Cagayan PPO ang napaslang na biktimang si Dante Blanza, 61 anyos, barangay chairman ng Sto. Tomas, sa nabanggit na bayan, habang ligtas ang kaniyang angkas na …
Read More »
Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA
NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng isang punong barangay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan matapos tamaan ng pagsabog nitong Lunes bago maghatinggabi, 23 Mayo. Sa ulat mula sa San Ildefonso MPS, hinagisan ng granada ang bahay ng kapitan na si Allan Galvez sa Brgy. Alaga. Walang naiulat na …
Read More »6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo
ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing pawang mga mapanganib na personalidad sa pinaigting pang kampanya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo. Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kay P/BGen. Matthew Baccay, PRO3 PNP regional director, nakatala ang anim …
Read More »
Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang nalasing sa inuman sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng Norzagaray MPS, kinilala ang suspek na si Glenn Solis, 27 anyos, isang guro, residente sa Brgy. Partida, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY
ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang motorsiklo ng isang baka sa bayan ng Bauan, lalawigan ng La Union. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nasa gilid ng kalsada ang baka at hinihila ng magsasaka. Huminto umano sa gilid ng baka ang rider saka nito sinipa ang huli na nakasakay pa sa kanyang …
Read More »
Sa Cavinti, Laguna
2 KAWATAN TIMBOG SA COMELEC CHECKPOINT
ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga magnanakaw sa Commission on Elections (COMELEC) checkpoint na minamandohan nitong Lunes ng gabi, 23 Mayo, sa Brgy. Duhat, bayan ng Cavinti, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni Laguna PPO director P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Ronilo Espinosa, isang tricycle driver, residente sa Brgy. 28, Kawal St., Caloocan; at Arnold Ilagan, isang promodizer, …
Read More »Elijah gustong ‘magka-anak’ sila ni Kokoy
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOBRANG na-enjoy ng fans gayundin ng entertainment press at nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ang isinagawang livestream sa Facebook page at Youtube channel ng The IdeaFirst Company para sa kanilangGameboys Season 2. Panay kasi ang biruan nina Elijah at Kokoy at marami rin ang nagsasabing sweet ang mga ito. At dahil nasa season 2 na ang Gameboys may nagtanong sa kanila kung ano pa ang …
Read More »Elijah at Kokoy umaming nag-‘live-in’
PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGSAMANG muli sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, ang mga bida ng hit Pinoy BL series na Gameboys, para pasayahin ang kanilang fans at ipagdiwang ang World Gameboys Day noong Linggo, May 22, na itinaon din sa release ng Gameboys Season 2 kinagabihan. Natuwa ang fans na mapanood via Livestream sa Facebook page at YouTube channel ng The IdeaFirst Company na magkasama in person at in one frame sina …
Read More »Hipon ipinangakong susungkitin korona sa Binibining Pilipinas 2022
MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang mapahagulgol si Herlene Hipon Budol nang magbigay-mensahe sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino nang magdiwang ng kaarawan kamakailan. Parte ng mensahe ni Hipon na malaki ang utang na loob at dapat ipagpasalamat kay Wilbert dahil binago nito ang kanyang buhay at buhay ng kanyang pamilya simula nang makilala niya ito at maging manager. Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat …
Read More »
Matapang kapag nakainom
SENGLOT TIKLO SA BOGA
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtatapang-tapangan matapos ireklamo ng pagbabanta at pagpapaputok ng baril habang nasa impluwensiya ng alak sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 22 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang suspek na si Dindo Carballo, residente sa Brgy. Ugongm Valenzuela, na dumayo ng Marilao …
Read More »Tandem na HVT ng ‘Gapo nasakote P.4-M shabu nasamsam
ARESTADO ang dalawang nakatalang high value target (HVT), nakompiskahan ng higit sa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa lungsod ng Olongapo nitong Linggo, 22 Mayo. Batay sa ulat ni P/Col. Carlito Grijaldo, acting city director ng Olongapo CPS, nagsagawa ang mga elemento ng CPDEU, PS3 SPDEU, at OCMFC ng anti-illegal drug operation sa loob ng …
Read More »
Umawat sa pagwawala tinaga
KAGAWAD SUGATAN, SA UTOL NA INUTAS NG REVOLVER
SUGATAN ang isang barangay kagawad matapos tagain ng nakababatang kapatid na kalaunan ay kaniyang nabaril at napatay dahil ayaw magpaawat sa pagwawala sa Brgy. Basak, bayan ng Cauayan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo, 22 Mayo. Kinilala ang kagawad na si Freddie Baballero, 51 anyos, tinaga ng kaniyang nakababatang kapatid na si Richard. Ayon kay P/Lt. Col. Roberto Indiape, Jr., …
Read More »
Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO
PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off (RORO) passenger vessel, may sakay na 135 katao, halos 1,000 metro ang layo mula sa pier ng Real, sa lalawigan ng Quezon nitong Lunes ng umaga, 23 Mayo. Ayon kay Philippine Coast Guard Public Affairs Office chief, Commodore Armando Balilo, inilabas ang paunang ulat na …
Read More »
Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK
ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Tantawi Salic, alyas Tangie, 35 anyos, residente sa Phase 12, Riverside Brgy. …
Read More »462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi
PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 Marawi Siege na matatagpuan sa Barangay Patani. Ang handover ceremony ay dinaluhan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlements and Development (DHSUD) Secretary Eduardo D. Del Rosario at iba pang opisyal. Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Japan government …
Read More »Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA
KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions ang lahat ng pumping stations. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, pinaghandaan ng ahensiya ang panahon ng tag-ulan, kasama ang mga pumping stations na nakatulong sa pagpigil ng matinding pagbaha sa Metro Manila. Sinabi ni Artes, mababa ang elevation ng Metro Manila kaya kapag high …
Read More »P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers
TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na drug pushers nang salakayin ng pulisya ang isang drug den sa Parañaque City kamakalawa. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nahuling suspek na sina Datupuwa Kanapia Datumantang, 32 anyos, (HVI pusher); Babydhats Kaliman Midtimbang, 31, (HVI at maintainer ng …
Read More »P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado
AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang nakompiska ng mga awtoridad nang mahuli ang walong tulak sa magkakahiwalay na buy bust operations sa Parañaque City kamakalawa. Kinilala ni P/BGen. Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Joshua Christopher Buenconsejo, 26 anyos, residente sa Road 7, …
Read More »Pagsirit ng presyo ng gasolina asahan diesel, kerosene magbabawas
MALAKING pagtaas ng presyo ng gasolina ang ipatutupad ngayong araw ng Martes habang malaki ang ibabawas sa presyo ng diesel at kerosene kada litro. Ayon sa magkahiwalay na advisories, ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil Philippines Inc., at Total Philippines ay magpapatupad ng P3.95 patong sa presyo kada litro ng gasolina habang babawasan ng P2.30 ang …
Read More »NBoC panel sa senado kompleto na
BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board of Canvassers (NBoC) na magbibilang ng boto at magpoproklama ng mga nagwagi nitong nakaraang 9 Mayo 2022 presidential at vice presidential elections. Tinukoy ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pito na sina Senate President Ralph G. Recto, Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, …
Read More »
Mainstream media binanatan
REMULLA, JUSTICE SECRETARY NI MARCOS, JR.
ni ROSE NOVENARIO TINANGGAP ni Cavite 2nd District Rep. Boying Remulla ang alok ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr., na maging secretary ng Department of Justice (DOJ) ng kanyang administrasyon. Hindi pa man pormal na nakaupo bilang justice secretary, binatikos agad ni Remulla ang media na aniya’y kontrolado ng malalaking korporasyon at may bisyong banatan ang ‘nation states.’ Sa pananaw …
Read More »