Thursday , June 13 2024
Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Piolo Pascual

DongYan, Alden, Julia, Kathryn, Piolo Box Office Heroes sa 7th EDDYS

BILANG pagkilala at pagpapahalaga sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry noong nakaraang taon, magkakaroon ng bagong special award ang 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice. 

Inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pamamahagi ng Box Office Hero Award sa gaganaping awards night ng ika-7 edisyon ng The EDDYS sa July 7, 2024, 7:00 p.m..

Mangyayari ang pinakaaabangang gabi ng parangal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. 

Mapapanood din ang kabuuan ng 7th EDDYS awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10:00 p.m..

Ang Box Office Hero Award ay igagawad bilang pagbibigay-pugay sa mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Filipino.

“Each of the films cited in this year’s Box Office Hero award has earned more than P100 million at the box office,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

The figures they produced are more than enough to inspire the industry to continue producing films that are both commercially viable and artistically impactful,” aniya pa.

Igagawad ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Piolo Pascual.

Tumabo sa takilya ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng mag-asawang Dingdong at Marian na Rewind mula sa Star CinemaAgosto Dos Media, at APT Entertainment. Ito ngayon ang itinuturing na highest-grossing local film of all time, matapos kumita ng P1-B.

Certified box office stars na rin sina Alden at Julia dahil sa pelikula nilang Five Breakups and A Romance mula sa GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad Entertainment. Kumita ito ng mahigit P100-M sa takilya.

Kikilalanin din si Kathryn bilang isa sa Box Office Heroes ng The EDDYS matapos humakot ng milyon-milyong piso ang pelikula niyang A Very Good Girl a ipinrodyus ng Star Cinema. Ang dark comedy-thriller na ito ay nakapag-record ng P100-M box office gross. 

Samantala, pararangalan din si Piolo bilang Box Office Hero dahil sa tagumpay ng pelikula niyang Mallari mula sa Mentorque Productions na itinanghal namang second box-office winner sa MMFF 2024. 

Umabot sa mahigit P225-M ang kinita nito sa mga sinehan.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas. 

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

About hataw tabloid

Check Also

Xian Lim Sanya Lopez Coleen Garcia Faye Lorenzo

Playtime ng GMA at Viva mapapanood na

RATED Rni Rommel Gonzales MAPAPANOOD na ang pinakaaabangang pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na  Playtime starring Sanya Lopez, Coleen Garcia, …

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Jed Madela

Jed Madela inabangan, kinagiliwan sa Phil Expo Tokyo 2024

HARD TALKni Pilar Mateo PINAINIT ni Jed Madela ang mga kababayan nating nanood sa kanyang appearance sa …

Pulang Araw

Pulang Araw ng GMA mauunang mapanood sa Netflix

I-FLEXni Jun Nardo UNANG mapapanood sa streming app na Netflix ang GMA series na Pulang Araw bago sa free TV ng …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …