Sunday , November 17 2024

Masonry Layout

Anim na law offenders sa Bulacan isinako

Bulacan Police PNP

Nitong Disyembre 28 at hanggang kahapon, ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (BulPPO) ay sunod-sunod na naaresto ang anim na katao na pawang lumabag sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan. Sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pinagsanib na buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operations …

Read More »

Nadine bonus ang pagwawaging Best Actress sa MMFF 2022

Nadine Lustre

INAMIN ni Nadine Lustre kung ano ang magiging reaction niya nang malamang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022 ang kanilang pelikulang Deleter. Kaya naman bonus din ang pgkakatanghal sa kanya bilang Best Actress sa nasabi ring pelikula na handog ng Viva Films. Ayon kay Nadine hindi niya in-expect na siya ang tatanghaling Best Actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival  2022 …

Read More »

Mga lider ng BBM Inc. bumuo ng programang makatutulong sa mga mahihirap

Ang Bansa Babangon Movement BBM Inc

NAGTIPON-TIPON noong nakaraang linggo sa Maynila ang 33 lider ng Ang Bansa Babangon Movement (BBM) Inc. ng mga distrito ng NCR para bumuo ng programang tutulong sa mga mahihirap. Ang mga lider ay kinatawan at tagapagtaguyod ng iba’t ibang sektor sa lipunan.  Sa ginanap na pagpupulong na pinangunahan ni Jake Caday, pinag-usapan nila ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa, ang bawat isa na dumalo …

Read More »

Tulfo dalawang beses na-bypass ng CA
DSWD MAY BAGONG OIC USEC PUNAY ITINALAGA

122822 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kinompirma ito ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang kalatas kahapon. Hinirang si Punay bilang officer-in-charge ng DSWD matapos ang dalawang beses pag-bypass ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni …

Read More »

Express delivery office nilooban ng walong armado
EMPLEYADONG BEBOT BINOGA

Gun Fire

MALUBHANG nasugatan ang isang babaeng empleyado nang barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express, dahil sa tig-isang tama ng bala sa …

Read More »

Sa Rehiyon 6
11 INSIDENTE NG PINSALA DAHIL SA PAPUTOK NAITALA

paputok firecrackers

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 11 insidente ng 11 firecracker-related injuries sa rehiyon ng Western Visayas sa nakalipas na pitong araw. Ayon kay Dr. May Ann Sta. Lucia, OIC ng DOH-6 Local Health Support Division, pito sa 11 kaso ay naitala sa lalawigan ng Iloilo mula 21 hanggang 26 Disyembre. Naitala rin ang tatlong insidente ng firecracker-related injuries …

Read More »

4 tulak ng ‘omads,’ 7 tulak ng ‘bato’ timbog sa drug-bust

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na naaresto ang 11 personalidad sa droga sa ikinasang anti-criminality operation na isinagawa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 26 Disyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang drug bust operation sa Brgy. Sto Cristo, Malolos na pinangunahan ng Malolos CPS ang pagkakaaresto sa apat na marijuana dealers na …

Read More »

Sa Bicol Region 2 SA 9 NAWAWALANG MANGINGISDA SA CATANDUANES, BANGKAY NA LUMUTANG SA ALBAY AT MATNOG

Lunod, Drown

WALA nang buhay nang matagpuan ang mga katawan ng dalawang mangingisdang kasama sa naiulat na nawawala sa lalawigan ng Catanduanes, ayon sa kompirmasyon ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol nitong Martes, 27 Disyembre. Ayon kay Gremil Naz, tagapagsalita ng OCD Bicol, natagpuan ang bangkay ni Arnel Araojo, 43 anyos, sa dalampasigan ng Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay; habang natagpuan …

Read More »

Sa patuloy na pagbaha sa hilagang Mindanao
6 PATAY SA MISAMIS OCCIDENTAL

rain ulan

ANIM na casualty ang naitala ng lalawigan ng Misamis Occidental nitong Lunes, 26 Disyembre, sa patuloy na pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon ng hilagang Mindanao na nagresulta sa pagpapalikas ng higit sa 40,000 katao. Isinagawa ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Oroquieta City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ang pinakahuling retrieval operation sa Purok 3, Brgy. …

Read More »

Mga kaanak tinangkang iligtas
LALAKING NILAMON NG ALON, MISSING

sea dagat

NAWAWALA ang isang 32-anyos lalaki matapos tangayin ng alon nang tangkaing sagipin ang mga kaanak na nalulunod sa isang beach sa bayan ng Binmaley, lalawigan ng Pangasinan nitong Lunes, 26 Disyembre. Patuloy na nagsasagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMMO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) upang mahanap ang nawawalang …

Read More »

Joaquin Domagoso Best Actor sa Boden Int’l Filmfest

Joaquin Domagoso That Boy In The Dark

NAKATANGGAP muli si Joaquin Domagoso ng pagkilala mula sa ibang bansa dahil sa kanyang husay sa pagganap sa pelikulang That Boy in the Dark. Si Joaquin ang itinanghal na Best Actor sa Boden International Film Festival sa Sweden, ayon sa website ng naturang film festival. Nakamit din ng That Boy in the Dark ang parangal bilang Best Feature Film, at si direk Adolf Alix Jr., ang nagwaging Best …

Read More »

Erika Mae  special guest sa Nick Vera Perez Live Finally 

Erika Mae Salas Nick Vera Perez

MATABILni John Fontanilla ISA ang singer/actress na si Erika Mae Salas sa naging special guest sa Nick Vera Perez Live Finally … Our Christmas  One Night Only, isang Christmas concert  na ginanap sa The Grand Ballroom, Rembrandt Hotel last December 25, 2022. Ito bale ang kauna-unahang Concert ni Nick Vera Perez sa bansa at first time niya ulit umuwi ng Pilipinas after three years. Inawit …

Read More »

Deleter humakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2022

Nadine Lustre Ian Veneracion Vilma Santos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BIG winner ang pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre, ang Deleter ng Viva Films sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap ang awards night sa New Frontier Theater noong Martes, Disyembre 27, 2022. Itinanghal na Best Picture ang Deleter at nagwaging Best Actress si Nadine, mula rin sa pelikulang ito. Nagwagi rin ang Deleter bilang Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects, …

Read More »

Health protocols ipinaalala sa OFWs

airport Plane Covid-19

PINAALALAHANAN ng Filipino community leaders sa Hong Kong ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng Filipinas ngayong holiday season kaugnay ng protocol ng bansa para sa mga hindi bakunadong inbound passengers. Partikular na unang inianunsiyo ng Department of Health (DoH) na kinakailangang magpresenta ng negative antigen test result ang mga inbound travellers sa Filipinas na hindi fully vaccinated. …

Read More »

160 pamilya homeless ngayong bagong taon

fire sunog bombero

UMABOT sa 160 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan lamunin ng apoy ang halos 100 kabahayan sa San Dionisio, Parañaque City noong Lunes. Malungkot na sasalubungin ang Bagong Taon ng mga residente matapos tupukin ng apoy ang kanilnag tahanan. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa P400,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy na nagsimula …

Read More »

P.3-M shabu kompiskado sa notoryus tulak sa Kankaloo

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang notoryus na drug pusher, nakatala bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P300,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan city police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Jovanie Monis, alyas Vanie, 42 anyos, ng Bagong Silang, Brgy. 176, ng …

Read More »

Kelot timbog sa boga

gun ban

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Jeffrey Gumaru, 37 anyos, residente sa 3rd Avenue, Brgy. 118 ng nasabing lungsod. Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. …

Read More »

Rehistro ng SIM, ‘wag pahirapin

Sim Cards

DAPAT gawing madali ang pagpaparehistro ng kanilang subscriber identity module (SIM) habang sinisigurong pribado ang kanilang datos at impormasyon, pagdidiin ni Sen. Grace Poe sa simula ng implementasyon ng batas sa rehistrasyon ng SIM sa 27 Disyembre.                “Tulad ng pagpapadala ng mensahe sa text, dapat maging madali ang pagpaparehistro ng SIM,” ani Poe. Nanawagan ang senador sa mga telco …

Read More »

Sa paglulunsad ng SIM registration
MAG-INGAT SA GCASH SCAM

thief card

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian sa mga gumagamit ng subscriber identification module o SIM, sa mobile phone o laptop, laban sa natuklasang GCash scam bago magsimula ang SIM registration na nakatakda sa 27 Disyembre. Isiniwalat ni Gatchalian, ang isang mapanlinlang na email na galing sa “GCash Promotions” na nagpapayo sa mga nakatanggap na ang kanilang mga transaksiyon ay nagkaroon ng …

Read More »

Matatag na internet connection tiniyak sa mga liblib na lugar

internet connection

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na patuloy na magtatrabaho sa pagtatatag ng mga koneksiyon sa internet sa mga liblib na lugar sa bansa ang kanyang administrasyon dahil naging pangunahing pangangailangan sa sa post-pandemic ang pag-access sa web. Inihayag ito ni Marcos Jr., nang ‘mag-gatecrash’ siya sa isang Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology …

Read More »

China state visit kapag itinuloy
FM JR., BAKA MAGING COVID-19 SPREADER

Bongbong Marcos China Philippines

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si public health advocate at former NTF adviser Dr. Tony Leachon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na irekonsidera ang nakaplano niyang China state visit sa susunod na linggo lalo na’t may surge ng kaso ng CoVid-19 sa naturang bansa. Ayon kay Leachon, dapat munang kumuha ng tunay na status ng CoVid-19 cases sa China mula …

Read More »

Lungsod ng Iligan binaha
81 PAMILYA INILIKAS

flood baha

UMABOT sa 81 pamilya ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan na apektado ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Nagmula sa Brgy. Hinaplanon ang 73 pamilya habang ang tatlo ay mula sa Bryg. Del Carmen at dinala sa Hinaplanon National High School. Nitong Linggo, 25 Disyembre, may kabuuang 85 pamilya …

Read More »

Sa Negros Occidental,
TRICYCLE DRIVER SUGATAN SA WHISTLE BOMB

WHISTLE BOMB paputok

ISANG 45-anyos tricycle driver ang sugatan matapos sumabog ang isang paputok sa kanyang kanang kamay sa lungsod ng Bago, lalawigan ng Negros Occidental, nitong araw ng Pasko, 25 Disyembre. Sa ulat mula sa Negros Occidental PPO, nakikipag-inuman ang biktima sa isang kamag-anak nang sinindihan ng kanyang kapatid ang isang whistle bomb na kanyang kinuha bago pa man sumabog. Dinala ang …

Read More »

Sa Sta. Rosa, Laguna
SUPERMARKET NILOOBAN, P.3-M NINAKAW SA ATM

Money Thief

NILOOBAN ng apat na lalaki ang isang commercial establishment sa lungsod ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng Laguna, at ninakawan ng hindi pa matukoy na halaga ang isang automated teller machine (ATM) nitong Linggo ng madaling araw, 25 Disyembre. Ayon kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, nadiskubre ni Glenje Opeña, 51 anyos, store manager ng Puregold Commercial …

Read More »

3 sasakyan nagkarambola sa Isabela
KONSEHAL PATAY, ALKALDE SUGATAN

road traffic accident

PATAY ang isang konsehal habang sugatan ang alkalde at kanyang kasama sa insidente ng banggaan ng tatlong sasakyan nitong Sabado ng gabi, 24 Disyembre, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela. Iniulat ng isang lokal na estasyon ng radyo na pumanaw si Candido Andumang, konsehal sa naturang bayan; habang sugatan si Quezon Mayor Jimmy Gamazon, Jr., at ang kanyang kasama. …

Read More »