Norwegian national nagbigti sa condo

080614 bigtiPATAY na nang matagpuan ang isang 53-anyos Norwegian national habang nakabigti sa loob ng condo sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang nagbigti sa hagdan gamit ang sinturon, na si Arvid Mork , may-asawa, nanunuluyan sa Room 21-C ng Victoria De Manila Condominium sa 1415 Taft Avenue, Malate.

Sa imbestigasyon ni PO3 Richard Limuco ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima kanyang kaibigan na si Dennis habang nakabitin sa hagdanan.

Leonard Basilio