Bunso nina John at Janice, artista na rin!

ni Reggee Bonoan

[divider]

ARTISTA na ang bunsong anak na babae nina John Estrada at Janice Estrada dahil kasama siya sa Witch-A-Makulit episode ng Wansapanataym na mapapanood ngayong gabi kasama sina Miles Ocampo at Alyanna Angeles.

Say ni Inah, โ€œsa totoo lang po, kinakabahan talaga ako sa expectations sa akin ng mga tao dahil magagaling na artista โ€˜yung mga magulang ko. Pero sa ngayon po, ine-enjoy ko lang โ€˜yung moment at nagpapasalamat na binigyan ako ng chance na makapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan.โ€

Ayon naman kay Miles, โ€œnakaka-excite po dahil first time ko na magkaroon ng role na mayroong superpowers.โ€

Gagampanan ni Miles ang karakter na Krystal na pangalawa sa tatlong magkakapatid na ipinanganak na may lahing mangkukulam.

Dagdag pa ni Miles, โ€œpampamilya po talaga ang kuwento nina Krystal, Jade (Inah), at Emerald (Alyanna) dahil bukod sa mga away-magkakapatid nila, tiyak marami rin po silang aral na matututuhan tulad ng importansiya ng pagsunod sa magulang.โ€

Samantala, isa namang magandang learning experience para kay Alyanna na makasama sa Wansapanataym.

โ€œMasaya po ako na makasama sina Ate Miles at Ate Inah kasi marami po akong natututuhan sa kanila,โ€ sabi ng Kapamilya child star.

Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Benjie Paras, Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno mula sa panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at direksiyon ni Lino Cayetano.

Huwag palampasin ang simula ng Wansapanataym special nina Miles, Inah, at Alyanna ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.