Friday , November 15 2024

TimeLine Layout

December, 2013

  • 11 December

    Hindi kagandahang komedyana tinanggihan ng bagets (Handa na ngang mag-give ng 5K! )

    RECENTLY lang nangyari ang eksena na may  natipohang bagets sa set ng kanilang sitcom ang hindi kagandahang komedyana. Sa pag-aakalang makukuha niya ang Papang ekstra naglambing siya sa kanyang bading na handler na kausapin para sumama sa kanyang condo. S’yempre, para magkaroon ng konting happiness (datung) na extra income na puwede niya rin panlalaki hayun binola-bola ni nasabing handler ang …

    Read More »
  • 11 December

    Relief operations sa Tacloban City pinopolitika pa onli in da Pilipins

    DITO lang talaga sa Philippines my Philippines kakaiba ang public service. Mantakin ninyong sa gitna ng kalamidad at delubyo ay pinag-uusapan pa ang isyung ROMUALDEZ at AQUINO?! Ito ang eksaktong statement ni SILG Mar Roxas: “You have to understand you are a Romualdez and the President is an Aquino. He has to be very careful. The national government, we have …

    Read More »
  • 11 December

    Illegal arrest sa manggagawa ng Manila Seedling Bank kinondena

    Kinondena ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang ilegal na pag-aresto ng Quezon City Police District sa mga aktibista at manggagawa ng Manila Seedling Bank sa North Triangle, Quezon City. Kabilang sa mga inaresto si Sylva Attala Fortuno, 27, pambansang opisyal ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, at Joana Orellano, 14,  ng Anakbayan North Triangle. Sila ay binugbog ng mga …

    Read More »
  • 11 December

    Bahay sa Times sinugod ng militante (Pulis, raliyista, naggirian)

    TINATAYANG  200 raliyista mula Timog Katagalugan ang sumugod at nagsagawa ng programa sa harapan ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street, West Triangle Homes, Quezon City. Naging maaksyon ang pagdating ng mga militanteng sakay ng trak dahil napaatras ng grupo ang hanay ng mga pulis mula Station 2 matapos ang girian. Itinumba rin ng grupo ang isang police …

    Read More »
  • 11 December

    Justin Bieber dumalaw sa Yolanda survivors

    TACLOBAN CITY – Dumating sa Tacloban City dakong 1 p.m. kahapon si Canadian pop superstar Justin Bieber sakay ng private plane para dalawin ang Yolanda survivors. Agad siyang pinagkaguluhan mula sa airport ng kanyang fans na pawang survivors ng nagdaang super typhoon. Sobrang higpit ng seguridad at hindi basta-basta makalapit ang mga mamamahayag. Mas binigyan prayoridad ang mga bata na …

    Read More »
  • 11 December

    Misuari nakapuga na

    KINOMPIRMA ng spokesman ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na nakaalis na ng bansa ang kanilang lider. Sinabi ni Emmanuel Fontanilla, “nasa OIC (Organization of Islamic Conference) na po ‘yung ating mahal na propesor… Doon na po siya sa Guinea at nakikipag-usap na po.” Ito ay sa kabila ng warrant of arrest na inisyu laban kay Misuari …

    Read More »
  • 11 December

    2 totoy nalunod sa septic tank

    NALUNOD ang dalawang totoy matapos maglaro at lumangoy sa isang septic tank, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City. Nadala pa sa Home Care Clinic sa Merville, Parañaque ang mga biktimang sina Jerome Berja, 12, at Ricky Laurente, 9, ng Barangay Pag-asa 2, pero hindi na umabot ng buhay. Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong, ng Station Investigation and Detective Management …

    Read More »
  • 11 December

    Pakibasa lang MPD DD Gen. ISAGANI Genabe,Jr.

    GOOD day sir! Tagasubaybay po ninyo ako at labis po akong humahanga sa bawat kolum ninyo. Kamakailan po ay nabasa ko po ang kolum ninyo patungkol kay bagman Bong!   Noong nakaraang buwan lamang ay may napatay na si SPO4 Castillo sa Binondo hindi po ba? Bago po mangyari ang patayan ay may nahuli ang grupo ni bagman Bong na …

    Read More »
  • 11 December

    73-anyos landlord niratrat sa internet shop

    Patay ang 73 -anyos landlord, matapos pagbabarilin  sa tapat ng internet shop ng dalawang lalaki na nakasakay sa tricycle, sa Pasig City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB ng Pasig City Police ang biktimang si Rodolfo Oregas, negosyante, residente ng  #176 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, sa nasabing lungsod. Tumakas ang mga suspek …

    Read More »
  • 11 December

    Isnaberong German binugbog sa Aklan

    KALIBO, Aklan – Dahil sa pagiging isnabero, bugbog-sarado ang German national makaraang bugbugin ng lasing na lalaki sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan. Ang biktimang isinugod sa Caticlan Baptist Hospital ay kinilalang si Heinz Warner Fickermann, 62, German national na nakapag-asawa ng Filipina sa naturang lugar. Ayon kay PO2 Mondia ng Malay PNP Station, ang insidente ay naganap habang ang biktima …

    Read More »