TINATAYANG P1.5 million halaga ng hinihinalaang ecstacy pills ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BoC), sinasabing nanggaling sa The Netherlands. Agad itinurn-over ng Bureau of Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabat na ecstacy pills. Sa report na ipinadala ng BoC, ang nasabing parcel ay naglalaman ng 1,010 tablets ng methylenedioxy methamphetamine (MDMA) o mas …
Read More »TimeLine Layout
January, 2015
-
10 January
Garin bagong DoH secretary
ITATALAGA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Janette Garin bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). Si Garin ang kasalukuyang acting secretary ng kagawaran na humalili makaraan mag-leave hanggang sa tuluyang magbitiw si DoH Secretary Enrique Ona. Sa ambush interview sa pagdalo sa inagurasyon ng bagong gusali ng Romblon Provincial Hospital, binanggit ni Aquino na gagawin niyang permanenteng …
Read More » -
10 January
Instructional video ilalabas ng Palasyo (Sa pagsalubong sa Santo Papa)
MAGLALABAS ng instructional video ang Palasyo bago ang pagdating ni Pope Francis sa Enero 15 para ipaalam sa publiko ang mga dapat gawin sa pagsalubong sa Santo Papa, pati na paghahanda sakaling magkaroon ng worst case scenario. Sa media interview sa Pangulo sa pagbisita sa lalawigan ng Romblonkahapon, sinabi niya na hindi papayag ang gobyerno na makasingit angsino mang magtangka nang masama sa Santo …
Read More » -
10 January
Bebot pinatay isinilid sa maleta ng dorm mates
HALOS hindi na makilala ang 27-anyos babae dahil sa pagkabasag ng ulo nang matagpuan sa loob ng isang maleta makaraan patayin ng dalawang babaeng dorm mate kamakalawa sa Baguio City. Natagpuan ang bangkay ni Buena Sol Arro sa kanyang apartment sa Brgy. Loakan Proper, Baguio City dakong 9 a.m. kamakalawa. Sa tantya ng mga pulis, nangyari ang krimen bandang 9 …
Read More » -
10 January
Adult diapers inisnab ng ilang MMDA personnel
HINDI sinunod ng ilang traffic officers at crowd control personnel ang utos ng Metro Manila Development Authority na magsuot sila ng adult diapers habang nagbabantay sa prusisyon ng Itim na Nazareno kahapon. Nauna rito, inihayag ng MMDA na kailangang magsuot ng adult diapers ang traffic officers at crowd control personnel na magbabantay sa pagbisita ni Pope Francis. Sinabi ni MMDA …
Read More » -
10 January
Pacman judge sa Miss Universe
KABILANG si People’s Champ Manny Pacquiao sa mga hurado sa 63rd Miss Universe na gaganapin sa Doral, Florida. Sa Facebook page ng Miss U, kinompirma ng pageant organizers ang ulat na kasama ang eight-division world champion sa mga kikilatis at pipili sa susunod na Miss Universe. Kasama ni Pacman na magiging judge ang TV host-shoe designer na si Kristin Cavallari; …
Read More » -
10 January
Pumugot sa ulo ng live-in partner arestado
NADAKIP makaraan magtago sa batas nang mahigit sa tatlong taon ang isang 38-anyos lalaking suspek sa pagpugot ng ulo ng kanyang live-in partner, nang matagpuan sa pinagtataguang lugar sa Sitio Amilig, Brgy. Balaynan, Goa, Camarines Sur. Ang nadakip na suspek na itinala bilang number 4 most wanted person sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, sa Bulacan ay kinilalang si Sonny …
Read More » -
10 January
Kelot sapilitang pinagamit ng droga 10 suspek tinutugis
NAGA CITY – Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang 10 suspek na responsable sa sapilitang pagpapagamit ng shabu sa isang lalaki sa Naga City. Nabatid na halos dalawang araw pinagamit ng shabu ang hindi nakapanlaban na biktimang si Omar Juda Nolasco, 20-anyos, patuloy inoobserbahan sa pagamutan dahil wala pa sa normal na kalagayan bunsod nang epekto ng ipinagbabawal na …
Read More » -
10 January
Suspensiyon vs Supt. Felonia iniutos ng Ombudsman (Sa Richard King killing)
INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension laban sa isang police officer na sangkot sa pagpatay sa negosyanteng si Richard King sa Davao City noong nakaraang taon. Sa ipinalabas na order ni Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices, Cyril Ramos, iniutos niya sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng suspensiyon …
Read More » -
10 January
Trabaho sa abroad hindi sagot sa kahirapan
KAPIT minsan sa patalim para mabuhay, ito ang isa sa mga paraan ng ating mga manggagawa dahil sa hindi makataong pagtingin sa kanila ng kanilang mga employer maging ito man ay dayuhan o lokal. Ito ang nararanasan ng ating mga lokal na manggagawa sa mga pabrika maging sa mga tanggapan ng gobyerno o maging pribado. Gusto sana ng ating manggagawa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com