Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

Programa ng PH gov’t sa Hajj ipinarerebisa

hajj mecca muslim NCMF

IPINAREREBISA ni Deputy Speaker Mujiv Hataman ang programa ng gobyerno sa mga Muslim pilgrim sa Haj matapos maantala ang biyahe nito patungo sa Mecca. “Isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ng mga Muslim ang Hajj. Mapalad ang mga nakapaglalakbay at naisasagawa ito kahit isang beses sa kanilang buhay. Kaya nakalulungkot ang balitang marami ang hindi makakaranas nito ngayong taon dahil …

Read More »

95 batang Pinoy patay sa malnutrisyon kada araw

dead baby

MAY siyamnapu’t limang batang Filipino ang namamatay kada araw dulot ng malnutrition. “The fragmented and weak health system in the Philippines is chronically in crisis,” ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS) sa panayam ng HATAW. Aniya, mayorya sa mga Pinoy ay pinagkaitan ng karapatan sa kalusugan sanhi ng kakulangan sa access sa …

Read More »

 ‘Flush valves’ gang umiskor sa NAIA

‘Flush valves’ gang umiskor sa NAIA

NASORPRESA ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa nakawang nangyari sa mga pampublikong palikuran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), pitong flush valves ang nawala nitong buwan ng Abril at Hunyo, sa taong ito. Ayon sa MIAA media affairs, limang flush valves ang nai-report na nawawala noong 4 Abril 2022 sa NAIA Terminal 2 public toilets. Nadiskubre rin na dalawang …

Read More »

PH health frontliners ‘itinaboy’ ng bulok na sistema

062822 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario MISTULANG gobyerno ang nagtataboy sa health care workers para mag-abroad kaya nakararanas ng pagbulusok ng bilang ng health workforce sa bansa. Ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS), ang pangingibang bansa ng health workers ay sanhi ng napakaliit na sahod at benepisyo, hindi maayos na kondisyon sa paggawa, pagkakait ng …

Read More »

Sen. Joel Villanueva nanumpa sa tungkulin

Joel Villanueva oath-taking Barasoain Malolos, Bulacan Feat

NANUMPA sa tungkulin para sa kanyang pangalawang termino si Sen. Joel Villanueva sa tapat ng Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan kahapon Lunes, 27 Hunyo 2022. Dumalo sa oath-taking event ang mga kamag-anak ng senador, mga lokal na opisyal ng Bulacan, at mga supporters ni Villanueva. Si Kap. Robin del Rosario ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan, kababata ni Villanueva ang …

Read More »

BULACAN ALL-OUT SUPPORT FOR PBBM.

Bongbong Marcos BBM Rida Robes Bulacan

Dumalo si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa thanksgiving luncheon na pinangunahan ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes kamakailan. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang 22 Alkalde ng Bulacan na pawang lubos na nagpakita ng suporta kay Marcos noong nagdaang eleksiyon, maging ang mga papasok na kasapi ng 19th Congress sa House of Representatives. Ang mga …

Read More »

Red Velvet, BINI, BGYO, at Lady Pipay bibida sa Be You! The World Will Adjust 

Red Velvet BGYO Bini  Lady Pipay

HANDA na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na ang hangarin ay i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo ng Purpose International Training …

Read More »

PAO forensic chief,  nag-apply kay BBM para DOH secretary

Erwin Erfe

NAGSUMITE ng kaniyang mga kredensiyal si Public Attorneys Office (PAO) forensics chief Dr. Erwin Erfe kay incoming President Ferdinand Marcos, Jr., para sa posisyon bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Una rito, tinanggihan ni Dr. Erfe ang alok sa kaniya na pamunuan ang DOH at Philippine Health Insurance Corp., dahil sa talamak na korupsiyon at ang nais niya noon …

Read More »

Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT

062722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno. Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel …

Read More »

Isang linggo bago bumaba sa puwesto,
DUTERTE NAGTALAGA NG ‘MIDNIGHT APPOINTEES’

Rodrigo Duterte David Erro Joselin Marcus Fragada

ISANG linggo bago bumaba sa puwesto, nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong officers-in-charge sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kinompirma ni acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar ang paghirang kay David Erro bilang officer-in-charge ng DAR at Joselin Marcus Fragada bilang officer-in-charge ng DENR. Pinalitan ni Erro si acting …

Read More »

Utos ng NSC, NTC na mag-block ng websites ng alternative press
FULL-BLOWN DIGITAL MARTIAL LAW

062422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SIMULA ng implementasyon ng full-blown digital martial law ang utos ng National Security Council (NSC) at National Telecommunications Office (NTC) na i-block ang websites ng ilang news organizations, activist groups at social movements para hindi mabasa ng internet users sa Filipinas. Inihayag ito ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay kahapon kasabay ng pagkondena sa naging hakbang ng …

Read More »

Big Night lalarga sa New York Asian Film Festival

Big Night NYAFF

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga MASAYANG-MASAYA si Direk Jun Robles Lana at ang buong The IdeaFirst Company dahil ang pelikula nilang Big Night ang tanging Filipino film na nakapasok ngayong taon sa New York Asian Film Festival, na nagdiriwang ng 20th anniversary. Ayon sa social media post ng IdeaFirst na ini-repost din ni Direk Jun, “#BigNight in New York! MMFF 2021 big winner BIG NIGHT will be making …

Read More »

Ngayon Kaya red carpet premiere star studded

Paulo Avelino Janine Gutierrez Ngayon Kaya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DINAGSA ng mga kapamilya at mga kaibigan ang red carpet premiere ng Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noong Martes ng gabi sa SM Megamall. At bagamat may pandemic pa, marami ring fans ang sumugod para personal na makita ang kanilang idolo at para makapanood ng pelikula.  Nakita namin na dumalo sa premiere night sina Jake Cuenca, Enchong Dee, Edward …

Read More »

PH host sa 3rd maritime dialogue

Ayungin Shoal DFA

NAKATAKDANG mag-host ng ikatlong Maritime Dialogue sa susunod na taon ang Filipinas. Pinaigting ng Filipinas at Australia ang ugnayan para resolbahin ang iba’t ibang maritime issues makaraang dumalo ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikalawang Maritime Dialogue na ginawa sa Canberra, Australia. Kabilang sa mga usaping tinalakay sa dialogo ang isyu ng pangisdaan, maritime domain …

Read More »

Bilang ng sasakyan sa EDSA bumaba
EXPANDED NUMBER CODING SCHEME ‘DI NA IPATUTUPAD

MMDA, NCR, Metro Manila

DAHIL sa pagbaba ng bilang ng mga sasakyan na bumabagtas sa kahabaan ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA), hindi na itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang magpatupad ng expanded number coding scheme. Naniniwala ang MMDA, ang pagliit ng bilang ng sasakyang bumibiyahe sa EDSA ay dahil sa taas ng presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay MMDA Chairman …

Read More »

Dalaga binoga ng may-ari ng punerarya

Gun Fire

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 34-anyos dalaga matapos barilin ng isang negosyanteng may-ari ng punerarya sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang  si Maria Angela Prado, residente sa Kalayaan St., First Rainbow, Makati City, sanhi ng tama ng bala sa dibdib. Nakapiit …

Read More »

Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 

062322 Hataw Frontpage

IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip kay Dr. Maria Natividad Castro, kilala rin bilang Doc Naty, matapos baliktarin ang ruling nito noong 22 Marso 2022 na nagdi-dismiss sa kasong kriminal na isinampa laban sa manggagamot. Unang nadakip si Dr. Castro, isang human rights at public health advocate, noong 18 Pebrero sa …

Read More »

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SM Southmall Southtopia UFC

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang tao laban sa iba’t ibang karamdaman. Sa patuloy na paglaban sa COVID-19, nararapat na panatilihin ang maayos na kalusugan. Ito ang binigyang importansiya ni SM Supermalls President Steven Tan sa pagbubukas ng pinakabagong UFC Gym sa SM Gamepark sa SM Southmall. “We are all fighters, …

Read More »

Sa Jaen, Nueva Ecija
BRGY. KAGAWAD LIGTAS SA AMBUSH

gun shot

NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi, 20 Hunyo. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Marianito Herminigildo, 63 anyos, residente at kagawad ng nabanggit na barangay. Nabatid na pauwi si Herminigildo mula sa kanyang bukid sakay ng electric bike nang barilin ng …

Read More »

Sa 7-araw SACLEO sa Rizal
P2.4-M DROGA KOMPISKADO, 180 KATAO TIMBOG

Rizal Police PNP

NASAMSAM ang P24-milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado ang 180 katao sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa loob ng pitong araw sa 14 bayan sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, nakompiska ng mga awtoridad ang 365.41 gramo ng shabu …

Read More »

Silid sinalakay ng kaalitang katrabaho
CARWASH BOY PATAY, KASAMA SUGATAN

Car Wash

HINDI nakaligtas ang isang trabahador sa isang carwash shop habang sugatan ang isa pa nang salakayin ng kasamahan sa trabaho sa loob ng kanilang silid dakong 2:43 am nitong Martes, 21 Hunyo, sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Nagresponde ang mga awtoridad sa ulat sa kanila ng isang concerned citizen na may natagpuang babae at lalaking nakahandusay …

Read More »

Sa Davao de Oro
BRGY. CHAIRMAN  TODAS SA BOGA

dead gun police

UTAS ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Andili, bayan ng Mawab, lalawigan ng Davao de Oro, nitong Lunes ng umaga, 20 Hunyo. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elizalde Malcampo, chairman ng Barangay Kinuban sa karatig-bayan ng Maco. Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, galing sa Andili Elementary School ang biktima, matapos ihatid …

Read More »

Ilang araw nang nawawala
ESTUDYANTE NATAGPUANG WALANG BUHAY SA DAMUHAN

dead

WALA nang buhay at nagsisimula nang maagnas ang katawan ng isang college student nang matagpuan sa madamong bahagi sa gilid ng Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang biktimang si Aaron Fernandez, 20 anyos, residente sa Brgy. Poblacion Oeste, sa nabanggit na lungsod, at 2nd year hospitality student. Ayon sa ama ng biktima na si Anthony, …

Read More »

EDSA Timog flyover southbound isasara

road closed

ISASARA nang isang buwan dahil sa isasagawang repair ng Department of Public Works and Highway (DPWH)  ang EDSA Timog flyover southbound. Inabisohan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista kaugnay ng pagsasara ng EDSA Timog flyover southbound simula 6:00 am sa 25 Hunyo 2022. Ang pagsasara ng naturang tulay ay upang bigyan daan ang isasagawang repair ng DPWH …

Read More »